Chapter 21: I'm happy

Mulai dari awal
                                    

"Ate pahingi nga po ng dalawang hot chocolate!" Sigaw niya sa crew ng Cafeteria.




"Ahh sorry po, hindi po ako mahilig sa hot chocolate."




"Oh I'm sorry, what do you like? Juice, soda, milk tea or water?"




"Cold water na lamang po."






"Okay, ate isang cold water!"
Nakatungo kong tinanggap ang cold water na iniabot sa akin ng Prinsipe.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ystaice's POV




Parang kanina pa nagkakaganyan si Demi. Tulala at wala sa sarili, anu ba kasi ang iniisip niya at hindi niya marinig ang mga sinabi ko kanina? Kung kailan naman siya nagising tsaka naman siya nagkaganyan.





"Babalik na muna ako sa dorm ko, magpapahinga ng kaunti para bumuti na ang kalagayan ko." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at agad na lumakad palabas ng dorm namin ni Ellie.





Hindi ko na nagawa pang habulin siya ng tanong matapos niyang makalabas, dahil alam kong marami siyang iniisip sa ngayon. Pero mas nangingibabaw sa isip ko ngayon ang sinabi niyang huwag na naming pag usapan pa ang nangyari noong 2nd training kung saan takot na takot ako sa mga nabasa ko mula sa bibig niya na wala namang  boses.





Tumungo ako sa kitchen para magluto ng makakain, paglapit ko sa microwave oven ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa pader.

.
.
.
.
.
.

Third Person



Nang makahawak sa pader si Ystaice ay agad siyang napasandal sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Napalingon siya sa bintana na malapit sa kitchen ng mapansin niya ang liwanag na nagmumula sa gubat kung saan iyon ang gubat na kahit sinong estduyante ay hindi sinubok na pumasok. Isang liwanag ang nagmumula doon na tila iyon ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya.




"Ahhh." Mahina niyang sigaw sabay kapit sa pader. Biglang may lumabas na shadow sa bintana matapos niyang mapasigaw.





"Poor Ystiace. Kawawa ka naman."





"Si   sino ka?" Tanong ni Ystaice sa shadow na unti unting nagfoform sa tao na nagiging usok na kulay itim.




"You don't need to know me Ystaice. Isa lang naman ang gusto kong malaman mo."





"Anu ang kailangan mo sa akin?"






"Wala akong kailangan sayo ang totoo niyan ikaw ang may kailangan sa akin. Makinig ka, hindi mo naman kailangang makinig kay Demi. Hindi mo dapat itinatago ang totoo sa iba para lang sa isang Prinsesa. Diba may dugong bughaw ka rin, kaya bakit mo pa susundin ang sinasabi ng Prinsesa."




"Sino ka ba para sabihan ako ng ganyan sa kaibigan ko?"




"Wow talaga lang ha, sure ka ba na kaibigan ang turing sayo ng Prinsesa?"





"Pwede ba umalis ka na! Hindi kita kilala, ang sabi sa akin ni Demi don't talk to stranger."




"Sino ba sa amin ni Demi ang stranger?"





"Ikaw! Ahhhhh!" Muling napahawak si Ystaice sa ulo niya ng muli itong sumakit, kaya napaupo na siya sa sakit.





"Ystaice, Ystaice okay ka lang ba?" Napalingon siya sa pinto ng may tumawag sa pangalan niya.




PRINCESS POWER Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang