Napatungo siya. Maya-maya ay bigla siyang tumayo. Kung kanina ay mukhang hinang-hina siya sa sarili niya, ngayon ay bigla siyang nagkaroon ng lakas.

"Kung iyon ang gusto mo, sige. Gagawin ko. Pero nakikiusap ako, Vincent. Maawa ka naman sa akin. Ang dami ko pang gustong gawin para sa sarili ko at sa kinabukasan ko! Huwag mo namang sirain 'yon dahil lang sa ipinagpipilitan mo 'yang gusto mo!" Pasigaw na sabi niya. Kita ko na rin ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata niya.

I looked a her seriously.

"Alam mo Lionne, ang utak, ibinigay sa atin ng Diyos upang gamitin. Hindi para bulukin. Kung gusto mong umayon sa gusto mo ang mangyari, hahayaan mo ako sa mga desisyon ko."

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

I heaved a small sigh, "Sa ngayon, wala ka munang ibang gagawin kundi ang magtiwala sa akin."

Lumabas na ako ng kwarto at iniwanan ko na siya doon. Una pa lang, alam ko na ang tunay nilang pakay. Ang makaganti sa akin. Sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Oo, sinisi ko ang sarili ko noon at umamin ako sa kanila. Pero ngayon, pinagsisisihan ko na rin ang katangahang ginawa ko. Hindi ko ginusto ang nangyari at lalong hindi ko iyon sinadya. Kaya walang dahilan para sisihin ko ang sarili ko. Wala rin silang karapatang sisihin ako.

Bumaba na ako at nakita ko si dad sa kitchen stool na umiinom ng alak. Alam kong lasing na siya sa mga lagay na 'to dahil naka limang bote na rin siya.

Nakalagay sa table ang napakaraming papeles. Kagulo ito. Sinubukan ko itong lapitan at tingnan kung ano bang meron sa mga ito. At halos manghina rin ang loob ko sa mga nakita ko.

Puro ito mail of investment rejection. Sinusubukan ni dad na makipag-invest ng negosyo sa ibang kumpanya ngunit wala siyang ibang natatanggap kundi rejection. Kung tama ang hinala ko ay kagagawan ito ng ama ni Lhor. Sila lang naman ang maaaring gumawa nito kay dad.

Nakita ko rin sa mga papeles ang unti-unting pagbagsak ng business. Dad has been handling our business for so many years at ngayon lang siya na-down ng ganito. Halos hindi ko alam kung paano ko siya aaluin.

Sa lahat ng mga papeles, isang sulat ang nakakuha ng atensyon ko.

"Make your son do my favor. I'll do the rest."

Mukhang alam ko na kung kanino ito galing.

Napatingin ako kay Dad. Magbubukas pa sana siya ng isa pang bote ng alak ngunit pinigilan ko siya. Halos mamula na siya dahil sa kalasingan.

"Dad, tama na." Sabi ko sa kanya. Iniligpit ko na rin ang mga kalat at mga boteng nasa harapan niya.

"A-anak, mahal na mahal kita." Wala sa kondisyong sabi ni dad sa akin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin ako sa kanya.

Nakapikit siya ng mariin.

"Susundin ko ang lahat ng gusto mong mangyari dahil alam kong iyon ang nararapat. Mas mahalaga ka kesa sa negosyo ko. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Dahil mahal na mahal kita anak koooo." Palasing na sabi niya.

Napatawa siya at medyo natigilan.

"'Yang mga lintik na kumpanyang 'yan, hindi 'yan mga kawalan! Balewala lang 'yang mga yan basta't hindi ko nasasaktan ang anak ko. Dahil ako, pwede akong magsimula uli. Wala akong pake sa sayang. Walang sayang sayang. Walaaa" sabi niya at muntikan pa siyang matumba kaya inalalayan ko kaagad siya.

"D-dad,"

"T-totoo ang sinasabi ko, anak. Marahil lasing ako habang sinasabi ko sa'yo 'to pero totoong handa akong isuko ang lahat ng pinaghirapan ko para lang hindi kita masaktan. Handa akong mawala ang lahat sa akin huwag lang ikaw. Dahil naniniwala akong kaya kong magsimula uli. At isa pa, nasasa'yo ang buong tiwala ko, Vincent. Wala kang kasalanan. Wala kang ginawang masama." Sabi ni Dad.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon