Chapter 5

14 0 9
                                    

Author's Note:

Ngayon lang ulit nagkaload hahaha mahirap lang si author. Wow feel na feel talaga yung pagiging author bwahahaha. Well sana magustohan niyo! ❤

Shawn's POV

Pumasok na ako sa bahay at nakahanda na pala ang hapunan. Nagtaka naman sina mama at papa sa dala kong supot. Bago pa sila magtanong ay inunahan ko na sila.

"Pumunta si Tamara dito. Pinabibigay daw ni tita Ann satin" sabi ko at nilagay sa mesa ang supot. Umupo na rin ako at nagsimulang kumain.

"Oh ba't hindi mo pinapasok?" tanong ni papa. Kinuha naman ni mama ang supot sa mesa at nilagay sa ref.

"Ah, baka hinahanap na kasi daw siya nina tita Ann at tito Pat" paliwanag ko at hindi na rin naman sila nagtanong pa at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko pa ang mga plato at dumeretso na ako sa kwarto ko. Naligo muna ako bago matulog at pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa kama. Naramdaman kong may nag vibrate at kinuha ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nag message at nagulat na naman ako.

From: Tamara

Sana nagustuhan niyo yung mango float hehehe. Goodnight Shawn. See you bukas.

Napangiti ako sa message niya kaya nagreply ako.

To: Tamara

Oo nagustuhan talaga namin sobra lalo na si mama hahaha. Ang sarap talaga magluto ni tita Ann. Goodnight din. See you.

Pagkatapos ay sinend ko na sa kanya at hindi ko namalayan na unti unti ng pumipikit ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

***

Kasalukuyan kong hinihintay ang mga kaklase kong lumabas ng classroom para makausap si Tamara. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Nakakatakot man pero sigurado na ako sa desisyon ko.

"Kaya mo yan Shawn" sabi ni Yvan sabay tap sakin sa balikat. Nginitian ko nalang siya at tumango.

"Kahit anong mangyari nandito lang kami" sabi naman ni Pier. Nginitian ko nalang rin siya at tumango. Tinignan ko naman si Rizer at tumango lang siya sabay ngiti.

Lumabas na sila ng classroom at kami nalang ni Tamara ang naiwan. Tumayo siya ng nakatingin sakin at ako naman ay naglakad papunta sa kanya.

"Tamara..." panimula ko. Kinakabahan na ako at parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Anong palang pag-uusapan natin Shawn?" nakangiting tanong niya. Ito na siguro ang huling beses na makikita ko ang ngiting yun. Bahala na basta masabi ko sa kanya tong nararamdaman ko.

"Tamara. Matagal na tayong magkaibigan. Simula nung mga bata pa tayo hanggang ngayon, magkaibigan parin tayo" panimula ko. "Pero Tamara, hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko para sayo. Tamara.." napahinto ako saglit.

"Shawn" halos pabulong na niyang sabi habang nakatingin sakin.

"I'm inlove with you. I'm madly inlove with you Tamara" dere-deretsong sabi ko sa kanya habang tinititigan ko siya ng deretso sa mata. Nanlaki ang mga mata niya. Nabigla ako ng lumuhod siya pero natulala parin siya. Lumuhod din ako sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.  "Tamara.." banggit ko ulit sa pangalan niya at tumitig siya sakin pero nabigla ako sa sunod niyang sinabi.

"Sorry Shawn" sabi niya. "So-sorry" pag-uulit niya sa kanyang sinabi. Tumayo siya at sumunod din ako bago siya muling magsalita. "U-una muna ako. Excuse me" paalam niya at saka siya naglakad palabas ng classroom. Naiwan akong tulala at hindi makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumingin ulit ako sa pinto kung saan lumabas si Tamara at doon bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Shit!" napabangon ako mula sa kama at sobrang bilis ng paghinga ko na para bang tinakbo ko ang Batanes hanggang Jolo. Napansin kong basa ang pisngi ko at ng mahawakan ko ito ay nalaman kong luha pala ito. Umiyak ako. Nayakap ko ang sarili kong mga tuhod at pilit kinalimutan ang panaginip na iyon. Bumangon nalang ako at hinanda ang sarili ko para sa pagpasok.



done*

Chasing Your LoveWhere stories live. Discover now