Tadhana 15

431 10 3
                                    

"So, kamusta naman ang Cagayan?" Jaycee asked me while were walking on the hallway.

"Ayos naman, masaya." sagot ko. Im so occupied this morning. I don't know. Kahapon kasi ay hindi nagparamdam si Klein, I don't know what happen. Lunes ngayon at may pasok kami, 2 subjects lang kaya maaga ang uwi namin. Ngayon lang din kami nagkita ni Jaycee.

"Uy, Erin okay ka lang ba? Dalawang linggo kang nawala, parang di mo naman ako namiss." nagtatampo niyang sabi.

Hinarap ko siya at hinampas sa braso.

"Ano ka ba! Wag ka ngang madrama diyan, may iniisip lang kasi ako." turan ko. Huminto siya sa paglalakad at ganun din ako. Pumunta siya sa aking harap.

"Si Klein ba?" tanong niya pero sigurado siyang ito ang dahilan.

I nodded.

"See? Hay nako, ano bang nagyari? Nag away kayo?" mabilis akong umiling bilang sagot.

"Ofcourse not! Hindi kasi... siya nagparamdam kahapon. He didn't even bother to text me. Ang huling usap namin ay iyong nasa byahe kami pauwi at sabado pa iyon!"

"Naku, yun lang naman pala. Hayaan mo at puntahan natin sa Room niya, baka naman may dahilan at naging busy. Hayaan mo na iyon." pag-alu ni Jaycee sa akin. Tumango nalang ako.

Is it bad to missed him?

Ilang buwan na kaming ganito ni Klein, kaya nasanay na ako sa mga text and calls niya. Hindi ako sanay na hindi siya man lang nagtetext sakin. Pakiramdam ko, may problema.

Natapos ang unang subject namin para sa araw na iyon, wala ako sa sarili kaya hindi ko alam kung may naintindihan na ako sa tinuro sa amin sa Calculus. Mabuti na nga lang at attentive si Jaycee, tatanungin ko nalang siguro siya mamaya about doon.

Im still pre-occupied kahit noong second subject namin which is yung Korean Language Class namin. Tapos na kami sa Basic at ngayon ay pinabubuo na kami ng sentence. Nakikinig pa din naman ako and I think may natutunan din. It's just that, hindi katulad nung huling may pasok ay focus ako.

Kung aalalahanin, ay hindi naman ako ganito noong kami ni Josh, I don't want to compare the situation that I had before to what me and Klein have. Siguro masyado nga lang talaga akong kinakain ng sistema ko, ang malalim na pagkagusto sa kanya.

Natapos ang dalawang klase ay sinamahan ako ni Jaycee na puntahan si Klein sa Classroom. 4 ang subject niya kaya alam kong sa mga oras na ito ay first break nila.

Bago makarating sa room ay nakasalubong ko iyong classmate niya, si Clifford Lopez, iyong ka team mate din niya sa basketball na nanukso samin sa court.

"Cliff, nasa room ba si Klein?" tanong ko.

"Hey Ms. Montereal! Si Klein? Hmm, hindi ko siya nakita, pero alam ko di siya pumasok eh." sagot nito sa akin, sabay napakamot sa ulo.

Tumango nalang ako at nagpasalamat.

"Tara na, Jaycee. Uwi na tayo." Sabi ko nalang at nauna na sa kanyang maglakad.

Wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon, kahit ang paglakad palabas ng school ay kinakatamaran ko pa.

I opened my social media sites, kahit ang Whatsapp pero wala ni-isang mensahe si Klein doon. I checked his messenger and I saw na he was online 2 hours ago.

Nakakapagtaka lang dahil bakit kahit isang mensahe ay hindi siya mag-iwan?

I know he's not my boyfriend, at hindi ako girlfriend, it's just that nasanay ako sa mga messages niya. Hindi man kami, wala mang label pero alam kong meron talagang namamagitan.

Tadhana nga ba? (UNDER REVISION)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα