Chapter 1

38 1 11
                                    

Shawn's POV

Mag isa akong naglalakad papunta sa Bulletin Board para malaman kung anong section ako.

"SHAAAAWN!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Hay parang alam ko na kung sino to" bulong ko sa sarili ko. Humarap ako sa kanya at hindi nga ako nagkamali.

"Oh?" tanging tanong ko nalang sa kanya. Si Yvan, isa sa mga bestfriends ko.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko na ang section ko at sa 7-Alameda ako napunta! Feeling ko talaga mag eenjoy ako ngayong taon!" masayang masaya talaga niyang sabi.

"Ahh okay, mabuti yan, teka una muna ako ha? hahanapin ko pa ang section ko" paalam ko pero bago ko pa siya matalikuran ay hinawakan na niya ako sa braso.

"Oh?" tanong ko sabay harap sa kanya.

"Teka lang! di mo naman ako pinapatapos eh! yun nga, pagtingin ko sa pangalan ko, nakita ko rin ang pangalan nina Rizer, Pier at pangalan mo so ibig sabihin...MAGKAKLASE TAYO!" masaya talagang sabi niya habang nakaharap sakin ang dalawa niyang kamay na para bang sinorpresa ako.

Nabigla ako dun at bahagyang lumaki ang mata ko ngunit binawi ko rin naman at pinalitan ng pagngiti sa kanya.

"Aba mukhang masaya yan" nakangiting sabi ko sa kanya ngunit agad ko rin yung binawi at tumingin sa kawalan ng may maalala ako. Gusto ko sanang tanungin si Yvan kung kaklase ba namin siya pero wag nalang, nahihiya ako.

"Oh, bat biglang nabawi yang ngiti mo? ayaw mo bang maging magkaklase tayo?" tanong niya. Sina Rizer, Pier at Yvan ay ang mga bestfriends ko. Kaklase ko sila noong grade 4 kami at di nagtagal naging magbestfriends rin.

Binalik ko ang tingin sa kanya at pilit na ngumiti.

"Ahh hindi, gusto ko nga eh hehehe" sabay kamot sa batok ko. "Iniimagine ko lang kung ano ano na naman ang mga masasayang alaala na gagawin natin sa taong to" pagdadahilan ko habang nakahawak parin sa batok ko at hindi na rin makatingin ng deretso sa kanya.

"Tss wag ka ng magkaila Shawn, matagal na tayong magkakilala, alam na alam ko na yang mukhang yan" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Bigla siyang ngumiti ng matamis at nagsalita ulit.

"Tara na! Tignan nalang natin next week para naman ma thrill ka kakaisip kung nasan siya HAHAHAHAHAHA" sabi niya sabay hila sakin kaya nagpadala nalang ako.

Sa totoo lang, hindi ko naintindihan yung bigla niyang pagtawa at yung pa thrill thrill na sinasabi niya. Aish! bahala na, hahanapin ko nalang siya next week.

***

Nakalabas na kami sa skwelahan at sumakay ng jeep.

"Uy san ba tayo pupunta?" tanong ko kay Yvan dahil hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta.

"Sa mall, gumala naman tayo kahit papaano dahil ito na ang huling gala natin sa summer" sabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya. Ang hilig niya talagang magsaya. Parang wala siyang kaproble-problema sa buhay niya.

Nakarating na kami ng mall at pumasok. Bago siya magpatuloy sa paglalakad ay pinigilan ko muna siya.

"Teka lang Yvan" pigil ko sa kanya. "Pumasok muna tayo NBS" sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil dumeretso na ako sa daan kung saan papunta sa Bookstore. Gusto kong bilhin ang paborito niyang libro. Harry Potter.

Nung matapos na akong bumili ay pumunta na kami sa gusto niyang puntahan pero habang naglalakad kami ay biglang nagsalita si Yvan.

"Mahal mo talaga siya noh? Lahat ng tungkol sa kanya, gusto mong malaman" sabi ni Yvan kaya napatingin ako sa kanya at yumuko. Bumuntong hininga nalang ako bilang sagot.

Nakarating na rin kami sa Game Zone at yun, naglaro lang ng naglaro si Yvan habang ako naglalaro lang ng Tekken, ito na kasi ang hilig ko simula nung bata pa ako. Buong maghapon kaming naglaro ni Yvan at nang malapit ng dumilim ay napagdesisyonan na naming umuwi na.



done*

Chasing Your LoveWhere stories live. Discover now