Umupo muna kami sa may upuan, iba na ang pwesto namin dahil may nakaupo na dun kanina. Sabagay ay matagal kaming nawala.

"Bakit mo namang naisipang bumili nyan? Simula nya kaya tinignan ko sya. magaganda nama di ba?ano bang inaandar ng bungaga nya?

"Ano ba talaga problema mo sa mga damit na to? " ani ko, at idinadabog yung damit na binili nya kanina. Sabi ko na nga ba ay lalaitin nya lang yun at hindi bibilhin. Samantalang ang gaganda naman?

"Di mo ba naisip na Jan lang nila tinitinda yan? " pagmumuka nito sakin. Hays makikipagtalo ba sya para lang dito? Pwes ayoko na ng away.

"E ano naman? Edi palaundry natin sa maid" ani ko at tinarayan sya, para syang nagtampo at diretso lang ang tingin. Bwiset! Kalalakeng Tao.

"Shit! " bigla na lang syang nagsalita, na ikinagulat ko at taka. Parang di sya mapakali, Ewan! Baliw na ata to e.
"Yung secretary ni lolo tinitignan tayo! "

Nanlaki ang Mata ko ng sabihin nya yon, kaya pati ako bumilis yung tibok ng puso ko.

"Asan? " taka ko, at hinanap. Baka kasi nakita kami nun na nagaaway nanaman at makasama pa Kay lolo.

"Halikan mo ko"

"Ano? "

"Dalian mo na! "

"E! Bakit ko naman gagawin yun? " taka ko, dahil parehas kaming natataranta, hindi ko na alam kung anong sinasabi ng lalakeng to.

"Dalian mo na, nakatingin yung secretary ni lolo oh" ani nito, pabulong nya lang na sinasabi at mukang nakatingin sya dun sa secretary ng lolo nya.

"So? Ano naman? "

"Sa cheeks lang! " ani pa nito. Bwiset! Salisi nanaman.
"Dalian mo na nadia, tignan mo palapit na, ayan na!"

Lumapit na ko para halikan sya sa cheeks alam kong kunware sweet kami para makarating sa lolo nyang okay na kami, baka sakaling gumaling naman iyon.

Lumapit ako para halikan sya sa cheeks pero bigla syang humarap kaya nag kalapat ang labi namin. Alam kong pinlano nya iyon, dahil pagkaharap na pagkaharap nya ay hawak hawak nya ang dalawa kong pisingi. Hanggang sa ginagalaw na nga ang labi nya para simulan. Ano ng gagawin ko? Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano nanaman ba to?

Kinalas ko iyon, at bakat sa muka nya ang dissapointed. Medyo matagal na din kasi yung paghahalik nya sakin kaya ako na ang kumalas. Ano bang binabalak nya sa sarili nya? Sakin?

"Uwi na tayo, baka kase... Ano.. Baka tumawag si mommy" kamot ko sa ulo ko, medyo nagkakahiyaan kami dahil pinutol ko iyon. Dapat lang, nakakahiya kaya. Dito pa sa park?
"Ikaw na mag dala Kay darzel"

Ani ko at umalis na. Tumango na lang sya, atsaka na ko umalis. Hindi ko alam kung anong reaksyon ipapakita ko sa kanya. Bakit nya ba kasi ginawa yun? Andun ba talaga yung secretary ni lolo? Myghad! Ano bang pinaplano nya sa sarili nya?

Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Ano nanaman nangyayare sayo heart? Wag mo na ituloy kung ano mang balak mo, dahil hindi mo yan ikakasaya o ikabubuti. Ayoko na, totoong ayoko na talaga. E sa totoo lang di naman namin to ginusto di ba? Bakit kailangan magmahalan ng totoo kung parehas naman namin to pinagsisihan? Gusto ko mang kalimutan na ang lahat, kaso may bata pa syang mapupuntahan na dahilan na makita ko sya. Kailan ba kasi to lalaki? Gustong gusto ko na syang kalimutan, bakit parang nandito pa din sya? Pero kahit kasi anong gawin ko nakatanim sakin yung sakit, na ayaw mawala na ayaw mahukay, dahil alam kong gagawin at gagawin nya uli yun kung nanjan si mhelbel.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now