Chapter 2

21 1 5
                                    

Shawn's POV

Lunes ngayon, unang araw ng pasok namin kaya kailangang maaga akong pumasok. Hinanda ko narin ang sarili ko.

Matapos kong kumain ay dumeretso na ako sa sakayan ng jeep at sumakay. Mabilis naman akong nakarating sa school pero maaga pa naman kaya hindi ko na kailangang magmadali. Hinanap ko ang section ko at maya maya ay nakita ko na. Humarap ako sa may pintuan.

"7-Alameda" bulong ko ng mabasa ang nakalagay sa may pintuan.

"Uy Shawn!" tawag sakin ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na yun at natagpuang nasa loob ng classroom ko. Tumuloy muna ako bago pumasok.

"Oh Yvan ang aga mo ata masyado?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ng bahagya ang noo ko.

"Ah wala lang excited lang ako sa unang araw ng klase natin" nakangiting sabi niya sa akin.

Umupo ako sa likod sa may bandang gitna na upuan, halatang makikita talaga ako ng guro dito kasi ang kasunod ng upuan ko ay nasa kabilang grupo, malayo yun sakin para may madaanan ang guro papuntang likod kung saan naroon ang mga paglalagyan namin ng walis, dustpan at iba pang gamit na panglinis ng classroom. Katabi ko rin ang mga kaibigan ko, sa bawat isang grupo kasi ay may apat na row kaya sakto samin nina Rizer, Pier, Yvan at ako.

Maya maya lang ay pumasok na ang lahat pero nabigla ako sa huling pumasok. Hindi ako nakagalaw, parang nagyelo ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya dito.

"Tamara.." bulong ko.

Nakayuko siya kaya hindi niya nakikita ang paglaki ng mata ko pero nung nasa bandang gitna na siya ay saka siya tumingin kung san siya pwedeng umupo. Nakatingin siya sa kabilang grupo. Napatingin ako sa tiningnan niya at nanlaki na naman ang mga mata ko. Yun yung upuan na kasunod ng upuan ko sa kabilang row. Nakatitig parin ako sa upuan na yun hanggang sa makaupo na siya ron. Iniwas ko nalang ang tingin ko at humarap sa blackboard. Narinig kong may nagpipigil ng tawa sa tabi ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ba't hindi mo sinabi sakin na kaklase pala natin siya?" tanong ko kay Yvan.

"Kasi gusto kong makita yang expression mo hahahahahahaha Shawn nakakatawa talaga kung nakita mo lang yung mukha mo kanina matatawa ka talaga hahahahah!" sabi niya habang lihim na tumatawa at nakikita ko pang parang maluluha na siya sa sobrang pagpipigil ng tawa. Nakita kong nakangisi rin pala sina Pier at Rizer pero nakatingin sila sa harapan. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila.

"Tss" tanging sagot ko nalang at tumingin ulit sa kanya. Napalingon siya rito at parang nagulat siya dahil bahagyang lumaki ang mata niya pero ako naman ang nagulat ng ngitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya at saka humarap na sa balckboard. Dumating na ang teacher namin kaya umayos na ng upo ang lahat.

"Magandang Umaga 7-Alameda!" nakangiting bati ng guro samin. Tansya ko ay parang nasa mga trentang taong gulang palang siya dahil sa kinis ng balat niya at sa ganda ng pangangatawan. Nagsitayuan naman kaming lahat.

"Magandang Umaga maam!" masayang bati namin sa kanya. Tama nga si Yvan, mukhang magiging masaya ang taong to dahil sa mga masasayahing tao na nakapalibot samin.

"Sige maupo kayo" sabi niya samin kaya umupo naman kaming lahat.

"Salamat maam" pasalamat naman namin.

"Hayaan niyo akong magpakilala sa inyo. Ako nga pala si Leann Noval. Ako ang magiging adviser ninyo sa taong ito" panimula niya.

Marami pa kaming napag usapan tulad ng mga rules sa classroom, mga programs na magaganap sa school at marami pang iba. Nagpakilala rin kami isa isa. Pagkatapos nun ay umalis na ang adviser namin at meron na namang pumasok na bagong teacher. Gaya ng ginawa namin kanina, ganun din ang ginawa namin ngayon. Mabilis naman kaming natapos at recess na. Hindi na kami nag abalang lumabas dahil paniguradong maraming tao sa canteen kaya napagdesisyonan naming mag stay sa classroom. Halos kaming lahat sa classroom ay hindi na lumabas.

Natapos ang recess at may dalawa pang sumunod na guro ang pumasok sa amin pero habang nagkaklase kami ay palihim akong sumusulyap kay Tamara.



done*

Chasing Your LoveWhere stories live. Discover now