Wala na siya sa akin

Magsimula sa umpisa
                                    

--

Sandra POV

Kasama ko ngayon ang team ko(Michael,Jackson at team leader Leadro)

Pumasok kami sa Bahay ni Francisco,wish ko na sana hindi namin siya maabutan pero...

Nakita namin siyang Nakatalikod habang nakatayong buhat ang duguang katawan ng kanyang ina

Inilapag niya ang katawan sa sofa at saka humarap

Huwag kang kikilos ng masama!Itaas mo ang kamay mo sigaw ni team leader at nagtaas nga ng kamay si Francisco.Sandra Posasan mo siya

Hindi sabi ni Francisco,utusan mo na lang iba pero huwag si Sandra

Nagtaka kaming lahat pero siguro dahil ayaw niyang ang babaeng mahal niya ang humuli sa kanya kahit din naman ako ayaw ko siyang hulihin dahil mahal ko siya

Jackson!Ikaw gumawa

Opo

Lumapit si Jackson kay Francisco at nakita kong Seryoso ang mukah ni Francisco,nang akmang poposasan na ang kanyang kamay ay bigla na lang niyang pinigilan ang kamay ni Jackson,hinawakan niya ito binali Dahilan para mapasigaw si Jackson ng malakas at saka niya pinulipot ang braso niya sa leeg ni Jackson,kinuha niya baril ni Jackson at tinutok ito sa ulo ni Jackson.

Hayaan niyo kong makatakas kung ayaw niyong barilin ko to

Francisco Huwag!Huwag mong gawin yan!Sabi ko at hindi ko napigilang humagulhol sa pagiyak.Ang sabi mo para sa akin hindi ka papatay!ang sabi mo magbabago ka!Kaya itigil  mo ang ginagawa mong yan!Bakit?

Dahil pinatay ng mga demonyong yun ang inay ko!Hindi ako papayag na mahuli hanggat di ko naipaghihinganti si inay!Sabi ni Francisco at kita sa kanyang mga mata ang matinding galit

Hahaha So para ka palang bata na kapag wala ang nanay niya ay iiyak!Sabi ni Michael Nagpapatawa ka ba!Hindi paghihiganti tamang gawin francisco,ang pagtanggap sa katotohanang wala na ang taong yun,yon ang tamang gawin,walang mangyayari kung ikukulong mo ang sarili mo sa paghihiganti!

Ikaw ang nagpapatawa!Kung makapagsalita ka eh gusto mo rin naman akong paghigantihan dahil ako ang pumatay sa kapatid mo,huwag mo kong turuan ng mga bagay na hindi ka marunong!

Ramdam ko ang matinding galit niya at pakiramdam ko hindi siya ang francisco na mahal ko,dahan dahan akong lumapit sa kanya

Francisco...sabi ko at sinampal ko ng malakas ang mukah niya dahilan para makakalas sa kanya si Jackson at tinutukan siya nito ng baril

Sumuko ka na sabi ni Jackson pero humarang ako sa harap niya

San-itutuloy pa sana niya ang sasabihin pero niyakap ko siya

Francisco please tama na,pakiramdam ko hindi ikaw ang minahal ko kaya please gusto kong ibalik mo yung francisco na hindi puno ng galit YUNG FRANCISCONG MINAHAL KO

Sandra...mahinahong sabi niya kaya tinignan ko siya

Masaya ako Dahil Buong akala ko ay nakumbinsi ko siya Dahil ngumiti siya pero ang inaakala kong malaanghel na ngiti niya ay nagbago naging isang nakakatakot na ngiti ng Demonyo at sinakal niya ako na parabang wala sya sa sarili.

Walang makakapigil sa paghihiganti ko!sabi niya

Bitawan mo si Sandra! sigaw ni Michael at Binaril niya si Francisco sa kamay kaya nabitawan ako ni Francisco

Kasabay nun ay Biglang nawasak ang pintuan ng bahay at may isang naka motor na dumating nagtanggal siya ng helmet at kitang kita mula sa liwanag ang kanyang mukah.

Sojiro kahit kailan talaga ang bagal mo!sabi ni Francisco

Sojiro o Samuel Jiro Molave isang sikat na criminal isang boomer!sabi ni Team leader na tinutukan ng baril si Sojiro,Sorry hindi ko hahayaang makaalis kayo!

Ah sikat pala ako

Sandra...tawag sa akin ni Francisco at napansin ko ang malungkot niyang mukah.I'm sorry...Mahal na mahal kita

Let's Party!sigaw ni Sojiro at naghagis siya ng hindi namin malamang bagay

Biglang nagkaroon ng makapal na usok at narinig naming umandar ang motor,pagkawala ng usok ay nawala na rin

Aba may pa smoke boom si Mayor! Ano siya Ninja sa Naruto shippuden?! Asar! sabi ni Michael

Wala na..Tumingin silang lahat sa akin at nakita ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Wala na siya sa akin sabi ko at humagulhol ako sa pag iyak. Lumapit sila Michael at Jackson sa akin at niyakap ako

Police Story 1:  When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon