37:family bonding

Start from the beginning
                                    

"Di na, di ko kailangan nyan" ani nya, at tinarayan lag ang kamay ko, kita ko yun dahil may salamin sa harap ko na kita sa likuran.

"Tsk! Dali na, pag dimo yan hinawakan susumbong kita Kay lolo" panakot ko, at nginisihan lang sya. Biglang napaangat ang ulo nya ng marinig ang sinabi ko.

"Ha? Ayan na! Ano? Okay ka na? " ani nya at hinawakan ang ang kamay ko, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya kahit mahirap ang posisyon namin ngayon. Habang nakatalikod kami, ay magka holding hands kami.

"Anong ano? O diba? Gumaan ang pakiramdam mo dahil nahawakan mo ang kamay ko" ani ko, habang nagdradrive. At biglang ng stop kaya tumigil muna ako at tinignan sya.

"Baka gumaan ang pakiramdam mo!, hindi pakiramdam ko? " pagmumuka nito sakin.

"Talaga? "

At hinalikan ang kamay nyang nakapatong sa kamay ko.

"Yakk! "

At inuulit ulit.

"Talaga ha? "

"Yakk! Ace itigil mo nga yan! " ani nya, at tinigilan na ang paghahalik sa kamay nya. Hindi nya ito mabitawan dahil kinapitan ko ito ng mahigpit.

Nadia's pov

Bwiset! Yung traffic, ansakit tuloy ng braso ko dahil halos dalawang oras kaming magkaholding hands. Letcheng ace yan! Salisi!

Nandito na kami sa park, ako talaga ang pumili neto, dahil ang gusto nya talaga ay sa mall. Kaso ayoko dahil meron kaming alaala doon ni ace. Ayokp ng balikan pa.

Habang naglalakad kami, at stroll stroll itong sila Dwayne, nakakita ako ng nagtitindang babae na damit na pang baby, ang cucute nila kaso antagal ni ace e, may bibilhin daw.

"Here" bigay nya sakin ng ice cream na nasa APA. Naalala ko nung buntis ako, eto ang lagi naming binibili ni ace sa mall, at kumakain. Pero di naman araw araw dahil baka makasama sa kambal.

"ayoko tinigilan ko na yan" patanggi ko at muling ibinalik ang atensyon Kay Dwayne.

"Tinigilan? Bakit? " taka nya, alam kong iniisip nya kung bakit, at lalo na ito ang pinaka memorable samin ni ace.

"Ayoko e, bakit ba?" Masungit kong sabi.

"Okay, Edi itapon na lang natin" ani nya, at itinapon na sa tabing basurahan ng inuupuan namin.

Hindi ko lang yun pinansin dahil, kahit gustuhin ko pa ayoko ng ibalik.

Maya Maya habang kinakain nya yung ice cream na flavor ay cookies and cream. Bigla nya kong inakbayan habang nakasandal sya sa inuupuan namin at naka dekwatro pa. Salisi talaga tong lalakeng to kahit kailan.

"Hoyy, anong ginagawa mo? " taka ko at tinignan sya. Nakakainis sya mangsalisi, yung tipong parang nalaglag na yung panty mo kahit maliit na bagay lang naman tung ginawa nya?

"Bakit masama? " ani nito, habang kumakain pa din ng ice cream at diretso lang ang tingin.

*crying babies*

"Shhhh.. " pananahimik ko sa dalawang umiiyak, at dinuduyan lang yung stroller baka sakaling tumahimik.

"Padedeen mo na kase" singit ni ace, habang nag pupunas ng tissue, tapos na kasi syang kumain ng ice cream. Nilagay ko yung Dede nila sa bibig nila pero umiiling sila at niluluwa din yung pumapasok na gatas sa bibig nila.

"E ayaw nga e" ani ko, at pilit ko pa ring pinapadede yung dalawa kaso ayaw talaga nila, siguro ay sinusumpong nanaman, bwiset kasi tong lalakeng to e!
"Oh, ikaw magpadede"

Atsaka ko ibinigay yung stroller sa kanya.

"Anong ako? Ikaw may dede Jan e"

Talikod nya sakin. Anong ibig nyang sabibin?

"ANO! "

"WALA! sabi ko, nanjan naman yung Dede, Dedede yan umiiyak lang" pantatama nito kahit hindi yun yung meaning nya.

Manyakol talaga! Bwiset, di nya maiwasan mangasar!

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now