“Ah ano—ahmm—“

“Oy girl bakit ka—Oy si KR” dumating si Pong at tumayo sa gilid ko.

“Hi KR,  Aila, kayo na ba?” tanong naman ni Donut

“Yes” pagmamalaking sagot ni Aila

“Ah ikaw pala yung Aila. Hi” bati ni Pong na nakangiti saka tumingin sa’kin “Oh my Gosh girl bakit hindi mo naman sinabing malabo pala ang mata ni KR? Tignan mo naman ang pinalit sayo kamukha mo nga naka face warp naman” kumento ni Pong na kinatawa ni Chin at Don.

Nanlaki naman ang mata ni Aila sa sinabi niya saka siya lumapit kay Pong at sasampalin niya sana ito ng biglang tinaas ni Pong ang kamay niya at dinuro si Aila sa mukha sabay sabing . . .

“Subukan mong idapo yang kamay mo sa kahit isang strand ng buhok ko at sisiguraduhin kong e summarize ang kamatayan mo bago kapa makalabas sa mall na’to”

Napa-atras na lang si Aila at halatang nagpipigil siya dahil namumula ang mukha niya.

“Prenships, let’s go!” pagtataray ni Donut saka nila ako hinilang tatlo palabas ng Mcdo.

Nung makalayo na kami doon naman ako bumwelo sa pag-iyak.

“Imbyerna tumigil ka nga!” pagdadabog ni Donut.

“Si-si KRRRR” humagulhol ako at yumakap ka Chinee. “Puntahan natin sila kakausapin ko si KR na balikan ako”

“Wag kang gaga!” binatukan ako ni Pong “Ilang litrong anesthesia ba ang ininom mo at sobrang manhid mo?! Hindi mo ba nakita pinagpalit ka niya sa isang nuno tapos dinate pa niya sa mismong anniversary at birthday mo na kung tutuusin kagabi lang siya nakipaghiwalay sayo!”

“Pero Pong—“

“Shhhhh” tinakpan niya ang bibig ko bago pa ako matapos “Kaysa iiyak iyak ka diyan tara mag shopping na lang tayo at yang hitsura mo din ang rason kung bakit ka siguro hiniwalayan ng KR na yun”

“Oo nga Nil it’s time for a change na siguro” sabi ni Chin

“Tsk. Wala akong pera”

“Oh wag ka nang mag inarte kami na bahala tutal birthday mo naman regalo nalang namin to” sabi ni Donut at nagpunta na kami sa department store.

Matapos nila akong bihisan nagpunta kami sa isang bar na pag-aari ng kaibigan ni Andrei. Konti lang ang tao at wala pang umiinom kasi hapon pa kaya andun lang kami para makiwifi at kumain.

“Hi beautifuls” bati ng isang lalaki na lumapit sa table namin

“Sorry pero hindi namin masabing ‘hi handsome’ kasi panget ka” sagot ni Pong

“Hindi ikaw kinakausap ko sila” at nginitian niya kaming dalawa ni Chinee.

PLAYBOY MEETS KARMAWhere stories live. Discover now