1

5 0 0
                                    


  1 

"Sa ngayon, madaming tao na ang nagsilikas upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Maraming militar ang nagsipuntahan mula sa iba't ibang lugar upang mapuksa ang mga turista na.." 

Naglalakad ako ngayon sa mainit na lugar sa ka-maynilaan. Usap usapan ngayon ang nangyari sa isang lugar dito. Oo, may mga turista ang pilit sakupin ang lugar. Gamit ang kanilang mga naglalakihang sandata, mga bomba at kung ano ano pa. Nakatingin ako sa malayo habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakaugaga sa paglikas. May mga umiiyak, mga taong humihingi ng tulong sa mga kanilang kamag anak. Lahat sila ay walang inisip kundi ang kanilang kaligtasan lang. 

 "Rad!" 

 Napatingin ako sa lalaking tumawag sakin. Tumakbo siya papalapit sakin at may inabot na sobre. 

 "Kanina pa kita hinahanap Rad! Bakit di mo naisipang mag impake ng mga gamit mo?" tanong ni Brint. Si Brint ang kababata ko. Well, palagi na lang niya iniisip yung kapakanan ko. Minsan pa nga iniisip ko na may gusto siya sakin. Pero sabi niya hindi daw. Hindi niya ko nakikita bilang babae. Parang tinuturing niya lang ako na isang malapit na pamilya sa kanya. At, ganun din ako sa kanya.

 "At para saan pa? May matitirhan naman ako diba? Alam mo na." sabi ko sabay kindat. At saan nga ba yun? 

 Meron kaming isang samahan na kung saan delikado at kasama ako. Ako lang ang nag iisang babae saming pito. Tinuruan kaming lahat sa self defense, lahat. Iba't ibang klase para mapagtanggol mo yung sarili mo. Syempre sino lang din ba ang kakampi mo sa huli? Ikaw lang. Sarili mo lang. 

 "Rad, buksan mo na--"

 Nabalik ulirat ako ng biglang magsalita si Brint. Tiningnan ko ang sobreng hawak hawak ko ngayon. Sabay pinunit sa harapan niya. Kitang kita ko ang gulat na reaksyon niya. 

 "Hindi Brint. Ayoko. Hindi mo ba alam? Napamahal na sila sakin, KAYO? Kaya ayoko. Please Brint, just stop. Wag ka ng umasa na magbabago ang desisyon ko." 

 "Fuck! Rad! This organization will make your life into danger! Ano ka ba Rad?! Pwede ba umarte ka ng naaayon sa edad mo!" 

 "Will you shut up Brint? Gets ko namang nag aalala ka sakin.. Wag naman yung ganito! Ang OA mo masyado!" sigaw ko sa kanya. 

 "Uyyy LQ!" 

 Sabay kaming napalingon sa limang lalaking nagdatingan at nanggulo sa debate namin ni Brint. Nakangisi sila ng tumingin samin. 

 "Kung ako sayo pare, wag ka ng umasa kay Rad! Hahaha!" sabi ni Brandon sabay akbay sakin. Tiningnan ko lang siya ng masama at inalis ko sa balikat ko yung pag aakbay niya. 

 "Shut up Brandon! Wag na nga kayong makisali dito! Kasalanan niyo to eh!" sabi sa kanila ni Brint. 

 "Eh kasalanan ba naming makita yung kakayahan ng kaibigan mong to? Alam mo Brint, nahihiya ako sa sarili ko kasi parang mas malakas pa si Rad kesa sak--" 

*kringgg kringgg*

 Naputol yung sasabihin ni Richard ng tumunog yung cellphone ni Brandon. Lumayo siya samin ng kaunti at tyaka niya sinagot ang tawag. Maya't maya bumalik siya samin at sinabing.. 

 "Tara na sa ACES. Gusto makilala ni Boss yung bagong member" 

 Tumingin silang lahat sakin ng naka ngisi maliban kay Brint na nag aalala. 

 Yes! Sa wakas!  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in WarWhere stories live. Discover now