Chapter 3

17K 504 7
                                    



"Anong karinyo naman 'yan girl?" Balik tanong ni Pitchie habang ngumunguya ito.

"Karinyo romansa-brutal," ningning ng mata habang sinasabi. Halos lumabas lahat ang laman ng bunganga ni Pitchie sa sinabi ni Panyang.

Bumuntong hininga at uminom ng coke halos nakalahati nito ang large na coke sabay dighay.

"Halos 'di ako nakahinga doon babae, pero gusto ko 'yang karinyo na 'yan," nangingiting turan pa nito.

Sabay silang mapalingon sa kinaroroonan ng boss nila nang makitang may kausap ito. Mukhang jowa yata. Tumawa pa ito. "Babae bunganga mo, baka lumipad ang pakpak ng manok d'yan," anang ni Pitchie sa kanya.

Naririnig nila kasi ang usapan nito at kausap. "Filter," usal niya.

Tumawa si Pitchie. "Bobita ka rin pala, flirt girl flirt." Nakangiting sabad ni Pitchie na narinig pala ang sinabi.

"Masanay ka na halos lahat ng babae niya flirt. Kita mo 'yong kanina 'di ba? Isang dukwang lang kita ang singit. At ang dibdib, gosh papaya." Bulalas pa ni Pitchie.

"Grabe iyong papaya ha! Well," aniya ng maalala ang hitsura ng babae kanina. "Mas masarap pa rin ang saging," turan.

Tumawa ng malakas si Pitchie sabay tutop ng bibig dahil baka maeskandalo ang boss nila.

"Bakit may saging kaba?" Pilyang tanong nito.

"Gaga! Siya may saging, sarap papakin." Sabad sabay sakmay ng hita ng manok na hawak.

"Girl, I'm warning you. Matinik iyan si sir sa babae pero walang balak magseryoso. Huwag kang pumila." Muling ulit nito.

"Hindi naman ako pipila eh, siya ang maghahabol sa akin." Kindat rito.

Isang batok na halos lumusot ang mukha sa bucket ng fried chicken dahil hindi napaghandaan.

"Siguro naman naalog ang utak mo. Baka kasi kinalawang eh," turan ni Pitchie.

"Grabe, lakas noon ah. Akin na lahat ito." Agad sa bucket.

"Sarrey na girl. Hati tayo. Gutom pa ako eh," pagmamakaawa nito.

Napatawa siya sabay balik sa bucket at pinagpatuloy ang pagkain nila.

Natapos din ang naghapong trabaho. Natapos ding tumunganga naghapon si Panyang. Humilata na siya sa sofa sa loob ng opisina ng boss, kung pwede nga lang gumulong-gulong sa sahig ginawa na niya.

Grabe pala itong magtrabaho. Workaholic, walang pakialam kahit tumambling siya. Pero kapag ang gf ang kausap sa telepono tumatayo pa. Irap na tingin sa lalaki habang lulan sila ng sasakyan nito.

Akala niya ay uuwi na sila pero bakit nasa kabaret yata sila. Nakikita sa balintataw ang mga babaeng sumasayaw ng nakahubad. Ganoon kasi sa mga napapanood niya sa pelikula noon.

"Let's go," rinig niyang turan ng boss niya. Humalikipkip siya.

"No, ayoko." Matigas na turan sa lalaki.

"Bakit tayo naririto aber? Hindi purke't boss kita kayang kaya mo na akong dalhin sa mga club-club na 'yan," mataray na turan sa lalaki. Nakita niyang parang nauubos ang pasensiya ng boss niya sa kanya.

"Okay, stay here if you want," anito saka binalibag ang pinto ng sasakyan.

"Hoy sir bossing, uli-uli kung gusto mong sirain sasakyan mo piliin mo 'yong araw na wala ako ha," inis na pahabol sa papaalis na lalaki.

"Okay, stay there if you want. Wait until my gig is done," malumay na saad ni Xian Dexter sa babae. Saka mabilis na lumasok sa pintuhan ng club na tinutugtugan.

STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu