Naglaro sina Roly, Andy at iba pang mga kaklase ng tatsing tsinelas sa school pagkatapos ng kanilang klase.
Madalas matalo si Roly dahil matagal kasi syang hindi nakapaglaro. Kumbaga kulang sya sa praktis. Dati kasi luma ang tsinelas nya kaya nahiya syang sumali lalo pa't sira na ito na nilagyan lang nya ng alambre sa ilalim.
Pag matalo ka sa laro ihahagis ang tsinelas mo sa puno. Pwedeng sumabit ang iyong tsinelas sa mga sanga ng puno. Gagawa ka ng paraan para malaglag kung sakaling sumabit.
Hanggang sa huling laro nila natalo uli si Roly. At si Andy ang maghahagis ng kanyang tsinelas.
Hinagis ni Andy ang tsinelas ni Roly ngunit lumampas sa puno kaya umabot ito sa bubong ng school nila.
Natakot si Roly baka di na nya makuha ang tsinelas nya sa bubong. Pagagalitan sya ng nanay nya dahil bagong bili lang ito.
Mabuti na lang dumaan ang janitor sa school at nakuha rin ito.
Natuwa si Roly dahil nakuha din ang tsinelas nya. Samantalang si Andy ay lihim din na napangiti.
YOU ARE READING
Best Friend
Short StoryMagkaklase sina Andy at Roly. Laging bino-bully ni Andy si Roly. Ngunit tanggap ni Roly ang pangbo-bully sa kanya ni Andy.
