His image will be ruined, Tita Regina is a socialite and I'm sure magiging laman sila ng magazine at balita kapag nalaman ito ng mga tao. I can imagine what they are going to do next, get Lauren away from me and live with them like she's not illegitimate and what? They will manipulate her papers and make Kelsey her mother? Para matupad na ang kanilang inaasam na kasal?

Bigla kong naramdaman ang malambot na kamay ni Lauren sa aking pisngi, may pinunasan siya doon.

"Why are you crying, Mommy?" bulong niya

Ayokong magsinungaling sa aking anak kaya umiling ako. I smiled to stop her from worrying.

They are people who want to take a picture with Lauren and Dior kaya nang natapos na sila sakanyang buhok ay sandamakmak na ang naghihintay na makapag picture sa dalawa.

Nagpaalam akong lumabas muna saglit dahil sa pagtawag sa akin ni Maxxine, kanina pa sila nandito at kanina pa nila ako hinahanap. Kung hindi lang lumapit ang sekretarya ni Ate Xena ay baka hindi talaga ako lalabas.

Nagpaalam ako kay Lauren at Dior at sinabihan sina Rose at Percy na alagaan ang dalawa bago lumabas ng backstage.

I was greeted by many people as I stepped outside the backstage, ang iba ay kilala ko bilang artista, social media influencer and Mommy's friends. I smiled and greeted them back, napapatigil rin kapag may paguusapan.

The waiters are serving champagne at may buffet rin, kumuha ako habang nakikinig kay Mrs. Fonacier tungkol sa mga plano nila ni Mommy sa isang charity event.

"We have an annual charity event in Iloilo, hindi ba sumali ka na doon?" tumango ako at uminom ng champagne, may naalala ako pero agad ko rin iyong pinagsantabi.

There's many businessman donating in that charity event at malakilaki iyon sa sinabi ni Mrs. Fonacier. Is it to lessen their tax? or is it really for it's purpose? Hindi ko alam but I'm glad there's a huge donation ibigsabihin ay marami ang matutulungan namin at baka hindi lang sa Iloilo, baka sa ibang karatig na probinsya pa.

She's asking if I can help again in managing that event dahil ang gumagawa noon ay ang kanyang anak na si Azira pero wala ito sa linggong iyon at walang mamahala. My forte is not memorizing names pero familiar ang pangalan ng babaeng binanggit niya.

"I'm glad to help but I will ask Mom first about that. Mag sisimula na rin po kasi akong magtrabaho sa Lunes."

"Oh? You're going to help your sister? That's good!" Nakita ko sina Maxxine sa medyo bandang gitna, napapalibutan ng mga kakilalang kaibigan. Kumakaway sa akin si Nick at may sinesenyasan kaya nagpaalam na ako kay Mrs. Fonacier at nilapitan sila.

Maxxine is wearing a red bodycon dress that is a totally headturner, Bianca is also wearing a white off-shoulder bodycon dress, kasama niya iyong kalove team niya na sa tingin ko ay boyfriend niya ata, halter dress naman ang kay Karlie at black tube dress naman kay Shaira. Nick looks so handsome in his powder blue longsleeves.

Nginitian ko ang mga kasama nila na kilala ko rin pero hindi ko masyadong nakakasama. I think Brenda invited them because they are all social media influencer and some of them model Mom's design pero hindi kasama sa event dahil busy daw.

"Hindi ko inaasahang maraming pupunta!" sabi ko nang niyakap ako ni Maxxine

"Of course everyone will come! Laging hinihintay ng mga tao ang design ni Tita Shayne. Kahit iyong mga invited ay gumagawa ng paraan para makapasok."

Bianca's boyfriend greeted me, kilala ito bilang winner ng reality show, I smiled and greeted him back.

"Can I take a picture of you two? Maiinggit si Tristan kapag nakita niyang kasama kita." sabi niya at nilabas ang kanyang phone. Umiling at tumawa si Bianca pero tumabi rin sa akin para mangyari ang gusto ni Arsen.

Miss Always Rank #2Onde histórias criam vida. Descubra agora