6

1.6K 40 0
                                    

Sorry if it takes a week to update another chapter, it's just, two or more chapters lang ang maipa-publish ko every week. Again, I'm sorry. :)

Vote, comment and follow! :)

----------------------

6: Double Troubled

Rain's POV

Parehas na party namin ngayon ni Nathalie, yun nga lang hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi birthday ko ngayon, o malulungkot dahil kasabay ng birthday ko ay ang huling araw nya dito sa Pilipinas, well actually kaya kami ganito mag-drama na parang hindi na sya babalik ay hindi naming kaya malayo sya samin, pero dahil alam naming may dahilan ang nangyayari kaya nagparaya kami.

Rainier Gonzales nga pala ang pangalan ko, pina-ikli lang nila kasi mahaba daw, nakakatamad,katulad nga kay Nathalie, Nat tawag sa kanya, kay Patrish, Pat, Kay Christian, Chris.

Maaga akong nagising kanina dahil kasama ako sa magluluto, syempre, masarap kaya ako magluto ng mga party foods, at dahil nga malakas kumain si Nat, nagpasuyo sya ng mga favorite nyang kainin na ako lang nakakaalam kung ano ang mga iyon, sa dinami-dami ng kinakain nya, may favorite pa pala sya.

Nang matapos ko na ang pagluluto ng favorite foods ni Nat at ng barkada ay napatingin ako sa orasan,

"Oh, bakit? May lakad ka pa ba? Ano pa bang kulang sa mga niluto natin, Nak?" Si Mama, nagtaka kasi sya, "Eh ma, kailangan ko pa diba bumili ng cake tsaka ice cream? Pang dessert lang." Syempre, party eh.

"Ay, oo nga pala nak! Naku buti't pinaalala mo yan, naku eto, bumili ka, dalawahin mo yung cake para kay Nat, ha? Wag mong titipirin ang pera sinasabi ko sayo!" Inabutan nya ako ng 2 thousand kasi, akala naman nya ibubulsa ko to no, Iwa-wallet ko lang, lols.

********

Pagkababa ko sa motor ko ay pumasok na ako sa cake shop, binili ko yung dalawang chocolate mousse cake. Hindi ko na sya pina-frosting ng Happy birthday Rain tutal kakain lang din namin. Bale plain ang dating nya.

Sinabit ko na lang sya sa holder kaya hindi ito matatapon o malalaglag.

Maya maya ay may lumapit na mukhang aso sakin,I mean mga taong mukhang aso pala, may hawak silang kahoy, "Hoy, bakit nandito yang bulok mong motor sa lugar namin?"

The f*ck is he saying? Eh mukha nga silang asong askal tapos sasabihin nila 'LUGAR NAMIN'? "Lugar NYO? May lugar pa pala kayo sa mukha nyong yan?" I smirk at them, ha, makapagsalita ng bulok ang motor ko, eh kahit bike na walang gulong, hindi nga sila makabili, Tsch.

"Aba p*ta, wag kang sasagot sagot samin, nasa teritoryo ka namin!" Wala nga pala ako sa parking lot, teritoryo ng mahihirap. *smirks*

"Alam nyo kasi," bumaba ako ng motor uli,

"Kung gusto nyo ng away, sabihin nyo agad," I cocked my head as a sign of being ready in a fight,

"Hindi yung mag-aangas muna kayo, kung away, away agad, bakla ba kayo?" Ansarap mang-asar ngayon ha,

"Eh gag* ka pal-" Nang pagsugod ng naka-sandong lalaki na susuntukin dapat ako ay bigla akong yumuko at sinuntok sya sa sikmura,

"Bagal amputch*, tsk." Sumugod naman yung naka-jersey na damit, mukha parin syang sanggalo eh. Sisipain nya sana ako nang hawakan ko ang paa nya at ikutin, nang pasugod naman yung 2 nyang kasamahan ay tinulak ko yung katawan nya papunta sa isa, yung isang pasugod naman, puro suntok lang, ako puro ilag, yung totoo? Marunong ba sila sumuntok? Tsk. Binigyan ko lang sya ng uppercut, tapos tumba na sya.

"Tss, mga weak. Tulungan nyo nalang yung mga nanay nyo sa paglalaba imbis na mag-angas angas kayo."

*****

Pag-kauwi ko ay 10am na pala, antagal rin pala nang pakikipag-away ko dun sa mga asong yun, tsch. Pawis na pawis pa ako,

"Oh, Rain! Jusmiyo kang bata ka, saan ka nanaman ba nang-galing?! Pinabili lang kita ng cake at ice cream tapos inabot ka na ng siyam-siyam! Hala, magpalit ka na nga ng damit at pawis na pawis ka!" Si mama, ginagawa akong bata.

Nagpalit na ako ng damit, pagkababa ko, "Hay nako talagang bata ka, kanina mo pa pinaghintay mga kaibigan mo." O, kanina pa pala?

"Pare, saan ka ba kasi nagsusu-suot?" wika ni Lawrence, "Napaaway ka no?" Buti wala na si mama sa paligid, mahina lang naman pagkakasabi ni Hero,

"Oo pre, pero kinaya ko naman, ako pa ba?" Kaya ko naman talaga eh, buto buto lang kasi mga nakabangga sakin,

"Eh teka, bakit wala pa si Nat? Bakit hindi nyo kasama?" Ngayon ko lang nahalata, "Hindi nga rin naming alam eh.."

Kibit balitang sabi ni Patrish na may pag-aalala, "Sabi nya sya na daw pupunta dito kagabi, wag na daw sya sunduin." Biglang sabi ni Hero, "Bat ba ang tagal nun? Tss, Dat sinundo ko nalang pala muna." Eto talaga si Chris, anlakas ng tama kay Nat, "Text nalang natin mga Brad." Pagsabi ni Hero. Mukha pang uulan, ano ba yan, wrong timing.

The Black Dragon Lady (On Going)Where stories live. Discover now