💕 NOBODY'S BETTER 13 💕

Start from the beginning
                                        

"Alam mo beshy, tama ka eh! may Kelso ako pero siya kaya iniisip niya na may Keisha siya?" tinignan niya lang ako ng may pagtataka. "Huh? Anong pinag sasabi mo beshywap? Hindi mo na ba siya gusto?" tanong niya. Nagshrug lang ako sabay sabing, "Gusto ko pa rin siya pero mas maganda ng ifocus ko ang sarili ko sa pag aaral kasi sa pag aaral may future ako pero pagdating sa love story naming dalawa, ang alam ko lang hanggang dito na lang kami kasi nakita niya na iyong future niya at ang nakakatawa pa, hindi ako iyong taong iyon."

"Hindi kita maintindihan." nakakunot noo niyang tanong ulit. Ngumiti lang ako ng pilit. Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita pero dumating na 'yong instructor namin na siya iyong magpapa exam sa amin.

Nakita ko na lang na nagbuntong hininga siya at pumuntang proper seat. Tumayo na rin ako para pumunta sa proper seat ko at bumuntong hininga rin. Dahil mag uumpisa na ang labanan. Huhuhu!

❌❌❌

Nasa kalagitnaan na kami sa pagsasagot nang may nararamdaman akong kakaiba. Tinaas ko ang ulo ko upang ilingon ng dahan dahan ito sa mga kaklase ko na katulad ko ay busy rin sa pagsasagot ngunit parang baliwala lang sa kanila ang nangyari at tila wala silang naramdaman. Baka guni guni ko lang 'yon.

Nagshrug lang ako ng shoulders ko pagkatapos ay ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa test questionnaire. Ilang tanong na lang naman na ang sasagutin ko at kaunting oras na lang ang meron ako kaya kailangan ko ng paspasan ang pagsasagot.

Nasa question 90 na ko (dahil up to 100 ang question ng exam namin ngayon) nang naramdaman ko ulit 'yong nararamdaman ko kanina. Na parang may nagyuyugyog sa akin. Hindi ko na lang ulit 'to pinansin kasi kapag papansinin ko 'to eh aba, siyempre ako ang matatalo. Dahil mawawala ang concentration ko at mawawala 'yong mga nireview ko. Babagsak pa ko.

Itinuloy ko na lang ang pagbabasa ng tanong at nang akmang isusulat ko na sa answer sheet yong sagot ko ay kinalabit ako ni Tony. Since in order alphabetically ang seats namin ngayon, si Tony ang katabi ko dahil Rameses ang surname ko samantalang Ramos naman ang sa kanya.

"Bakit?" nakakunot noo ko pang tanong sa kanya habang ang mga palad ko ay ipinagtakpan ko sa answer sheet ko. Malay mo mangupya siya. Hahaha!

"Hindi mo ba nararamdaman 'yon?" tanong niya na pabulong at alam kung pinaparamdam niya ang paligid. Napakunot noo ako. "Bakit? Ano ba 'yon?" tanong ko din. "Lumilindol ata?" nanginginig niyang sagot. "Huh?" iyon lang ang nasabi ko dahil nararamdaman ko na 'yong nararamdaman ko kanina at mas worst, mas lumakas pa ang pagyugyog.

"Lindollllllllll!!!!" nagpapanic na sigaw ng mga kaklase ko. Hindi na namin alam ang gagawin. Kinakabahan ako ngayon. Katapusan ko na ba?

"Class! Don't panic! Huwag kayong matakot! Stay calm!" sabi ng instructor namin. Napako lang ako dito sa kinauupuan ko ngunit iyong iba kong mga kaklase, nasa silong na at halatang takot na takot. Ikaw kayang makaranas nito at ang masaklap pa nasa third floor kami! For pete sake sinong di matatakot?

Ilang minuto ding yumanig pero this time humina siya ng humina. Habang ako'y nagdarasal na dito sa kinauupuan ko na sana walang mangyari sa amin.

"Tumigil naaa!" garalgal na wika ng isa sa mga kaklase ko. Tumingala ako at tinignan ang mga kaibigan ko. Bakas sa kanila ang takot at pangamba na baka mamaya mag aafter shock na naman 'to.

"Class! Naka tanggap ako ng text na kailangan daw nating pumunta sa quadrangle dahil mas safe tayo don. Okay? So please behave at dahan dahan sa pagbaba sa hagdan. Baka mamaya ma-stampid kayo." sabi ng instructor namin. Agad kong kinuha ang bag ko maging ang test questionnaire at answer sheet ko at dahan dahan kaming magkakaklase na bumaba sa hagdan. Bawat hakbang tila pinaparamdaman namin ang paligid kung yuyugyog pa rin ba siya o hindi na. Napa buntong hininga na lang ako ng malalim ng nakalabas kami ng building namin ng safe.

Sabay sabay na rin kaming pumunta sa may quadrangle habang nasa likod namin ang instructor namin. Pagdating namin doon, makikita mo ang halos lahat ng estudyante ng school namin. Mga elementary students na umiiyak, mga junior high estudents na nagkukumpulan sa may gilid. Mga college students na natatakot rin at maging ang ibang katulad ko na senior high school students ay nandito. Naghihintay ng anunsyo especially na naabala ang examination namin.

Humiwalay ako sa mga kaklase ko at dumiretso sa mga kaibigan ko. Nadatnan ko si Momo'ng malalim ang iniisip, si Cela na medyo naluluha. Si Diana na parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina at si ate Resse na nagrereview sa may tabi ni Momo pero halatang natatakot din siya base sa kamay niya ngayong nanginginig.

"Okay lang kayo beshywaps?" tanong ko sa kanila. Tumango lang ang tatlo samantalang niyakap lang ako ni Momo habang umiiyak.

"Natatakot ako beshywap!" iyak niya sa akin. Hinamas hamas ko lang ang likod niya. "Shhhhh! Tama na! Huwag ka ng matakot. Everything will be okay." ang sabi ko lang sa kanya kasi pati ako, inaamin ko natatakot rin ako. Pagkabitaw na pagkabitaw namin sa pagyayakap biglang dumating na ang mga head teachers at sinabing pwede na kaming umuwi dahil nga sa lindol na naganap. At tungkol naman sa exams namin, ireresume na lang daw ito sa Monday since friday ngayon. Okay lang naman sa akin since feeling ko nagkaphobia na ata ako sa lindol eh. At para mairefresh ko pa ang isip ko.

Sabay sabay na kaming umalis pero bago pa kami lalabas ng school compound ay hinanap ko muna siya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mahanap ko siya. Gusto ko kasing masiguradong okay lang siya at walang nangyaring masama.

Pero nasayang lang pala ang effort at pagod kong kakakatakbo kasi nakita ko siya sa may malaking puno dito sa tabi ng Senior High School Gym. Buhat buhat niya bridal style 'yong gf niya habang bakas sa mukha niya ang pag aalala.

Nilagpasan lang niya ako habang buhat buhat 'yong gf niya. Patakbo siyang umalis at halatang kailangan niya ng ipunta sa kung saan man niya dapat ipunta 'yong gf niya habang ako, nakastuck lang paa ko dito. Hindi makagalaw. Naramdaman ko na rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Ako kaya naisip niya noong panahong lumindol kanina? Naisip niya kaya kung nasaktan ba ko o natakot? Naisip ba niya na baka may nangyari sa aking masama?

I chuckled those questions. Sino nga ba ko para alalahanin niya. Isa lang naman akong hangin sa kanya. Hindi ako importante sa kanya. At alam kong ang kwento naming dalawa ay malapit ng magwakas.

Masakit. Sobra.

Iniangat ko ang tingin ko sa gawi niya na ngayon ay mga alikabok na lang ang nakikita ko.

Bakit ko pa ba siya hinanap? Bakit ko pa ba siya inisip?

Bakit?

Bakit pa ba kita mahal Kelso? Bakit?

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now