"Siguraduhin mo lang na bukas hindi ikaw ang manglilibre"

"Hindi naman siguro"

"Siguro? Hoy babae—AAAAAHHHHHHH"

Nanlaki ang mata ko sa bigla niyang pagsigaw sa kabilang linya.

"Hoy anong nangyari sayo?! May daga? Mina-massacre ka? Pong sumagot kaaaa?!"

"Loka. Wag kang oa okay lang ako"

"Ikaw kaya tong bigla nalang sumigaw, sino kayang mas oa sa'tin"

"Nagulat kasi ako sa nabasa ko! Oh my gosh I can't believe this!"

"Bakit ano ba yan?"

"Nag tweet kasi si Kai sa twitter"

Kinabahan naman ako bigla in the mention of that name.  Imbis na yung anniversary namin ni KR yung nasa isip ko e bumalik na naman sa utak ko yung nangyari kanina.

"Malamang sa twitter saan kaba nakabasa ng tweet sa facebook?"

 "Ha.Ha. Funny" sarcastic niyang sabi. "Shh eto babasahin ko yung tweet niya. Finally home from the photoshoot. Tired but I had fun. Then hashtag, That Girl."

 

"Shunga ka? Anong iba dun?"

 

"Wag kang atat may isa pA. She's taken but I kissed her. Hashtag, That Girl.  OH EM GEE diba nakakaloka? Anong ibig sabihin nun?!"

 

 

She's taken but I kissed her.

 

Biglang nanigas ang katawan ko sa huling sinabi niya.

"Yung lang ba ang tweet hindi siya nag mention ng name?" nininerbyos kong sabi.

"Wala tsaka bakit parang nininerbyos ka?"

"Wala wala sige Pong matutulog na'ko bye"

 

Paano kung mag tweet siya ulit at mag mention ng pangalan? Paano kung kumalat at malaman ni KR? Hindi pwedeee! Kelangan ko tong sabihin at ipaliwanag sa kanya bago paman niya marinig sa iba.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni KR.

No answer.

Ring lang ng ring ang phone niya at walang sumasagot. Nang tignan ko ang oras alas onse pasado na pero sigurado hindi pa siya natutulog. Sinubukan ko ulit tumawag at after fifteen missed calls sinagot na  rin niya.

"Hello Nil?" Nil? Saan na napunta yung 'be?"

"Hello be, sorry ah naisturbo kita may kelangan lang akong sabihin sayo e importante lang talaga"

"Ako rin maysasabihin sayo importante din"

"Sige ikaw na mauna" sabi ko at narinig ko siyang napabuntong hininga bago sinabing.

"Maghiwalay na tayo"

Para naman akong nabingi sa sinabi niya at namanhid ang buong katawan ko.

"Be—"

"Hindi na rin kasi tayo nag wo-work kasi nasa mag kaibang university tayo"

"Ah ah—hindi—teka" napipi naman ako bigla at walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Tsaka no offense pero 'boring' ka kasi at mas maraming hot sayo na babae sa school namin"

"Pe-pero—"

"Sige Nil sana maintindihan mo ang desiyon ko. Bye"

Tot tot tot.

 

Napatulala ako sa phone ko habang pinaprocess pa ng utak ko yung mga nangyari. After thirty seconds napakurap ako at pagtingin ko sa oras 12:01 na.

Happy anniversary at happy birthday to me.

"Waaaaaaaaaaaahh" humagulhol ako ng iyak habang tinatakpan yung mukha ko ng unan para hindi marinig ni Ate yung boses ko sa baba.

Three years ganun ganun na lang?! Nasaan na yung 'mahal kita be' 'I miss you; 'hindi ko kayang mawala ka?!' Bwesit siya sa phone call pa talaga niya tinapos! PESTE!

Inis kong hinablot yung cellphone sa kama at dinial ang number ni Donut na pangalawang ring sinagot na niya.

"Gorgeous Donut speaking. What can I do?"

"Waaaaaaaaaaaaaahh" at bumwelo ako sa pag-iyak "Donuuuuuut"

"Oy wag mo'kong artehan sabihin mo muna kung bakit ka umiiyak"

"Wa-wala na kami ni K-KR. Waaaaaahh"

"Perfect! Dapat tayong mag celebrate!"

"Donut naman e!"

"Oh bakit ba e sa masaya ako e" tumawa pa siya "Tsaka yung first day pa lang na naging kayo na picture out ko na yung break-up niyo"

"Demonyo ka wala bang words of wisdom diyan?"

"Ang kapal ng mukha mo hindi kita e cocomfort! Mala Eva Fonda ka landi pwes pagtiisan mo yung hapdi"

"Pero break na kami!" umiyak ako ng umiyak na halos hindi na ako makahinga. "Anong gagawin ko hindi ko kaya mahal ko siya."

"Sheees tigilan mo'ko sa kaiiyak mo diyan kung ayaw mong painumin kita ng muriatic acid. Alam mo girl ang salitang 'broken' sa panget lang bagay. Kalma lang maganda tayo"

At matapos niya yung sabihin pinatayan niya ako ng cellphone.

Pakshet!

PLAYBOY MEETS KARMAWhere stories live. Discover now