Napakainosente nga nito. Isipin bang strip clup yata ang pupuntahan nila. Siya lang naman kasi ang vocalist ng bandang tinayo niya after magkawatak-watak silang magkakaibigan.

Nasa sa America ka kasi si Zeus Zedrick at si Luan Jacobo naman ay sa probinsya piniling magtrabaho. Kaya ito binuo niya ang kanyang banda, INFINITY. Mabilis ang kilos ni Xian Dexter kasi siya na lang ang hinihintay ng ka-bandmate niya.

Sigawan ng mga tao sa loob ng club sa paglabas niya lalo na ang mga kababaihang nahuhumaling sa ganda ng boses at siyempre gandang lalaki na rin niya. "Yohoooo. Xian akin ka na lang," sigaw pa ng mga babae.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang simulan niyang kumanta. Halos mabaliw ang mga babae sa kanya.

"Xian, kahit isang gabi lang," sigaw ba ng pangahas na babae. Nangingiti na lang si Xian sa mga naririnig.

"Bring me to your bed please." Sigaw pa nito na kinatingin ng ilang parokyano.

Mas lalong naghiyawan ang mga kababaehan nang magsimula siyang kumanta. Nakakabingi ngunit lahat ay masaya.

Samantala, halos hindi mapakali si Panyang sa kinatatayuan malapit sa nakaparadang sasakyan ng boss. Nang biglang may lumapit na mga lasing.

"Wow pare chicks, mukhang iniwan ng syota. Alone here," lasing na turan ng payatot na pinilit pang mag-english.

"Pare seksi," turan naman ng isa. "Manang nga lang," dagdag pa nito.

Nabuwisit siya sa mga ito. Akala nila hindi niya kaya ang mga ito, ano pa silbi ang pagkapalengkera niya kung hindi gamitin sa mga ito?

"Hoy kayo, akala niyo ang guguwapo niyo ah, ikaw?" Turo sa payatot. "Mukha kang kalansay, kabaong na lang at hukay pwede na. Pwede ka nang iburol. At ikaw naman?" Turo niya sa kasama nito. "Mukhang Manelinyo ka nga Manelinyong abnormal nga lang. May saltik ka na sa utak may sapak ka pa sa mukha."

Nakita niyang natigilan ang mga ito at mukhang walang sasantuhin lalo na't alipin ng espirito ng alak. Kinabahan siya nang dadakmain siya ng mga ito. Mabilis pa sa alas kuwatro na kumaripas ng tumakbo patungo sa pintuhang pinasukan ng boss.

Hiyawan at tilian ang nabungaran niya sa bulwagang pinasukan.

"I love you Xian akin ka na lang," rinig niyang sigaw ng mga kababaihan. Tuluyan siyang pumasok at mabungaran ang entablado kung saan may bandang tumutugtog.

"Sayang tapos na yata ah," aniya sa sarili nang marinig na nagpapasalamat na ang nakahawak ng mikropono. Tinitigan ang nagsasalita, namangha siya. Ang kanyang boss, hindi niya lubos akalaing membro ito ng banda at siya ang vocalist.

"Sayang," ulit ulit niya sa sarili. Buong akala niya kasi ay sa isang club na may gumigiling na babae at sisilo na naman ng boss ng magiging babae nito. Iyon pala ay ito mismo ang kakanta. Laking panghihinayang tuloy dahil hindi man lang narinig ang boses nito.

Nang marinig ang mga nasisigawang audience. "More, more, more." Turan ng mga ito para kumanta pa ulit ang lalaki.

Nakisigaw din siya. "Yes more!" Sigaw niya para marinig ang boss. Masyado yata siyang na-excite at hindi niya namalayang siya na lang pala ang sumisigaw at lahat ay nakatungin sa kanya.

"More," mahinang sambit saka nagyuko ng ulo. "Nakakahiya," nangingiting turan sa sarili. Lalo pa at nakatingin na sa kaniya ang boss at ang kabanda nito.

Parang gustong matawa ni Xian Dexter habang naghihiyawan ang mga kababaihan at may isang nangingibabaw sa lahat. Ang kanyang dakilang alalay. Si Panyang. Akalain ba niyang daig pa ang sampung katao sa lakas ng bunganga nito.

Napabaling na lang siya ng ulo. Dadaigin pa yata nito ang mga fans niya, pero nang ma-realize ang ginawa parang batang tumiklop. "Panyang," bulong sa sarili. Saka ngumiti.

"More, more," hiyaw pa rin ng mga manunood kaya pagbibigyan niya ang mga ito since mukhang nahuli ang kanyang alalay at gustong marinig ang boses niya ay kakanta pa siya.

Tumigil ang hiyawan nang magsimulang tumugtog ang drummer at guitarist sumunod ang suwabeng boses ng lalaki. Halos hindi mapakali si Panyang sa kinalalagyan dahil mukhang tititigan na lang siya ng amo habang nasa entablado.

"Sitting here wasted and wounded. At this old piano
Trying to capture. The moment this morning I don't know. Cause a bottle of vodka. Is still lodged in my hand." Swabing boses ni Xian habang kinakanta ang Bed of roses ni Bon Jovi. Feel na feel ni Panyang ang bawat bigkas nito ng salita.

'Nakakailove ka bossing,' anang ng isip niya. 'Huwag mo akong titigan ng ganyan,' anang saka sunod-sunod na lumunok.

"I want to lay you down in a bed of roses
For tonight I sleep on a bed of nails." Kay gandang boses ni Xian na mas lalong nagpahaling sa mga manonood.

"Oh I love you Xian, lay me down on you bed tonight," sigaw ng mga kababaihang naroon.

"Ang landi niyo ha bago pa kayo maihiga sa malambot na kama niya. Sipa muna abot niyo," mahinang turan sa mga ito. Pero infairness pati tuloy siya kinikilig sa malamyos na boses ng bossing. Hanggang ngayon hindi siya maka-getover sa talento ng boss.

Hindi maiwasang ipikit ni Panyang ang mata at namnaming iniisip siya ng guwapong boss. 'Remember bawal daw ang mailove sa kanya,' paalala ng kanyang utak.

Natapos din ang gig nito at pauwi na sila. Asiwa pa rin siyang kasama ang amo. "Panyang," rinig na tawag nito. Nanlaki ang mata niya kasi mula pa kaninang umaga ay miss Vergara ang tawag sa kanya.

"Bakit naman Panyang ang nickname mo?" Tanong ni Xian. Na-curious siyang tanungin at para kasing asiwa ang dalaga kapag silang dalawa lang.

"Panyang," sabay kamot sa ulo niya. Pati pala siya hindi alam. "Panyang dahil Panyang talaga eh," sagot niya sa lalaki.

Nangiti na lang si Xian sa sinabi ng babae. Maganda siya pero manang lang kasi ang dating. Napaka-plain nito. Pwedeng pang lawful housewife lang. Pangbahay lang ang datingan. Hindi gaya ng mga gf's niya na kahit saan pwedeng dalhin. Kahit sa kama.

Nang makauwi ay mabilis na inayos ni Panyang ang gamit sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Xian. Dahil konti lamang ay mabilis niya itong naayos. Init na init na siya at feeling niya nanlalagkit na siya dahil alas tres pa nang madaling araw siya naligo.

Solo naman ang kuwarto at mukhang masarap maligo sa kanyang banyo ay mabilis siyang naghubad para makaligo nang biglang bumukas ang pintuhan.

STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon