Nasa bungad pa lang ako ng gym, nakita ko na agad si bespren. At nung pinayagan na ako nung guard na makapasok, tumakbo talaga ako. "BESPREN! NA-MISS KITAAA!" malakas kong sigaw at dinamba siya ng yakap. Para malaman niya kung gaano ko siya na-miss, iniyakap ko na rin 'yung isang binti ko. Naalala ko na rin 'yung regalo ko para sa kanya na nilipat ko sa supot. "Ito bespren oh, birthday gip ko sa'yo. Kinuha ko pa sa bahay 'to."

Kaso hinila ako ni Hiro palayo. Panira raw ako ng moment. Mas panira kaya siya! Isa siyang malaking epal! Saka ko napansin si Mase. Nagtaka pa ako kung bakit nandun 'yung kapatid ko. Buti na lang pinaalala niyang dun nga pala siya nag-aaral. Itatanong ko sana kung bakit parang maglalaro sila ni bespren laban dun sa maangas na lalaki at 'yung maarteng babaeng kanina pa nakangiti kay Mase. Pero nag-announce na si Hiro ng team huddle.

"Yay! Team huddle!" masigla kong sigaw para ganahan naman sila kaya pinagpatong-patong na namin 'yung mga kamay namin. "Go! Go—Ano'ng pangalan ng team niyo?" tanong ko kay bespren.

"Wag ka ngang—" saway na naman ni epal Hiro. "MALOU! Mason, Louie kaya MaLou! O, alis na! Dun sa bleachers, dali!" utos niya sa'kin.

Binilinan ko na lang si bespren at si Mase na galingan nila at siguraduhing manalo bago ako umupo sa bleachers kasama nung iba pang nanonood. Mukhang madali naman nilang matatalo 'yung kalaban nila eh. Mukha kasing takot sa bola 'yung babaeng kalaban nila. Tsaka si bespren kaya ang star player ng Uste sa basketball team! Tas magaling din naman si Mase kasi nasanay siya sa pakikipaglaro sa iba pa naming kuya.

'Di na ako nagtaka nung si Louie ang nakapagpasok ng unang tira para malamang kung sino ang unang mag-i-inbound. Imposible talagang matalo sila eh. Tas narinig ko pang raise to ten lang 'yung laban. Sisiw talaga 'yon! "WUHOO! GO BESPREN LOUIE! GO MA—"

"Wag ka ngang maingay! Para makapag-concentrate sila," asik ni Hiro na nakaupo sa tabi ko.

Tss. Malaki kaya ang nagagawa ng moral support kahit ng cheerers lang. Pampalakas kaya ng loob 'yon. Pero onga pala, wala ako sa teritoryo ko, kelangang mag-behave kaya tumahimik ako.

'Yun nga lang... WALANG NAPAPASOK NA TIRA SI BESPREN! Actually, pati 'yung kalaban, wala ring pumapasok na tira. Pero naman! Anyayare? Sharp shooter kaya si bespren. Tsaka bakit siya ang nagbabantay dun sa... Jem 'yata ang pangalan? Baka pang-distract si Mase dun sa babae para hindi makatulong. Pansin ko kasing kanina pa nakatitig kay Mason eh.

Kitang-kita ko kung paano nasupalpal ni bespren Louie 'yung dapat na dunk ni Jem. Kaya 'di na ako nakapagpigil. "IN YO FEZ! Ano ka ngayon, ha? Wala ka pala eh!" hiyaw ko.

Pero maya-maya, nakita ko ring sinupalpal ni Jem si bespren. "GAYA-GAYA! WALANG ORIGINALITY! GUMAWA KA NG IYO! GAG—UMMMMPP!" Buti nalang talaga tinapal ni Hiro 'yung bunganga ko gamit 'yung kamay niya kundi napamura na talaga ako. Dinig na dinig ko rin 'yung pagsinghap nung mga nanonood. Tsaka 'yung pagkalaglag nung kahon ng—

PEPERO! With almonds!

Agad kong pinulot 'yon kasi nagsilabasan 'yung mga cookie sticks na may sokoleyt at almonds. May nahulog pa nga sa sahig eh. Sayang nga kasi 'di ko na maabot. Sabi kasi ni 'Ya Marcus, totoo raw 'yung pede pang kainin 'yung pagkaing nalaglag sa semento within five seconds. Nagulat pa lang daw kasi 'yung mga germs nun kasi may nalaglag na biyaya. At dahil hindi pa sila makapaniwala, after five seconds pa nila sasalakayin 'yon. Baka nagdasal pa sila't nagpasalamat kay Papa God sa pagkaing natanggap nila. Ganun kami sa bahay eh, hehe.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon