31:for my bestfriend

Start from the beginning
                                    

"Nababaliw ka naba? Matagal ng wala Jan si nadia, and I know you know? " ani nya, kaya kinabahan na ko, at bumilis ang tibok ng puso ko.

*ring ring*

Bigla na lang may tumawag kaya napatigil kaming dalawa. Teka nga ano rin ba ginagawa nya dito?

[Hello?]

Ang asawa ko. Hindi ko na sya tinawag na MA, kasi baka marinig pa ni Darren.

[Inatake nanaman anak naten!]

Sigaw nya, nawala ang reaksyon ng muka ko, at nataranta nanaman, dahil baka dumating pa yung punto na kinatatakot ko.

[Sige papunta nako]

Yun lang ang sinabi ko pero sa loob Loob ko ay puno ng takot. Pinatay ko na ang kabilang linya. At binulsa muli ito.

Kitang kita ko sa mga Mata ni darren na inaabangan nya talaga ang sagot ko.

"Wala ka na don" ani ko at inalisan na sya. Nung palayo na ko sa kanya, kumaripas na ko ng takbo.

Darren's pov

Bakit sya galing dito? Alangan namang sabihin nya napadaan lang sya e galing sya sa loob?

Pinapunta ako dito ni nadia para kunin yung iba nyang gamit, dahil tuluyan na daw syang hihiwalay Kay ace, ang bata lang daw ang pwede nyang puntahan sa bahay at wala ng iba, gusto kasi ni nadia, na lumaki yung bata na may kinikilalang ama.

"Look who's here? " salubong ni mhelbel sakin na nakaupo sa sofa. At tumayo ng pumasok ako.

"Wala kang pake kung bakit ako pumunta dito" ani ko, at dumeretso ng lakad pero hinila nya ang braso ko pabalik.

"Actually, I have care. Girlfriend na ko ni ace" sabi nya at ngumiti ng nakakainis. Palibhasa ay mukang demonyo kaya bumabagay.

"Talaga?" Sabi ko at nilapitan sya para bumulong, nilapit ko ag muka ko. At itinapat yung labi ko sa tenga nya
"Wag kang mag assume, dahil kahit kailan, hanggang MU ka lang"

At lumayo na ko, nakita ko ang muka nya, nagiba ang reaksyon nya. Dumeretso nako ng lakad at umakyat.

Pagpasok ko, dumeretso agad ako sa cabinet, nakita ko na gamit na ni mhelbel ang nasa loob nito. Pero asan yung gamit ni nadia?

"Asan na yun? " Tinignan ko lahat miski ilalim ng Kama, pero wala talaga. Lahat ng sulok na pwedeng pagtaguan ay wala talaga. Baka nasa kabilang room?

Pagtayo ko nakita ko si mhelbel na nakatayo sa pinto at nakasandal, naka cross arm pa.

"Bakit di ka sumilip sa bintana para malaman mo kung nasaan? " ani into. Tignan? Kapag sumilip ka kasi sa bintana, likod ng bahay ang makikita mo. Pero bakit nandun ang gamit ni nadia?

Tinignan ko ito at nakita ko na nagsusunog si yaya, at hinahagis yung mga gamit ni nadia.

"STOP! " sigaw ko, at napatigil naman ang yaya, at nabitawan lahat, at kumaripas ng takbo.

"Hahaha! Ngayon alam mo na? " masayang ani nito. Nanggigigil na ko letche!

Pag talikod nya hinablot ko ang buhok nya at kinaladkad ito pababa. Iniinis mo lang ako.

"Araaaay! Darren stop! Masakit naaa! " sigaw nya, at alam kong masakit ang kalagayan nya, kaso bakit ako maaawa? E hindi nga sya naawa sa ginawa nya Kay nadia? Lalo na sa mga gamit nito.

"Insikyora ka kase! Hindi ka nakuntento?! " sigaw ko habang kinakaladkad pa din sya. Hanggang sa nakarating na kami sa sala, dadalhin ko sya sa sinunog nyang gamit ni nadia.

Hind pa ba sapat sa kanya na siraan si nadia Kay ace? Na dahilan kung bakit sila naghiwalay?

"Hindi ako pumapatol sa low class kaya bitawan mo na ko!! " sigaw nanaman nito, nang makarating na kami sa likod, binitawan ko sya ng pahagis. At dumulas naman sya sa mga putik ng damo, ngayon ay nasa harap na sya ng umaapoy na mga damit.

"Aaaaaay! Bwiset ka darren! Gusto mo ba ko sunugin? " galit nyang sabi at tumayo.
"Kadiri! Dito mo pa ko nilagay sa putik! "

"Di ba bagay ka naman Jan? At dapat nga dumeretso ka na sa pinanggalingan mo e, ayan o? Nasa harap mo lang? " turo ko sa nagaapoy na mga damit. Bagay sayo yan! Bwiset!

"Alam mo darren? Hindi ako pumapatol sa low class, kung matapang ka, harapin mo ko ng patas" sabi nito, habang palapit ng palapit sakin. Di ba? Nagsalita ang talunan?

"Hindi daw pumapatol sa low class? Pero kung siraan mo ang isang Tao mas masahol pa sa walang pinag aralan! " sigaw ko, at nung palapit na sya, susuntukin ko na Sana sya ng umilag sya, at sinabunutan nya ko, hila hila nya ang buhok ko palabas ng gate.

"Ah ganon? Lumayas ka dito! Layas! " sigaw nya hanggang sa hinagis nya ko palabas ng gate. Wala man lang bang bago sa Gawain nya?

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now