Tadhana 2

1.1K 21 2
                                    

Tanga.

"Isa kang tanga kung patuloy ka pa ding umaasa na magbabago siya, kahit pa alam mong hindi na talaga."

Maaga akong gumising, mayroon kasi kaming P.E Class ngayon. Bumaba na ako para kumain ng almusal, nakita ko si Papa at Mama na kumakain na.

"Oh anak gising ka na pala, kumain ka na sumabay ka na sa amin ng Mama mo." ani papa. Tumango ako at umupo na para kumain. Nilagyan ako ni Mama ng kanin at bacon sa plato ko.

"Kamusta ka naman anak? Buong araw kitang hindi nakita kahapon dahil pagkadating ko galing office eh tulog ka na." Tanong ni Papa. Uminom muna ako ng tubig bago ako nagsalita.

"Ah pagod po kasi talaga ako kahapon kaya maaga akong nakatulog. Okay lang po ako papa." Sagot ko. Tumingin ako sa mata niya at ngumiti. Hindi ko alam kung halata bang pilit iyon o hindi.

"Mabuti kung ganun, anak sabihin mo samin ng Mama mo kung may problema ka okay? Nandito lang kami para sayo. Anyway, kamusta na pala kayo ni Josh? Hindi na siya nagpupunta dito. Ayos lang ba kayo?" nabigla ako sa tanong ni Papa kaya nahirapan akong lunukin yung kinakain ko.

"Hmm opo naman Papa! Maayos kami ni Josh, hindi lang po siya makadalaw dahil busy po siya hindi ba last year niya na po sa senior high school kaya ganun. Pinapasabi nga pala niya na miss niya na pong pumunta dito." ngumiti ako pagkatapos kong magsalita.

"Okay good to hear that. Sige tapusin mo na ang kinakain mo baka mahuli ka pa sa klase." Ani papa, tumango at ngumiti ako bilang sagot. Pagkatapos kong kumain ay pumanik ulit ako sa kwarto para maligo at magbihis. Matapos kong mag-asikaso ay lumabas na ako ng kwarto pero napaatras ako ng makita ko si Mama.

Pumasok siya sa kwarto ganon din ako, sinarado niya ang pinto bago nagsalita.

"Anak.. alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo. Kagabi naririnig kong umiiyak ka at panay ang pagbanggit mo kay Josh. Umamin ka anak, niloloko ka ba niya?" Tumingin ako sa mga mata ni Mama, kita ko ang pag-aalala niya sakin. Hindi ako makasagot sa kanya, dapat bang sabihin ko? Pero ayokong mag-alala siya sa akin. Silang dalawa ni Papa, ayokong maging burden sa kanila.

"Nako hindi Mama! Kagabi po kasi nagbabasa ako ng pocketbook, eh nakakaiyak yung nangyari kaya umiiyak ako. Pasensya na mama, nagalala pa kayo. Dibale sa susunod hihinaan ko na po ang pag-iyak ko sa tuwing nadadala ako sa binabasa." Sagot ko habang nakangiti, tumango lang siya at tumalikod na. Alam ko hindi naniniwala si Mama sa akin, pero okay na din na gumawa ako ng paraan na hindi sabihin sa kanya. Ayoko lang talagang mag-alala sila at magkaroon pa ng malaking gulo.

Bumaba na ako at nagpaalam na sa sakanila. Nagsabi pa si Papa na ihahatid niya na ako pero tumanggi ako, sinabi kong magpahinga nalang siya sa bahay tutal isang beses lang sa isang linggo siya nakakapagpahinga.

Nag-tricycle nalang ako papuntang school. Sakto hindi ako late dahil kakababa lang ng mga kaklase ko sa Gymnasium. Iniwan ko nalang ang Bag ko kay Manong Guard dahil di ko na magawang itakbo pa sa room yung bag ko dahil baka maging dragon si Mrs. Loriz kapag nalaman niyang hindi pa kami kumpleto.

Nag-warm up muna kaming lahat bago kami nagsimula sa activity. Hinati kaming magkakaklase sa apat na grupo. Buti na lang magkagrupo kami ni Jaycee. Natapos namin yung activity at ang grupo namin ang may pinakamataas na puntos. Sabi ni Mrs. Loriz ay may makukuha kaming incentive at bukas niya iaanunsyo sa klase. Masaya kaming naglakad pabalik ni Jaycee, dumaan muna kami sa banyo nagpalit kaming pareho ng dala naming damit. Palabas na kami sana ng banyo ng may marinig kaming estudyante na binanggit ang pangalan ni Josh.

"Kagabi lang nangyari pero ang bilis kumalat ng litrato, kahit sa webpage natin nakapost na! Ang dami ngang naglike at ang mga reaksyon ng tao yung iba nagulat sa eskandalo ni Josh at Beatriz!" aniya nung babae na mukhang grade 12 student din. Lumabas kami ng cubicle ni Jaycee at tumingin siya sa dalawang nagchichismis. Napatingin naman sa kanya ang dalawa at parang natakot ito sa tingin niya kaya naman lumabas na ito ng banyo.

Hawak ko ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga sa narinig ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ko ang facebook ko at nagpunta sa page ng school namin, isang scroll down ko pa lang ay bumungad na agad sa akin ang litrato ni Josh at Beatriz na nakahiga sa isang kama habang magkayakap. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at nabitawan ko na din ang cellphone ko dahilan para makalas ito.

Hinawakan ko ang dibdib ko habang habol ang hininga ko hindi ko na kaya! Sobrang sakit na!

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw ni Jaycee pero wala atang nakakarinig sa amin.

"Erin! Erin! teka hihingi ako ng tulong sa labas babalikan kita!" rinig ko sabi ni Jaycee di ako makasagot sa kanya at tinignan ko nalang siya. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko, inatake nanaman ako ng hika ko. Pakiramdam ko mamamatay na ako, hindi ko na kaya sobrang sakit na.

Patuloy pa ding tumutulo ang luha sa mata ko, habang paulit-ulit kong binabanggit ang pangalan ni Josh. Nanlabo na ang paningin ko at unti-unting nagdilim ang paligid ko.

--

Nagising ako at nakita ko nalang ang sarili sa loob ng clinic ng school. May nakalagay na sa aking oxygen mask. Nakita ko sa paligid si Jaycee na nagaalala sa akin.

"Erin! Buti gising kana, ano kamusta pakiramdam mo? Natakot talaga ako sa nangyari sayo akala ko.. akala ko..." napaiyak siya dulot ng pag-aalala sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya at tinanggal ang mask ko, "Okay na ako wag kang mag-alala. Si mama? Tinawagan mo ba siya? Pinatawag ba sila ng Dean?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi, nakiusap ako sa Dean na wag nang tawagan sila Tita dahil alam kong ayaw mo silang mag-alala. Buti nalang pumayag. Sinabi ko din na ako na ang bahala sayo." Sagot niya, ngumiti ako at nagpasalamat.

"Im so lucky to have you as my bestfriend, Jaycee." Aniya ko. Ginantihan niya ako ng ngiti. "No problem sissy, basta ikaw. Sige pahinga ka muna babalik ako dito after ng Trigo natin." tumango ako at nagpaalam sa kanya.

Nagising nalang ako ng kalabitin na ako ni Jaycee, naramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko at kahit papano hindi na masyadong maga ang mata ko. Isinabay na ako ni Jaycee sa pag-uwi niya.

"Erin, I know na nasasaktan ka pero bilang kaibigan payo ko na makipaghiwalay ka na kay Josh. Kasi habang tumatagal lalo ka lang niyang sinasaktan. Wag kang magpaka-martyr. Please? I don't wanna see you hurt again, para na kitang kapatid. Just let him go." Hindi ako makasagot sa sinabing yun ni Jaycee, lahat ng sinabi niya tama. Hindi dapat ako nagpapakamartyr.

Pagkadating ko sa bahay dumiretso na ako agad sa kwarto.

Nagpalit ako ng damit pangbahay tsaka umupo sa kama. Sa katunayan naaawa ako sa sarili ko, pakiramdam ko ang hina hina ko, ang tanga tanga ko dahil hinahayaan ko yung sarili ko makulong sa isang relasyon na hindi na ako masaya na puro sakit na lang ang nararamdaman. Tumayo ako sa kama at isa isang tinanggal ang mga litrato namin ni Josh, inilagay ko iyon sa isang box kasama ng teddy bear, love letter, even the necklace na binigay niya sakin ay inilagay ko sa loob. Hindi ko mapigilan ang luha ko, sobrang sakit lang dahil halos Isang taon kami naging masaya sa isa't isa. At siguro sapat na ang tatlong buwan kong pagiging tanga. Pagiging tanga sa pagmamahal kay Josh....

Oo, hindi ito ang katapusan ng lovestory ko. Simula palang ito at itong simula ang gagamitin kong lakas para sa susunod na magiging kwento ng buhay ko.

Josh, i love you but... i know this will be the right time to let you go..

--

Tadhana nga ba? (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang