Chapter 20 - HOW .

441 5 0
                                    

LUIS'S POV

Nandito kami ngayon sa cafe sa likod ng walden...

Unang bumaba sila cheska at ela ng kotse habang ako naman ay pinatay muna ang makina ng kotse ko, pagbaba ko ay may dumaang kotse sa harap ko, nauna nang pumasok ang magkaibigan habang ako ay pinagmasdan ang kotseng dumaan.

'parang pamilyar ang kotseng to ah?...'

Tinignan ko ang plaka at kay courtney nga 'yon....wait bakit andito si courtney? Alam kong siya 'yon dahil kabisado ko ang plaka ng kotse niya...

'dont tell me nakipagkita na naman siya sa 'ex' niya? She even told me na ayaw na niyang makita ang ex niya although hindi ko pa nakikita.... pero heto...at andito na naman siya sa walden..tsk did she really love hurting herself over and over?...'


Saglit ko pang tinignan kung saan dumaan ang kotse.

Napailing muna ako bago sumunod at pumasok sa loob kasunod ng magbestfriend, nakita ko sila sa gilid na parte kaya naman sumunod din ako at naupo, "Naka order na kami, tsk bakit ba kasi ang tagal mo?" Tanong ni ela habang umiinom ng kape niya kaya naman nag isip agad ako ng isasagot.


"Never mind, Order muna ko..." sabi ko at tumayo nalang, at ako na ang umorder ng sakin, saglit ko pang hinintay ang order ko at bumalik sa pwesto namin,. "--wait chess, si dean oh!..." Sabi ni ela habang nakaturo sa lalaking naglalakad papuntang exit.

'Siya 'yung lalaking crush ni cheska, na nakahalubilo namin nung nag arcade kami...'

"But sadly, paalis na siya, tsk! Wrong timing tayo..." Sabi pa ni ela, napatingin naman ako kay cheska habang matamang nakatitig siya sa nilabasan ng lalaking nag-ngangalang dean..


"Mukhang hinayang na hinayang ka ah?.." pang aasar ko kay cheska dahilan para mapabaling siya sakin at ngumuso.

'haha ang cute niya...'

"Wan ko sayo! Ubusin mo na yang kape mo!" Nakasimangot niyang sabi dahilan para matawa ako.

Nagkwentuhan muna kami bago tumayo at nagbayad sa counter at lumabas, pasakay na kami ng kotse ng  mag ring ang phone ko, sinenyasan ko silang mauna ng sumakay ng kotse habang ako ay sinagot na muna ang tawag.

'si mom...'



"Mom? kamusta napatawag kayo?" I said.

[ Me and your dad needs to talk to you...Tonight]

Parang biglang tinambol ang puso ko ng marinig ang 'Dad' na salita, why they need to talk to me?

"P-papunta na mom...."

[ Ok see you here ,Drive safely son...]

The line ended, kaya naman sumakay na din ako sa kotse "Sino yung tumawag? Mukha kang kinakabahan ah?" Tanong ni cheska, minaobra ko ang sasakyan at nag drive pauwi.

"Si mom, kakausapin daw ako nila ni dad..." Sabi ko habang nakatingin sa daan, nakita ko naman sa pheriperal vision ko ang pagtango tango niya at hindi na nagsalita, alam din kasi niyang may pagkamasungit ang parents ko, not that 'masungit' though pero strict sila dahil na din siguro sa ako ang unico iho nila.

Habang nag d-drive ay hindi ko mapigilang mapaisip, kakausapin na naman kaya nila ako tungkol sa 'arranged marriage' na magaganap? Kinakabahan ako at hindi ko maikakaila 'yon, its just that hindi pa ako handa...

BOOK 1:Secretly Loving You (COMPLETED)Where stories live. Discover now