Teka...

Pupunta ba ako run sa party o hindi na? Eh kasi 'di ba inimbitahan ako ni Kite. Kaso parang tinatamad ako. Tyaka ayoko nga kasing makita sina Cherish kaya aish! Di bale na lang. Paki ko kung magkita sila run? Magharutan, maglandian at maghigad-an silang dalawa run hanggang kelan nila gusto! I don't care mother father!

Matutulog na lang ako.

So tumaas na ako sa kwarto ko pero...

"AY HIGAD!" Nasabi ko pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko dahil sa gulat.

Tangines buti na lang wala akong sakit sa puso kasi kung hindi nasa ambulansya na ako ngayon. Oh my gods naman kasi 'di ba? Pasulpot-sulpot siya rito ng wala man lang warning. Nakakainis!

"Mukha ba akong higad sa'yo?" Tanong niya sa'kin.

Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko tapos nakita kong bukas 'yung bintana ko at yep, automatic akong napa-face palm dahil ang stupid ko talaga! Alam ko namang nagiging birdy ((omgs anong klaseng birdy)) si Cy tapos hindi ko man lang pina-prioritize ang pagsasara ng mga bintana lalong-lalo na sa kwarto ko.

"Hindi pero 'yung nanay mo oo." Sagot ko lang sa kanya tapos ibinagsak ko na 'yung katawan ko sa kama ko sabay pikit ng mata ko.

Naramdaman ko namang naglakad si Cy papalapit sa gilid ng kama ko.

"Hindi ka ba magbibihis?" Tanong niya sa'kin.

Nakapikit pa rin ako, "Bakit ako magbibihis?"

"Party kina Kite, remember?"

"So?" Pagtataray ko.

Naramdaman ko na lang na may biglang bumuhat sa'kin sa kama kaya agad na bumukas 'yung mga mata ko. Binuhat ako ni Cy tapos ayaw akong ibaba omgs, anong ginagawa niya?! Gusto kong magpahinga tapos he's ruining everything!

"Ibaba mo nga ako!" Utos ko sa kanya.

"Ibababa kita pero sa banyo. Maligo ka na dahil pupunta tayo!" Wika nito sa'kin.

"Don't make utos-utos to me ha! Hindi kita Popsy!" Sabi ko sa kanya.

"Pag sinabi ko bang isasama ko si Neon sasama ka na rin?" Bigla niyang pahayag.

OMGS??????

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now