"Hmm.. Ace? Gusto mo? " alok nya at parang nahihiya pa, nilapitan ko sya at tinabihan.

"Para sayo lang yan" himas ko sa buhok nya, atsaka nya itinuloy ang pagkain.

Mhelbel's pov

Bwiset! Pinaiiral nanaman nya ang pagbubuntis nya! Kala nya makakalapit pa sya pag nakita at nalaman nya ang Plano ko?

Galing akong CR sa baba, di kasi ako makapag CR sa guest room dahil pundi ang ilaw.

Paglabas ko nakita ko si ace at nadia na nagtatawanan at masayang naguusap. Lagi na lang ba ang bata ang gagamitin nya? Palibhasa ay talunan.

"Hi ace" tabi ko Kay ace, at napatigil naman sila ni nadia sa pagtatawanan.
"Kamusta kayo? "

Ani ko, at kumuha ng lansones dun sa plastic.

"Ayos lang naman"

"Yakk! Ampangit ng lasa! Ano ba yan! " sigaw ko, ng matikman ko yung lansones. Kadiri bakit ganun? Ampakla ng lasa.

"E Kay nadia kasi yan e, bakit mo kinain? " singit ni ace, pinagtanggol nya pa? E ang chip chip mamili ng pagkain nyang si nadia.

"Ayos lang ace" kapit ni nadia Kay ace, wow! Bakit ganun na lang sya umarte? Samantalang nung nakaraan kinakalaban nya pa ko? Painosente amp.

"Tsk! Ang pangit mo kasing mamili ng pagkain e, pangmahirap" taray ko at inalisan na silang dalawa. Kadiri! Mahawaan pa ko Kay nadia sa kapangitan e.

Nadia's pov

Akala nya di ko sya papatulan? Maghintay lang sya, iniisip ko lang anak ko, at ayoko ding makipag away habang nandito si ace.

Nandito ako sa kwarto, Gabi na. Dapat ay matulog nako, kaso wala kasi si ace e, kaya di ako makatulog. Tinry ko syang tawagan baka kasi nasa labas lang sya nagpapalamig, ayoko namang tumayo dahil ambigat ng tyan ko.

*ring ring*

Sinagot nya naman.

[Hello, mahal? Asan ka?]

Simula ko, pero wala akong naririnig, tahimik lang ang buong paligid. Asan ba sya?

[Ughh]

Ungol lang ang naririnig ko at mga tunog ng halik, asan ba sya? Bakit puro ungol at mga halik ang mga naririnig ko?

[Hoyy ace! Asan ka ba?]

Napatayo na ko dahil natataranta na ko, hindi ko alam kung San sya hahanapin.

Binaba ko na ito at binuksan ang GPS ko, dun ko lang malalamn kung nasan sya.

Sinundan ko ito, at nasa loob lang sya ng mansion. Habang naglalakad ako, nakatutok lang ako sa cellphone, at napahinto na lag ako nang nasa pinto na ko ni mhelbel. Bakit sya nandito? Andito ba talaga sya sa loob?

Binuksan ko ito ng konti, at tama nga ang nasa isip ko kanina, may nangyayare nanaman sa kanila. Muli ko itong sinara ng tumulo na ang luha ko. Bakit ganun? Ang saya saya lang namin kanina tapos eto nanaman? Bakit nya ginawa yun ulit! May pagkukulang ba ko? Ano bang meron Kay mhelbel na wala sakin?

Habang umiiyak ako, hawak hawak ko ang tyan ko, eto nanaman ako, iiyak na dapat walang kinaiiyakan. Siguro nga ay ang gusto nya lang ang bata. Di ko ba naisip yun? Ang sabi nya sakin ay sa papel lang kami mag asawa, at ang gusto nya pa ay ipaglaglag ko ang bata. Pero bakit kailangan gawin ulit yun? Dapat ba? Di pa ba ako sapat? Fuck! Patayin nyo na lang ako!

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now