"Hay nako Tricia, wala ako sa mood makipag-away sayo. Akala mo kung sino kang magsalita, magkapareho lang naman tayo." sabi ni Kayla tapos tiningnan niya ako. "Sydney, tara na lang magcut. Wala rin naman tayong natututunan." sabi sakin ni Kayla.

"Kita mo. Hindi ka talaga nag-aaral." sabat ulit ni Tricia.

"whatever. Hindi ikaw ang kausap ko. Sydney, tara dali. Iwan na lang natin yang Tricia na yan."

"Kadadating niyo lang tapos aalis ka agad at isasama niyo pa talaga ako." sabi ko kay Kayla

"Syempre naman isasama kita. Lagi naman tayong magkakasama eh. Kaso ngayon nga lang, iiwan natin si Tricia."

"Asa ka namang magpapaiwan ako." sabi ni Tricia kaso hindi na siya pinansin ni Kayla

"Anu na Sydney, tara na." sabi ni kayla sabay ayos ng gamit niya

Nag-ayos na din ng gamit ni Tricia

"Hindi ako pweddeng magcut.  Baka malaman ni Andrei, magalit pa sa kin yun." sabi ko

Tumigil yung dalawa sa mga ginagawa nilapagkasabi ko nun. Tapos nagtinginan silang dalawa bago nila ako tiningnan pareho.

Si Kayla ang unang nagsalita.

"Sydney, kelan mo pa inisip kung magagalit ba sayo si Andrei o hindi ha?"

"Oo nga ha. Ikaw pa nga dati ang pasimuno sa pagcucutting tapos ngayon tumatanggi ka na!" sabi naman ni tricia

"Kasi ano, nakaka...." sabi ko pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sumabat agad si Kayla

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now