"Myghad ace! " sigaw ni mhelbel, nangigigil ako sa lalaking yan, ano ba sya ng asawa ko?

"ACE! STOP IT! " sigaw ni nadia mula sa hagdan at nilapitan agad ako.
"Nico? "

Kunot noo nyang tinignan ang lalaki, totoo ba ang sinasabi nang lalaking yan? Lalaki sya ni nadia?

Nadia's pov

Nandito ako sa kwarto at nagmumukmok, ewan ko ba kung bakit wala na talaga akong maramdaman sa kanya, feeling ko hindi ko na sya mahal, hindi ko talaga mainyindihan.

"Myghad ace! " rinig ko mula sa baba, kaya bumaba ako dahil baka may masamang nangyayare sa baba.

"ACE STOP IT! " sigaw ko, at nilapitan ko si ace.

Naaninag ko ang muka ng lalaking sinuntok ni ace, sya ang lalaking pinaglaruan ang feelings namin ni Darren.

"Nadia, pls! Bumalik kana sakin, sorry na maliit na away lang naman yun e" pagmamakaawa sakin ni nico. Ano bang sinasabi nya? Hindi ko sya maintindihan.

"So? Sya pala ang lalaki mo? Kaya pala ang lamig lamig mo sakin, SYA PALA ANG PINALIT MO! " sigaw ni ace, napapikit ako sa lakas ng sigaw nya at sinamaan sya ng tingin, wala syang tiwala sakin.

"Ace he is my past! "

"NO! Alam kong sya ang pinalit mo sakin! Kailan pa ha? KAILAN PA! " sigaw nya muli, bigla na lang uminit ang ulo ko sa pinagsasabi nya.

"Ace tumigil ka nga! Hinding hindi ko magagawa yun! Wag mo kong itulad sayo!"

"Ano? Ako pa ha? AKO PA! " sigaw nanaman nya, muka syang demonyo kung magalit.

"Ace, ano bang pinagsasabi mo? Walang namamagitan samin ni nico!" Pagpapaliwanag ko, kahit alam kong binding hindi na sya maniniwala, ayoko ng pagpilitan dahil pumasok sa isip ko ang bata, normal lang sa babae ang ganto kainit ang ulo, pero pinigilan ko pa rin ito dahil ayokong madamay ang bata.

"SINUNGALING KA!, bakit? Anong dahilan! " duro nya sakin, ansakit kasi naririnig mo sa mismong asawa mo ang hindi totoo, hindi ko alam kung pano ko pa makakausap si ace, hindi ko alam kung pano ko pa ipapaliwanag sa kanya.

"Ace, pls" pagmamakaawa ko, dahil gusto ko pang maayos ang dapat na walang problema. Hinawakan ko ang kamay nya pero inalis nya ito. Naluluha na ko, hindi ko na kaya ang nagyayare.

"Lumayas ka"

"Ano? "

"LUMAYAS KA! " Nagulat ako ng sabihin nya iyon, bakit ba ganyan sya? Ayaw nyang maniwala o magtiwala sakin?

Hindi sya ang ace na kilala ko, sweet at gwapo kung tignan ang asawa ko, hindi demonyo.

"Hindi, aalis ako" sabi ko, ayokong makarinig na pinapalayas ako, kundi ako ang mismong aalis. Ayokong magmukang kawawa, anjan si Darren at criselda para sakin.

"Hindi kita iiwan, salitang pinang-hawakan mo, na mismong binitawan mo" tutok ko sa Mata nya, at sa gwapo nyang muka. Tandaan mo tong sasabihin ko.
"Oras na lumabas ako sa pintong yan, kahit kailan, hinding hindi na ko babalik, tandaan mo to ace"

Hanggang sa tumulo na ang luha ko. Hindi ko na mapigilan, tsaka na siguro ako natauhan na mahal ko talaga sya.

"Ikaw na mismo ang tumapos sa istoryang binuo natin pareho" huli kong sabi, at pinunasan ang luhang dire diretsong tumutulo, atsaka ako umalis at tuluyang nakalabas na ng pinto. Naging seryoso ang muka nya ng magsalita ako, Sana kahit yun lang ay maitatak nya sa isip nya. Hindi ko na talaga kayang pagtiisan ang babaeng yun.

Alam kong may pinlano si mhelbel sakin, gusto nya talaga kaming paghiwalayin ni ace. Dahil yung kaninang nagaaway kami ni ace wala syang nasabi o nagawa man lang. Pero nung pinalayas nako ni ace, biglang nagiba ang reaksyon nya, hanggang sa paalis na ko, ngumiti sya at nag paalam pa sakin. Ang kapal ng muka di ba? Pero isa lang ang masasabi ko. Manganak lang ako, babawi ako.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now