Sorry guys, late na ako nakapag update. Ngayon lang kasi ako nabakante. Nakauwi na ako galing bakasyon. Haha! Tambay na naman sa bahay. Anyhow eto na ang UD. First part palang ito.
Pete’s POV
I’m such a jerk. I’m such a jerk. Bullshit Jerk.
Paulit ulit kong sinasabi yan sa sarili ko matapos kong sigawan at iwan si Corrthrine sa harap ng maraming tao. I just can’t contain the anger that I felt. Lalo na nung nakita ko na parang kinikilig sya sa tatlong damuhong iyon. Baguhan lang kasi si Corrthrine dito sa University kaya hindi nya sila kilala. Ang Tres Gaguitos , Tatlong Gag*ng walang ginawa kundi mang trip at pagpustahan ang mga babaeng mapag tripan nila. Unfortunately, isa na doon si Corrthrine Angelique San Diego.
The first thing I did nung malaman ko iyon ay binatayan sila sa back gate at pinagbantaan. But that didn’t end there. Masyado silang pursigido , sa bagay sino ba naman ang ayaw maging girlfriend si Corrthrine hindi ba? Sikat , mayaman , maganda , mabait at higit sa lahat isa sya sa The Deities ang famous girl group sa Elite University; pero hindi ako included dun sa mga gustong maging trophy girlfriend lang sya.
Hindi ko sya kailangan para sumikat dahil kahit ako ayaw ko din maging sikat. Nakakasawa, totoo marami ang tumitingala sa iyo pero kaakibat din nun ang maraming taong gusto kang siraan at pabagsakin. Marami ang umiidolo sa iyo kaya minsan kahit ikaw hindi mo na nakikilala ang sarili mo. One factor is that, takot kang maka gawa ng masama dahil maraming tao ang ginagawa kang inspirasyon. Piling pili ang mga kilos mo dahil konting pagkakamali mo lang ay kalat na sa buong lugar higit sa lahat ang mga bashers na walang sawang naninira sa iyo. Na kahit siguro ang size ng kulangot mo ay gagawin pang issue. Kaya nga nagtago ako sa kaanyu-ang ito dahil gusto kong maging simpleng tao lang. Yung hindi ka nila mapapansin pag anjan ka, yung kahit ano gawin mo walng pupuna sa iyo, at walang maninira. Hindi ako nag papanggap lang , mahal ko ang sarili ko , mahal ko ang pagiging nerd ko at higit sa lahat naturuan ko din ng lesson si COrrthrine. Na hindi basehan ang itsura kapag nag mahal ka. Ang importante ang nasa puso, ang totoong nararamdaman at ang ugali.
Ang ugali , ang ugaling monster ko na pilit kong pinipigilan. Jealousy is consuming me , at hindi ko na ma control ang aking sarili. Pero pinagsisisihan ko iyon, pinagsisihan kong sigawan sya at iwan. Nakita ko kung paano sya matakot sa akin, nanginginig at namumutla , takot na takot. Kaya hindi ko din sya masisisi kung ayaw nyang makipag usap sa akin.
Gusto kong pahirapan ang sarili ko. Sinabi kong hindi ko sya sasaktan o paiiyakin. Tama nga naman, nagawa ko naman pero hindi ko sya na protektahan sa alter ego ko. Nagalit ako, lumabas ang devil side ko. Buong gabi akong uminom. Tinawagan ko si Alyssa at dali dali din syang pumunta sa akin. Kahit busy sya ay pinuntahan nya padin ako and comforted me. I owe her a lot really.
-Flashback –
Nagbuntong hininga sya at ininom ang Tom Collins na kaka lagay lang ng bar tender sa counter matapos nyang marinig ang kwento ko.
“ Hanggang kailan ka mahihirapan ng ganyan? “ Tanong nya sa akin.
Tinignan ko sya ng seryoso at saka sumagot “ Mas mahihirapan ako kapag wala sya sa tabi ko. “
“ Pete naman, maawa ka naman sa sarili mo “
Naiinis na sya halatang halata sa mga facial expressions nya. Alam ko naman concern lang sya sa akin. Pero alam nya din na sa buong buhay ko si Corrthrine lang ang pinangarap ko.
She even asked me, bakit ako nag papaka nerd kung ang mga lalaking gusto ni Corrthrine ay yung mga sexy , hot, bad boy at parang model pumorma.
Minsan natanong ko din yan sa sarili ko eh, bakit nga ba? Pero isa lang naging sagot. Ito na ako, minahal ko na ang sariling ito. Kinalimutan ko na yung Hot na si Peter Josephus Adriano and see my nerd side have positive results. Na maintain ko ang peaceful life ko, naging girlfriend ko si Corrthrine na sabi ng ilan ay imposible daaw mangyari and lastly it made her realize na ang looks add-ons lang yan , the most important is what you feel towards one another.
“ tulala ka na naman “ inilapit nya ang mukha nya sa akin sabay kaway ng kamay nya sa harap ko.
I smiled at her and drink my beer.
Pouted she said, “ Tss, alam mo dapat ngayon naiinis na ako sa iyo eh “
“ O, bakit na naman ? “
“ Kasi simula ng naging kayo , wala ka ng time sa akin. Kahit tinatawagan ka, kahit importante sya padin ang inuuna mo. Nung una naiintidihan pa kita. Pero nung tumagal na, mas lumalala ka na eh. At mas nasasaktan. “
I look at her straight in the eyes. “Handa akong masaktan kung ito lang ang tanging paraan para makasama ko sya. I can endure the pain knowing that when I woke up, she’s still mine rather than having no pain at all yet my life would feel empty kasi wala na sya. Wala na ang lahat lahat sa akin “.
Unti unting nag init ang mukha ko naramdaman ko nalang na tumutulo ang luha ko. Yumuko ako para hindi nya Makita pero huli na dahil nag salita na sya.
“ iiyak mo lang yan, baka bukas ma realize mo na you have given everything , na kaya mo ng mabuhay ng wala sya. Kung hindi man, baka si Lord na ang kusang gagawa ng paraan para matauhan ka.Na kapag unhealthy na ang love you better let it go. At least wala kang pagsisisihan dahil wala ka namang pagkukulang. Wala lang talagang cooperation sa kabilang side“ .
Matapos ang pag-uusap namin ay napag desisyunan kong pumunta sa kanila. Maaga pa naman 10? Eleven? I don’t really know the exact hour all I know is that I need to explain everything to her.
Sarado na ang ilaw sa kwarto nya, lumabas ako sa sasakyan . Nagbabakasakaling baka magising sya kapag tinawag ko ang pangalan nya. Hanggang sa umulan na ng malakas ngunit wala pading lumabas na Corrthrine. Hindi ako susuko, malay mo nakamasid lang pala sya. Sinusubukan nya lang kung gaano ako ka pursigido na mapatawad nya ako.
Nanginginig na pumasok ako sa loob ng Sasakyan. Ilang oras ng nakalipas pero wala padin sya.
Laters *wink *
ESTÁS LEYENDO
DILS: As if I have a Choice (Subject for Editing)
HumorShe's Corrthrine the Goddess of beauty and she doesn't have any choice 'cos she fall for someone she loathe the most. The Nerdy Guy. Can you imagine? The FASHIONISTA plus The NERD. Not so good combination right? Better read this.
