Tadhana 19

286 5 3
                                    

"Akala natin pag lumipas ang panahon, lilipas din ang sakit. Pero hindi pala, kung minsan kahit sa tinagal ng panahon lalong lumalalim ang sakit, ang hapdi na nararamdaman ng puso. Lalo pa't nangungulila ito sa taong minahal mo ng husto."

Naisipan kong lumayo at mapag-isa dahil nagbabakasakali akong mapapabilis ang pagkalimot ko sa nakaaraan. Pero hindi, dahil habang tumatagal lalong lumalalim ang sakit at ang panghihinayang.

Mahal ko si Klein, pero mas kailangan kong mahalin ang sarili ko. Naranasan ko nang masaktan, pero tignan mo nga naman naulit pa sa pangalawang pagkakataong nagmahal ako ng husto.

"Erin? Nandyan ka pa ba? Hindi kana nagsasalita."
nabalik ako sa aking isipan ng marinig ko ang sunod na pagtawag ni Mama sa kabilang linya.

"Ah, opo nandito pa ako. Sorry po." paumanhin ko.

"Kailan ka ba makakauwi dito? Mula nung sumama ka sa Auntie Diana mo ayaw mo nang umuwi dito." malungkot na saad ni Mama. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa aking puso, ginusto kong lumayo para makalimot pero nasasaktan ko naman ang aking Pamilya dahil sa paglayong ginawa ko.

Alam kong si Mama na mismo ang nag-sabi sakin na dito mag-aral. Pero di naman niya inasahan na tatagal ako ng tatlong taon dito ng hindi umuuwi.

Last year ay umuwi sila Auntie at doon sa bahay namin nagcelebrate ng Pasko, pero hindi ako sumama. Hindi ko alam pero sa tinagal ko dito parang nasanay na din ako mag-isa.

"Baka po umuwi ako sa susunod na buwan, tatapusin ko lang po iyong semester namin." sagot ko.

Rinig ko ang tunog ng pagngiti ni Mama, kaya naman napangiti ako.

"Mabuti naman kung ganun, mag-ingat ka dyan. I love you anak, miss ka na namin ni Daddy mo."

"Opo, I miss you and love you Mama." aniya ko at pinatay na ang tawag.

Huminga ako ng malalim. Biglang pumasok sa isip ang unang araw ko dito sa Canada. Sobrang sakit ng puso ko at nahihirapan ako makisalamuha sa tao. Pakiramdam ko kasi ay mabait sila sa una pero sa huli ay sasaktan din ako. Natatakot akong makibagay pero kailangan lalo pa't bago lang ako noon dito.

Hindi naging madali sakin ang mag-adjust mula nung nakarating ako dito. Ang paligid, ang mga tao at ang temperatura. Pero kinaya ko dahil ito ang pinili ko, ito ang ginusto ko.

Isang taon din ako hindi nagbukas ng mga social media accounts ko, kaya naman text and call lang ang naging komunikasyon namin nila Mama at ni Jaycee.

I missed my bestfriend so much, nalaman ko din last year na nagkaboyfriend na siya at hanggang ngayon sila pa din. I hope he could be my bestfriend's husband too dahil mabuting tao naman si Steve.

Balita ko nakilala niya si Steve sa isang coffee shop sa BGC. It went good both of them kaya masaya ako para sa bestfriend ko.

Napalingon ako sa phone ko ng tumunog ito. Sinilip ko iyon at isang text mula kay Chloe.

"Hey sis! Let's go and party later?"

Napangiti ako at nagtipa ng reply.

"Sure, what time?"

wala pang ilang minuto ay nakareply din siya agad.

"6pm sa The Lounge. We'll wait for yah!"

Chloe was one of my foreign friends here in Canada. She said that her grandmother is a filipina but they lived in Canada since she was born. So glad that I met an awesome friend like her.

I used to party every weekend since ganun daw talaga ang ganap ng ibang college student dito. So nakasanayan ko na din naman.

Mabilis lang lumipas ang oras at nakahanda na ako para sa party.

5:45 ng makarating ako sa The Lounge. Ingay ng music, usok ng sigarilyo, mga couple na nagyayakapan at naghahalikan. Hindi na bago sa akin to, sa tatlong taon ko dito napaka imposibleng hindi pa ako masanay. Masaya namang ang pananatili ko dito, dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko.

"Omg sis! You're so gorgeous!" sigaw ni Chloe at tumakbo pa talaga siya para yakapin ko!

"Careful! I miss you!" aniya ko. Para kasi siyang madadapa sa takbo niya.

"Woah! I miss you more! It's been 2 days yet I really missed hanging out with you!" she said excitedly.

"Anyways, I don't like drama today, okay? Let's party!" she said loudly at nagsimula ng sumayaw.

"Tara dito, Erin! Dito ka umupo." tawag sakin ni Harvy, filipino siya at matagal na din sa Canada.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Ininom ko yung lady's drink na nakalagay sa mesa.

"Uuwi pala ako after ng semester natin, ikaw kelan? Gusto mo sumabay?" tanong niya.

"Pwede din naman, gusto din ni Mama na umuwi na ako. Tsaka ako din, mali din na hindi ako umuwi after 3 years of staying here." Sagot ko.

"Well, that's good! So, ako na magbobook ng ticket and I'll chat you pag nakuha ko na okay?" masayang sabi niya.

Harvey is one of my close friends here in Canada. He even tried to court me when I was in my first year staying here. He's my classmate in most of my subjects kata naman naging close din talaga kami.

But when he knows what happened and the reason why I chose to study here he stopped and said that we should stay as a friend as he wants me to heal and moved on.

Nakailang shots ako ng Lady's drink bago ko naisipan tumayo at magsayaw. 3 weeks from now uuwi na ako sa pilipinas. Alam kong nakamove on na ako pero hindi ko pa din makakalimutan ang nangyari noon.

Hinatid ako pauwi nila Harvey at Chloe sa bahay nila Auntie Diana. Hindi naman ako ganon kalasing pero ewan ko ba at hinatid pa nila ako eh kaya ko naman umuwi.

Umakyat na ako sa kwarto ko, sa mga oras na to alam ko tulog na sila Auntie kaya naman nag ingat akong maglakad para di makagawa ng anumang ingay.

Tinanggal ko ang suot ko at dumiretso sa banyo para mag half bath. Para naman kahit papano ay mawala ang amoy ng alak sa katawan ko.

Nang matapos ay humiga na ako sa kama. Huminga ako ng malalim at muling napaisip..

Handa na ba akong umuwi? Oo handa ako sa part na makikita ko na ulit sila Mama at Papa, pati si Jaycee pero paano kung makita ko yung mga taong minsan ng nanakit sakin?

I know I should be the strong version of Erin, alam kong kaya ko to. Nakaya ko ngang hindi umuwi ng tatlong taon iyon pa kaya? Tama. Alam kong kaya at kakayanin ko.

They are all part of my past and I should start myself from thinking that those people are just nothing to me.

Tadhana nga ba? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now