Chapter Twenty Three

Magsimula sa umpisa
                                    



Control Lawrence. Control...tandaan mo may gatas pa siya sa labi. 



Nakayuko namang pumunta si Noneen at ang teacher niya sa faculty room. Sila sila na lang ang tao dun kaya naman nakahinga siya ng maluwag pero kahit papaano nahihiya pa rin siya sa teacher niya at sa posisyon nila kanina.



Nakita niyang binuksan ni Ms. Cruz ang locker niya tsaka kumuha ng isang tshirt at jogging pants. Inabot nito sa kanya tsaka ngumiti.



"Gamitin mo muna, magpalit ka na bili." Para namang namula si Noneen sa kabaitan ng teacher niya. Buti na lang talaga, siya ang nakakita nun. Kundi siguro, pareho silang tigok. Napangiti naman si Noneen.



"S-salamat po Ms. Cruz. Sobrang thank you talaga..nakakahiya naman po sa inyo." Sabi ni Noneen habang nakayuko. Tumawa naman ng mahina si Ms. Cruz tsaka tinapik si Noneen sa balikat.



"Ano ka ba wala yun! Magkaibigan tayo eh, tsaka ikaw para namang hindi mo din ako tinutulungan pag may kailangan ako. Isa pa, tayo lang naman ang andito, wag na Ms. Cruz. Isabelle na lang, di ba sabi ko naman sayo." Sabay ngiti ni Isabelle. Tumango naman si Noneen tsaka ngumiti.



"Salamat ulit Isabelle." Sabi nito tsaka pumunta sa CR at nagpalit. Ng mailagay na ni Noneen ang damit sa bag bumalik siya sa faculty para sana magpaalam at magpasalamat ulit kay Isabelle. Nakita niyang nakaupo ito sa may desk niya. Pinuntahan niya ito.



"Isabelle." Tawag niya. Lumingon naman ito sa kanya tsaka ngumiti.



"Aba, fit na fit ha." Biro nito. Tumawa naman sila. "Ah, teka maupo ka muna Noneen may ibibigay ako sayong papers, paabot na lang kay Sir Lawrence bukas, tutal first period nyo siya di ba?" Tumango naman si Noneen. Naghahalungkat si Isabelle sa mga folders niya ng magsalita si Noneen.



"Isabelle..salamat ha..buti hindi mo binigyan ng meaning yung kanina. Siguro..kung iba yung nakakita, kung ano ano na iniisip. Baka nakachismis na nga yun bukas eh.." Sabi ni Noneen. Ngumiti naman si Isabelle.



"Ano ka ba, hindi naman ako ganun. Isa pa, I know Lawrence wouldn't do that. He's a decent person, hindi niya gagawin yun sa estudyante niya miske sometimes pumapatol siya sa mga kalokohan..may pagkachildish rin naman yun eh.." Sabi nito. Tumango naman si Noneen. Tama lahat ng sinabi ni Isabelle pero bakit ata parang alam na alam niya lahat?

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon