Chapter 2

19.1K 566 10
                                    

'Laway niyo mga teh,' turan ni Panyang sa sarili habang halos lahat ng madaanang empleyada ay nakatingin sa kanila ng boss to be niya.

Pagpasok sa maluwang na opisina nito ay agad na tinuro ang isang pinto.

'Hanep may opisina rin ako,' excited na turan ng isip.

"Banyo 'yan, maghilamos ka at kanina ka pinatitignan ng mga emplyedo ko. May bakas ng laway at muta ka pa," normal lang na turan sa kanya.

'Shit, badtrip naman oo,' aniya sa sarili nang mabungaran ang mukha sa salamin.

Mabilis siyang naghilamos at inayos ang sarili.

"Sir," tawag niya sa kanyang boss. Habang ikakabit na nito ang necktie.

"Sir, I think mali ang pagkakabotones ng inyong damit," anang niya.

Nang bigla itong maghubad sa harap niya. Napamunok siya.

'OMG, six pack.' Turan sa isip habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

'Maghunus-dili ka Panyang. Huwag mong pagnasahan ang boss mo, kumbaga professional ha,' panghahamig sa sarili.

"Hey, what's your name anyway," rinig niyang tanong sa kanya habang sinasara ang damit.

"Pauleen Vergara sir, but you can call me Panyang," nakangiting turan sa lalaki.

"Ok I'm Xian Dexter Gatmaitan. I have to go. Just stay here, after my meeting I tell you more about your work." Saad sabay nagmamadaling umalis. Naiwan siyang nakatunganga sa malawak nitong opisina.

Makaraan ng ilang minuto ng umalis ito ay nakarinig siya na parang nagigyera sa labas ng pinto ng opisina ng boss niya. Hindi niya maiwasang makiusyoso. Binuksan ang pinto para makita ang babaeng kanina pa pumuputak. Nabungaran ang isang seksing babae at ang sekretarya yata ng kanyang bossing.

Nakapamaywang itong kausap ang sekretarya halos dakmain nito nang sabihing wala ang hinahanap dahil may meeting. Nakita niyang takot na takot ang matabang sekretarya.

"What do you think you're doing Miss?" Lakas loob na turan sa malditang babae. Parang nakahinga naman ng maluwag ang sekretarya sa kanyang pagdating.

Nakapamaywang pa rin nitong baling sa kanya.

"Who the hell are you? What are you doing to my boyfriend office?" Nanlalaki ang matang turan sa kanya.

'Akala mo siguro papasilong ako sa'yo ha. Laking palengke ito oy,' anang sa sarili at pumangaywang din.

"Ikaw babae ka uli-uli huwag na huwag kang nandadakma ng kahit na sinong empleyado dito ha. Kahit janitor o basurero pa 'yan dahil wala kang karapatan. Lalong-lalo na 'yang ugali mo, bago-baguhin mo ha lalo na pag alam mong wala kang lugar dito," duro sa babae.

'Ano ba ito? Napalaban naman ako agad. Ito ba ang trabaho ko, ang tagabugaw ng malatigreng babae,' inis na turan sa sarili.

"Who the hell are you na pagsalitaan ako ng ganyan?" Matapang na turan sa kanya ng babae.

Napatingin siya sa paligid, dumarami na rin ang mga empleyadong nakikiusyoso sa kanila.

"Huwag mo akong ma-who-who diyan ha. Hoy babae, kung boyfriend mo ang tinutukoy mo puwes para sabihin ko sa'yong ako lang naman ang papakasalan niya. In english fiancee niya ako, maliwanag."

Hindi niya mapigilang sabihin masyado kasing makapang-angkin ito. Akala niya pag-aari nito ang guwapong boss.

'Hmmmp,' anang sa sarili saka ngumiti nang makitang napatigil ito sa sinabi niya. Nagsimulang magbulungan ang mga empleyado at nagsimulang magmartsa palabas ang babaeng kanina ay pumuputak.

STARDOME1: MATARAY KONG ALALAY(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora