10

1.3K 30 0
                                    

May nakatok sa labas? …

“Young lady, gising po ba kayo? Nakahanda na daw po ang dinner nyo.”

Tss, umidlip lang naman ako, pero kanina pa gising yung diwa ko, ayos din ah, nagta-tagalog pala yung mga tao dito, juice ko po, akala ko naman dalawang buwan na duduguin yung ilong ko sa kanila.

 “Uhhh, Oo! Gising ako! Oo! Bababa na! Saglit lang.” Naramdaman kong wala na yung presensya nya sa pintuan.

Naghilamos na muna ako tsaka bumaba sa grandstairs, grabe, mukha talagang nasa palasyo eh, may red carpet pang nalalaman, matanda lang naman ang nakatira dito.

Andun na pala sila kuya sa long table, tss. Di man lang ako kinatok kanina, inunahan pa ako.

“Oh, there you are, have a sit.” Inilahad nya yung kamay sa left side nya, bale sya yung nasa gitna, at nasa right side naman sila kuya, magkatabi.

“How’s your rest? My dear Nathalia.” Dear? Usa ba ako? Ginagawa nalang ako laging bata eh, tss, height discrimination nga naman, tapos tawagin ba naman akong Nathalia? It’s my mom’s name, not mine.

“Good.” Natatamlay akong sumagot, nakakainis kasi.

“Is there something wrong, my princess?” Wika ni kuya James, wala namang mali, yang lintek na usa lang naman na call name nya sakin pati ang pag-gamit ng pangalan ng nanay ko lang naman.

“Wala naman kuya, naalimpungatan lang siguro ako, kain nalang tayo.” Pagbabago ko ng diskusyon.

“So, kids, what do you want us to do tomorrow? You give idea.” Habang nakain ay sinimulan ito muli ni Grandpa. “Let’s go to the beach?” Aniya ni Kuya Jeff, naku, ang sabihin nya kamo, ladies with bikinis. Tsk. “What about camping?” Uh-huh, that’s kinda good, but I prefer, “Shopping?” My brothers gave me a mad glare,

What? Shopping isn’t a suicide.

“Alright, young lady first.” Masayang pahayag ni Grandpa, yeah, I won.  Bumalik naman agad sa poker face sila kuya, katulad kanina, simula nang pagdating naming, ngayon ko lang sila nakitang ganyan, seriously, what’s wrong wih them?

Pagkatapos naming kumain ay pinauna na ako ni Grandpa, “Please go to your room, Nathalie, O have something to discuss with your brothers, go ahead.” Bahagya syang ngumiti sakin ako pumunta na rin ako sa aking kwarto.

Jeff’s POV

Naku po, papagalitan nanaman kami ni tanda, what to do? Baka magulpi kami nito sa inasta namin kanina pa simula nang pagdating namin, mukhang nakakahalata na si Nata sa mga kilos naming ni James,

“Follow me.” Wika ni Tanda, nagsimula ako habang sinusundan namin si Tanda, “Bro, what to do?” siniko nya ako sa tahgiliran, pero mahina lang,

“Manahimik ka dyan, nababading ka nanaman eh.” Hay, naku po, umiral nanaman ang kagaguhan ni James.

Nakarating kami sa isang kwarto, well It seems like an office, too. “You two, sit there.”

“Do you know how stupid you act like before?” Tangina, ano daw? Stupid?

“Of course we don’t know, how can we know if we don’t know it? How funny.” Tumawa ako ng peke, tama, para mainis sya.

“Shut up Nathaniel, you’re statement is so stupid like you.” Ano? PAKIULIT?! STUPID BA ANG SINABI NYA? Wag na wag nyang ikukumpara ang pagkatao ko sa mga salita nya, kung hindi lang ito matanda.

The Black Dragon Lady (On Going)Where stories live. Discover now