007

371 18 25
                                    

"Jihoon!" nagulat si Jihoon ng biglang may sumigaw sa kabilang kwarto. Magkatabi lang kasi kwarto nila. Tsaka hindi soundproof kaya magkakarinigan sila.

"Oh? Seungcheol hyung?" sagot naman ni Jihoon.

"Bakit di ka pa natutulog?" tanong ni Cheol. Ang totoo niyan. Sumila ng lumipat silang dalawa sa bahay na 'to naging mas close na sila. As in.

"Hindi ako makatulog. Nam-miss ko nanaman sa bahay" sabi naman ni Jihoon

"May pasok pa bukas, baby" at mas naging malandi si Cheol, actually.

"B-baby?" jihoon

"Baby.... baby brother! Hahaha. Baby brother" pagpapalusot ni Seungcheol.

"Hindi na ako baby. Tangina mo! Tsaka di kita kapatid! Ulol ka. Wala tayong connection huehue" Laging sinasabi ni Jihoon yan. Na wala silang connection sa isa't isa. Siguro dahil alam niya rin sa sarili niya na ayaw niyang kapatid si Cheol

"Asawahin mo ko para mag connection na tayo." seryosong sabi naman ni Cheol.

"....."

"Biro lang! Di ka na nakasagot! Hahahaha"

"Tangina mo talaga" pag mura ni jihoon. Buti nalang at hindi sila magkaharap dahil ramdam ni Jihoon ang pag-pula ng mukha niya.

"Suuus. Kinilig ka no? Ji, crush mo ko?" panga-asar ni Seungcheol

"Ulol! Kuya kita! Pano kita magiging crush?" bakit ba kasi kita naging kuya?

"Sa'yo na nga nanggaling eh! Hindi tayo nagkapatid. Wala tayong connection diba? Pero crush mo nga ako?"

"Hindi" sabi naman ni Jihoon habang umirap pa na akala mo nakikita siya ni Seungcheol

"Awts naman! Crush nga kita eh" sabi ni Cheol na pabulong lang kaya hindi narinig ni Jihoon.

"May sinasabi ka?" Jihoon

"Wala. Sabi ko ang cute mo.... sarap mahalin" Seungcheol

"Lakasan mo kaya boses mo!" pagsigaw ni Jihoon kasi hindi niya talaga marinig

"Sabi ko ang cute mo! Ang sarap mahalin!" sigaw naman ni Seungcheol pabalik.

"Gago"

Jihoon is used to it. Lagi naman siyang inaasar ng ganyan ng kuya niya.

"Labyutoo!" sigaw pa ulit ni Seungcheol

"...." hindi nakakibo si Jihoon dahil sasabog na ang puso niya. Sa lahat ng panga-asar sakanya ni Seungcheol. Ngayon lang ito nagsabi ng ganyan.

"....." hindi rin naman nakapagsalita si Seungcheol

"Hyung..." sabi ni Jihoon.

"Ano?" sagot naman ni Seungcheol

"Sana ganito nalang tayo lagi no?" ramdam ang lungkot sa boses ni Jihoon

"What do you mean?" hindi naman maintindihan ni Cheol kung bakit.

"Yung ganito. Na close tayo. Yung hindi ka mukhang laging galit sa mundo. Yung tulad lang nung bata pa tayo. Nung hindi pa tayo magkapatid" parang dinudurog ang puso ni Jihoon sa naiisip niya. Bakit nga ba sila naging magkapatid?

Hyung • JiCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon