Faces of Love

17.8K 1.1K 232
                                    

(One of the 6 OSS in collaboration with 6 KSS authors. Check the other 5 on KSS page to be uploaded before xmas2k17)

FACES OF LOVE- Facebook version. PEPPER DALLA COSTA

"Ate Jani, si sugar daddy ho?" Tanong ko sa ka office ni Kuya Troy. Hindi ko kasi makita ito sa mesa niya.

"Oh, ba't ka nandito Sig?" Tila nagulat naman ito sabay laki ng mga mata saka hinila ako sa tabi ng isang filing cabinet.

"Eh Ate nakalimutan kasi ni Kuya na last day na ng bayaran ng tuition ko, di ako makakaexam nito bukas" kamot noo ko.

"Ah gano'n ba, magkano ba ang babayaran mo? Baka kaya kitang bigyan" She asked.

"Ate 15k" sabi ko sabay linga sa paligid.

"Ang laki naman" she said.

"Bakit ba tayo nagtatago ate?" Tanong ko na at binalewala ang sinabi niya, alam ko naman ma di niya ako bibigyan ng 15 thousand, ano siya tanga?

"Sinasabon ni Boss ang sugar daddy mo at bawal kasi ang bisita dito" sabi nito.

"Anak ng tatay naman si Kuya oh, sabi na kasing huwag malelate" sabi ko.

"Hindi naman nalelate ang Kuya mo" pagtatanggol nito kay Kuya. Crush niya kasi si Kuya kaya ayan pinagtatakpan ang kalokohan ng isang 'yon.

"Matatagalan pa ba siya sa office ng boss niyo?" I asked kasi absent na ako sa first subject ko.

"Hindi ko alam, doon ka nalang sa mesa niya at magkunwari kang empleyado, huwag kang pakalat kalat" sabi nito.

"Ate Jani sa mukha kong ito, mukha na ba akong gurang katulad niyo? Ayoko nga" iling ko sa kanya.

"Bawal ang bisita sa floor na ito Siguorney, pa'no kaba nakalusot sa receptionist kasi?" Tanong nito.

Nginisihan ko lang siya. "Binigyan ko si Ate Ella ng discount sa Avon"

"Ewan ko sa'yong bata ka, pati si Ella di mo pinalampas" sabi nito.

"Eh patay na patay kaya yun kay Kuya like you, natural pagbigyan ako sa request ko, may discount na nga siya good shot pa siya sa'kin" I winked.

"Ibinubugaw mo ang kuya mo, hala sige doon ka maupo at huwag kang magulo" tulak nito sa akin patungo sa mesa ni Kuya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Haysst ang saklap maging masunurin.

In fairness kay Kuya Troy, malinis ang mesa niya, wala man lang alikabok, binuksan ko ang drawer niya at may nakita pa akong alcohol. Eh di siya na ang walang germs.

Kinalikot ko ang computer niya at sakto namang nakaopen and isang file.

"Notice of Termination of Employment" ang basa ko.

"Ay pooteks, tsugi ang sugar daddy ko, anyare do'n?" Sabi ko dahil sa pamagat ng letter ay alam ko that he was sooooo fired.

Hindi ko na binasa ang sulat at luminga- linga ako sa paligid at nang wala namang nakatingin sa akin ay pasimple akong pumuslit papunta sa mga offices ng mga boss na nasa 18th floor.

'Alin sa mga offices dito ang papasukin ko?' Linga ko sa paligid.

"May kailangan ka Miss" puna sa akin ng
isang babaeng nakapencil cut. Hindi ito nakatingin sa akin at sa hawak nitong folders ang tingin, binibilang niya ang iyon. Sekretarya siguro ito alangan naman na messanger?

"Ah hinahanap ko ho si Troy Fullerton" magalang kong sagot.

"Ay si meztiso, pumunta ka sa 10th floor doon ang office niya" istrikta pero may landing sabi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FACES OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon