Ivan's POV
Kainis yung babaeng pangit na nerd na nakabungguan ko kanina!halata naman na sinasadya niyang bungguin ako para magpapansin pinaltok pa ako sa ulo ng nilamukos na papel!Huh! Magsisisi sya!Yari ka saakin poor and ugly nerd!
"pre okay ka lang?" tanong ni Jake
"Mukha ba akong okay!"sigaw ko sakanya. Nandito kami ng mga kaibigan ko sa tambayan namin.
"Woah! easy pre easy" nakataas ang kamay na saad ni Jake
"ano bang nangyayari sayo?dahil ba yan kanina?tanong ni Jeff habang naka dekwatro.
"Oo! bwisit na nerd Yun akala mo kung sino ang pangit pangit naman at tingnan mo kung paano manamit halatang mahirap !"sabi ko
"Chill dude nandyan na girlfriend mo" pagkasabing pagkasabi palang non ni Jake ay napangiti na ako
"Babe!"sabi ng isang dyosang nilalang
Pagkadating na pagkadating niya sa harap ko agad ko siyang niyakap.
"Hi babe!" Sabi ko sakanya.
Siya si Sofia A. Alcantara ang napakaganda kong GF mayaman siya. Sikat ang buong pamilya niya. Tinagurian siyang Campus Queen Bee dahil sa ganda niya at yaman.
"Babe nabalitaan ko na may ugly nerd na bumangga sayo kanina. Are you okay?" Tanong niya sakin habang sinisipat ang mukha ko.
"Oo naman basta makita lang kita okay na ko"sabi ko naman sakanya.
"Omy gosh kinikilig is me"sabi ni Dona ang Conyo niyang kaibigan.
"Tsk yeah"sabi naman ni Clara seryoso ito palagi ngunit mataray.
"Yeah I know girls" kinikilig na sabi ni Sofia. Ang Ganda nya talaga."Bye na babe may aasikasuhin lang ako" sabi nya pa
"Okay babe bye I Love you"
"I Love you too babe" then I kiss her lips. Umalis na sila ng mga kaibigan niya.
"Tara na pasok na tayo" Aya ni Jeff.
Habang kami ay naglalakad naisip ko si ugly nerd,hmmm ano kaya ang gagawin ko sayo?
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag-iisip nang biglang..
*Tinnngggggggg (sensya na po sa sound effects)
"Sh*t time na!"sigaw ni Jake. Tumakbo kami papasok sa classroom namin.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay nahagip agad ng mga mata ko yung nerd na nakabungguan ko kanina pero may maliit na sugat yung labi niya.
Hmmm paano kaya nagkasugat tong nerd na to ?Tss ang liit pa.
Dumeretso na ako sa isang bakanteng upuan sa may tabi niya. Nasa may likudan yung upuan niya kaya nasa likod rin ako umupo Kasama yung mga kaibigan ko. Biglang dumating yung prof namin kaya napaupo kami ng ayos.
"Good morning class I'm Sesinta Rodriguez and I'm your adviser and I'm your English teacher. I don't tolerate bad students and before anything else I would like everyone to introduce themselves. Start's with you girl at the back" Sabi nung prof at tinuro pa si nerd.
Ganto seating arrangement namin kung sakaling hindi nyo alam:
Jake /girl/ Jeff / girl / ako / nerd /bintana
Kaya siya ang tinuro ay dahil siya ang nasa pinaka gilid.Tumayo si nerd "I'm Riana Gomez I'm seventeen years old"tipid na sabi ni nerd so Riana pala pangalan niya.
"Next!" sabi nung prof namin habang nakatingin sakin.
*smirk* tumayo ako at biglang nagtilian yung mga babae"I'm Marcus Ivan Lee I'm seventeen years old"sabi ko sabay upo nilingon ko si nerd pero nakatingin lang siya sa may bintana.
"Next!"sabi nung prof namin sa babaeng nakaupo sa tabi ni Jake
"I'm Grace Tan seventeen years old!"nakangitng sabi nung babae at masiglang umupo.
"Next!"sabi nung prof namin at gaya ng inaasahan nagtilian yung mga babae nung tumayo si Jake ng may nakakalokong ngiti.
"Jake dela Tores seventeen years old"sabi ni Jake at kinindatan nya ang mga babaeng nag titilian sabay upo.
Tumayo bigla yung babae na katabi ni Jeff kahit hindi pa sya tinatawag ng prof namin "Sandra Mae C. Ferrir seventeen" tipid nyang sabi sabay upo.
Tumayo agad si Jeff habang naka poker face" Jeffrey K. Flores seventeen" sabay upo nagtilian yung mga babae nung makaupo na si Jeff.
Nilingon ko si ugly nerd at kumuha ng papel at nilamukos ko Ito sabay bato sakanya kaya Napalingon siya saakin"Hi nerd" I said with a grin
"Oh hi jerk" she said then she rolled her eyes.
"You'll pay nerd you'll pay" I said with a smirk on my face.
"Im scared" she said and rolled her eyes again.
Tsk tsk tsk your doom nerd
Sorry for the short UD
Vote,comment please
(Picture of Riana→)
BINABASA MO ANG
Mr. Bully vs Ms. Nerd(Discontinued)
Teen FictionPangit . . . . . tahimik . . . . . grade conscious . . . . . . Mahirap . . . . Nerd . . . . . . Yan and tingin nila kay Eriana Zyche Park o mas kilala bilang Riana Gomez. Pero paano kung mag clash sila ng bully na si Marcus Ivan Lee .Ano kaya ang...
