Paul's POV
Habang pinagmamasdan siya sa malayo, I can't help to smile. Hanggang ngayon ang galing niya parin sumayaw. Kaso lang, hindi ako sanay na may lalaking nakapalibot sa kanya... tulad ngayon. Parang gusto ko nga siyang hatakin papalayo sa mga manyak na 'yon tsk!
Gabi-gabi'y inaabangan ko siya dito sa club. Pinagmamasdan sa malayo. She changed a lot. Pero wala akong pake!
Gustong-gusto ko siyang lapitan ngayon pero naduduwag na naman ako.
I want to court her. She's been my long time crush since high school. Pero bigla na lang siyang nawala nong nag college kami.
“Ganyan pala ang mga tipo mo. Maganda.” sabi ni Robert —kaibigan ko, sabay taas-baba ng kilay niya.
“By the way, tayo na lang kaya ang pumunta kay Grey sa Tagaytay? Excited na akong makapag-perform kasama sya bilang bagong banda dito sa club. Akalain mo 'yon, pre? dati tumatambay lang tayo dito tapos ngayon tayo na ang panunuorin ng mga tao habang nagtatanghal, gusto ko ng sumikat bro!.” dagdag nito.
“Si Miguel na ang bahala do'n, pupunta naman siya sa Tagaytay next month or next next month.” sabi ko tapos tumingin uli kay Jonah.
Natapos sya sa pagsasayaw saka naman ako tumayo. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o babalik na lang sa pagka-upo.
Nung malapit na siya sa amin ay bigla na lang akong tinulak ni Robert at muntikan kong nabunggo si Jonah.
“H-hi.” nagi-nginig kong bati.
Bwiset talaga tong si Robert! Lagot talaga to sakin mamaya.
Pero salamat na din sa kaya. Atleast may chance na akong pausapin si Jonah.
“P-paul Vincent Delos Reyes.” I introduced myself. Should I extend my hand to her? Or no? Pero sa huli ay inilahad ko naman. I feel relieved when she extend her hand to me. Well, akala ko mapapahiya ako.
Atleast a second I was given a chance to held her hand. Hindi ako makapaniwala!
“I knew you. We're classmate before. Anyway, Jonah Grace Monterde, in case you forgot.” She winked.
My God! I will never forget your beautiful name.
“I will never forget you, Jonah.”
Simula non ay kinapalan ko na ang mukha ko. Kapag umiinom siya, nilalapitan ko siya minsan at nakikipag-inoman kasama siya.
Hindi ko pwede sayangin ang pagkakataong ito. Magiging akin siya.
Dalawang linggo ang lumipas, palagi ko siyang niyayaya lumabas o minsan nag-u-usap kami habang umiinom. Akala ko nga hindi niya ako bibigyan ng oras but I was wrong. It feels like she is very comfortable with me. Kaso nga lang, minsan hindi niya maiiwasan na sumama sa ibang lalaki. I was so jealous but I can't blame her. At the very beginning it was never clear on what was my intention to her. Pero alam naman ata niya yon. Action speaks louder than words.
Isang araw habang nasa dancefloor siya at nakikipagsayawan kasama ang ibang lalaki. Hindi ko maiwasang magselos at magalit. Pero wala naman akong karapatan kasi hindi ko naman siya girlfriend.
YOU ARE READING
Love Fails
RomanceLove wins? Not all the time. Because sometimes love fails. Pagibig minsan ang nagiging rason para hindi mag tiwala ulit. Pagibig minsan ang nagdudulot sayo para hindi maging masaya ulit. Pagibig minsan ang nagpapaisip sayo kung bakit ang unfair. Mah...
