Chapter 1

31.9K 507 3
                                    


Naalimpungatan si Charito nang marinig niya ang makina ng sasakyan na papasok sa driveway. Bumangon siya mula sa kinahihigaang couch at sumilip sa bintana. Nakita niyang pababa ng sasakyan si Matthew, ang kanyang asawa, inilock ang kotse at naglakad papunta sa front door. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Halatang nagulat si Matthew nang makita siya. Marahil ay hindi nito inaasahang gising pa siya. Wala sa loob na napatingin siya sa wallclock, pasado ala una na pala ng madaling araw.

"Bakit ginabi ka na?" medyo antok-antok pang tanong niya.

"Bakit gising ka pa?" walang ganang tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Hinihintay kita, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako." sabi niya habang sinusundan ito nang magtungo ang asawa sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. "Gusto mong kumain? Nagluto ako,ipaghahain kita," sinindihan niya ang kalan upang initin ang nilutong mechado.

"Kumain na ko, matulog ka na ulit," malamig na sabi nito at pagkatapos ay muli itong lumabas ng kusina upang magtungo naman sa silid nila.

Naiwan siya sa kusinang mag-isa. Hindi na bago sa kanya ang malamig na pakikitungo ng asawa. Katulad ng dati, muli niyang hindi pinansin ang kurot na naramdaman sa dibdib. Nagpakawala na lamang siya ng buntong hininga upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dibdib dahil sa pambabalewala ng asawa. Mabigat ang kilos na muling pinatay ang apoy sa kalan at isinalin sa isang tupperware ang ulam upang ipasok sa ref. Hinugasan ang kalderong pinaglutuan pati ang basong ininuman ng asawa. Nang matapos ay tinuyo niya ang mga kamay sa basahan na nakasabit sa handle ng ref at pagkatapos ay pumasok na sa silid nilang mag-asawa. Pagpasok niya sa silid ay naabutan niya itong naghahanda nang matulog. Nakasuot na ito ng usual na pantulog nito, malambot na pajama at puting t-shirt.

"Matutulog ka na?" tanong niya. Sa halip na sagutin siya ay nahiga na ito sa kama at pinatay ang lampshade sa bedside table na nasa gawi ng puwesto nito. Isang buntong hininga ang muling pinakawalan niya.

Nahiga na rin siya sa tabi ng asawa. Nakatalikod ito sa kanya. Magkatabi sila sa iisang kama pero tila napakalayo nito sa kanya. Abot-kamay niya ito pero tila kay hirap lapitan nito. Gustong gusto niya itong yakapin subalit alam niyang papalisin lamang nito ang kamay niya katulad noong unang beses na tangkain niyang yumakap rito, katulad din nang unang beses na tangkain niyang hawakan ang kamay nito. Ang tanging halik na namagitan sa kanila ay noon pang ikinasal sila, matapos noon ay hindi na siya tinangka pang muling halikan ng asawa. Ang akala niya noon, kapag naikasal sila ay magiging malapit na siya sa nag-iisang lalakeng minahal niya. Subalit nagkamali siya. Dahil magmula nang maikasal sila ay tila naging milya milya ang layo nito sa kanya.

Pero hindi niya masisisi ang asawa kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya. May kasalanan siya rito, malaki. She betrayed him. She went behind his back. Matthew had a fiancé back then at gumawa siya ng paraan para magkahiwalay ang mga ito. Alam niyang naging makasarili siya. Natakot siyang mawala ito ng tuluyan sa kanya kaya ginawa niya ang lahat para hindi iyon mangyari. Kahit alam niyang masasaktan ang lalake ay ginawa pa rin niya. Silang dalawa ng kanyang ama.

Ang iniisip niya lang noon ay hindi puwedeng mapunta si Matthew sa ibang babae. Kaya niyang tiisin na makitang nakikpag-date ito sa ibang babae. Kaya niyang tiisin na may ibang girlfriend ang lalake. Dahil naniniwala siya na sila talaga ang nakalaan para sa isa't-isa, na hindi lang iyon nakikita ni Matthew dahil nakasanayan na nitong magkasama sila dahil magkasabay silang lumaki. When Matthew's parents passed away in a car accident ay kinupkop na ito ng kanyang ama.

She was 13 and Matthew was sixteen. Matalik na magkaibigan ang mga ama nila nang nabubuhay pa ang mga magulang ng lalake. Parehong ulila ang mga magulang ni Matthew,sabay na lumaki sa bahay ampunan at nagkahulugan ng loob,ayon sa kuwento ng kanyang ama. Nang parehong tumuntong sa tamang edad ang mga magulang ni Matthew ay sabay na lumabas ang mga ito sa bahay ampunan at naghanap nang mapapasukan. Doon nga napadpad ang mga ito sa pabrika na pag-aari ng pamilya ng kanyang ama. Hanggang sa ang ama na niyang si Donald ang namahala sa pabrika ay patuloy na nagtrabaho doon ang mga magulang ni Matthew.

The Unwanted WifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant