*ring ring*

Tinignan ko ang cellphone na tumatawag, at si Kurt. Alam kong kakamustahin nya lang ulit si nadia. Wala namang bago e

[Hello? Oh Kurt? Napatawag ka?]

Simula ko.

[Ah.. Kase.. Sa next month gusto ko Sana kayo imbitahin ni nadia sa birthday party ko]

Sabi nya. Hala? Mag bibirthday na pala si Kurt, di man lang nya pinaalala ng maaga.

[Ha? Oo naman, kabuwanan na rin naman ngayon ni nadia e, siguradong nanganak na sya nun]

Ani ko naman. Ano kaya ang pwedeng irigalo? Hindi ko talaga kasi alam na mag bibirthday sya.

[Talaga? Sige asahan ko yan a? Bye! ]

sabi naman nya at pinutol na ang kabilang linya. Naalala ko si nadia. Sasabihin ko kaya? E siguradong nandun si ace?

Pagbaba ko ng nakita ko si nadia na nakaupo sa sofa.

"Hmm.. Be" mahinhin kong tawag habang pababa ng hagdan. Tinignan nya ko.

"Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita? " ani naman nya, kaya tumayo sya at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad sya, napatigil naman sya. At hinawakan ang tyan nya, kaya napatigil din ako sa bandang kalahati ng hagdan.

"Ahh.. Ahhh! Be ang sakit ng tyan ko! DARRENNN! URGHHHHH! manganganak na yata ako!! " sigaw ni nadia, habang nakahawak sa lamesa. Kaya binilisan ko ang pagbaba at pinuntahan si nadia.

"Ohmyy! Be kapit lang dadalhin kita sa hospital! " sigaw ko din, dahil natataranta ko, manganganak na nga sya.
"Yayaaaaa! "

"Mam!?"

"Tulungan moko dalhin si nadia sa kotse! " sigaw ko at nilagay ko ang kamay ni nadia sa batok ko para maakbayan ako, ganun din naman ang ginawa ng maid.

"Beeeee! Dalian mo! Di ko na kayaaaaa! " tili ni nadia. Hindi ko na talaga alam ang gagawin, kaya dinala namin sya sa kotse ni yaya at mabilis ko namang pinaandar yung kotse.

"Tawagan mo si.. Si ace.. PLSS DARREEN! " sigaw nanaman nya kaya nataranta akong kunin ang cellphone ag nanginginig pa ang kamay ko.

*ring ring*

[Hello! Ace!]

Sigaw ko, dahil nagdradrive din ako, kaya natataranta ako, baka San pako malingat at masagasaan pa kami.

[Ano ba yon?! Bat ka sumisigaw?]

Masungit na sabi ni ace.

[Manganganak na si nadia! ]

Sigaw ko muli at natahimik naman sya.

[What? Totoo ba yan? Papunta na ko]

Ani naman ni ace, halata sa boses nya ang taka na natataranta din sya.

Hanggang sa nakarating na kami sa hospital at kasama na namin si ace, nasa stretcher na si nadia at papunta na ng DR. Hawak hawak naman ni ace ang kamay ni nadia habang sunod sunod na hinahabol ang stretcher.

"Mahal kapit lang" ani naman ni ace, habang habol habol ang stretcher ng mga nurse.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo" sabi nung nurse at huminto na kami ni ace. At pinasok na si nadia sa DR.

Alam kong mahal pa rin nila ang isat isa. Pero ang balita sakin ni Kurt ay mag kaMU na daw uli sila ni mhelbel. Hindi nga daw nila alam kung boto ba ulit sila Kay mhelbel? Buti nga daw ay nag iba si ace simula ng ikasal sya, at naging busy na rin ito sa mga trabaho. Hindi daw katulad noon, wala daw laman ang isip ni ace kundi ang mga katarantaduhan, buti na nga lang daw ay dumating yung araw na nakabuntis sya at natauhan sa pinagagawa nya, at nagmahal ng totoo. Pero bakit hindi ramdam ni nadia yun?

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now