Chapter 2 - Ang Asong Mapagbiro

4.6K 30 0
                                    

Ang Asong Mapagbiro

Masyadong dinamdam ng aso ni Aling Perla nang makagalitan ito kaya naisipang lumayas. Sa paglayas ay napunta siya sa patahian ng mga damit.

Hindi sinasadyang napaupo siya sa isang sako na may lamang balat ng tigre.

Napansin ng aso na buo ang maskara ng tigre. Naisip niyang isuot iyon.

Kasyang-kasya ang maskara ng tigre sa ulo ng aso. Ang katawan ay tamang-tama rin. Naisip niyang umuwi at biruin ang mga tao.

Nagkagulo ang lahat ng nakakita sa aso. Kanya-kanya silang takbuhan at taguan.

Samantala, tuwang tuwa ang asong mapagbiro. Nakasalubong niya ang isang asong babae at biniro rin ito.

Pero alam ng babaing aso ang amoy ng kapwa aso kaya agad siyang tinahulan at hinabol.

Hindi rin nakatiis ang asong mapagbiro. Tinahulan din niya ang asong babae.

Laking gulat ng mga tao dahil nakakita sila ng isang tigreng tumatahol. Tinawag nila ang mga lasinggero at ipinahuli ang nagpapanggap na tigre.

Nang mahuli ay pinatay nila ito.Huli na nang malaman nilang aso pala ito ni Aling Perla.

Aral:  Maaaring magpanggap, huwag lang madalas dahil mahuhuli ka rin kapag dila ay nadulas.

Pabula CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon