Chapter 8: The Script

Start from the beginning
                                        

Natatawa na ko sa pinagsasabi ni Kuya. Hindi ko mapigilan tawa ko. Well, ganito si kuya mag-drama. Ang bitter ko daw kasi madalas. Sa phone lang daw ako sweet pero pag in person wala na. Yun ang lagi niyang reklamo sakin. Pinigilan ko yung tawa ko hanggat maaari. Mukhang pagod na pagod kasi si Kuya ngayon. Kaya nilambing ko nalang siya.

"'Lam mo naman kuya lab na lab kita." Ako naman ang yumakap kay kuya this time.

"Ay ewan! Di bagay sa'yo ang maging sweet in person."

"Talaga?"

"Nagtatampo pa din ako."

"Sorry na kuya. Na-excite lang kasi talaga ako sa takoyaki. alam mo naman na favorite ko yun eh." Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Ewan ko sayo." Naku mukhang hindi na effective yung convincing powers ko. Hindi ko siya masisisi kasi ganito lagi ginagawa ko everytime na nagtatampo siya sakin. Kasi naman ako masyadong na-excite sa pagkain. Okay gagamitin ko na ang ultimate anti-tampo remedy ko para kay kuya!

"Please wag ka na magtampo kuya. Malulungkot ako niyan." Sabay 'puppy eyes' .

"Oo na! Fine! Kung hindi lang kita kapatid naku."

"Bakit? Ano meron?"

"Sa susunod hindi na eepekto sa akin iyang puppy eyes mo kaya mag-isip ka na ng bago."

"Paano ba kita ma-coconvince next time?"

"Secret walang clue."

"Ehhh? Kuya naman sabihin mo na."

"Sige ka pag sinabi ko wala ka ng takoyaki."

"Eh! Sige ka hindi ko na sasagutin mga tawag mo."

"Oi! Walang ganyanan!"

Ganito kami ni kuya lagi. Lagi kaming nag bibiruan. Naalala ko nung bata pa kami. Sabi samin ni Papa at Mama para daw kaming love birds kung magbiruan. Kulang nalang daw ay ipakasal kaming dalawa. Naalala ko tuloy sila bigla. Ma, Pa miss na miss ko na kayo.

"Oh bigla kang nanahimik?" Tanong ng Kuya kong napakakulit.

"Naalala ko kasi bigla sina Mama at Papa."

"Yung about kay Angela Sato nga pala. I found something about her."

"Really?" Hopefully naman this time tama yung pag trace ko ng name sa mga nagtatago namin na kamag-anak.

"It happens na hindi siya connected satin. She just turned out to be someone who is just a messanger ni Daddy long legs." Daddy long legs, yan yung term na ginagamit namin doon yung taong nag ligtas saamin long ago. His name is actually Mr. Richard Ricardo. We tried to keep in touch on him para tanungin yung about sa parents namin pero hindi naman siya nag-reresponse sa mga e-mails namin sa kanya. Since siya yung nag papa-aral sa akin, wala naman problem about sa tuition ko. Di ko na namamalayan na binabayadan niya minsan ng direct yung school. He is somehow affiliated with ALI. Sometimes he sent us e-mails pero once in a blue moon lang. My brother and I tried to trace who he really is he pero there is no existing Richard Ricardo sa mga files ng school. We even asked kung sino ba nagbabayad ng tuition ko. It was said na hindi din nila alam kasi cash ang pag bayad ng tution ko kaya we might not even have any clue about it. Minsan inabangan ko kung sino magbabayad ng tution ko pero I ended up having no idea sa haba ng pila ng mga nagbabayad. Alangan naman tanungin ko sila isa-isa nakakahiya yun. Baka akalain pa nila ako na stalker or what.

"Pero Miyu don't worry. Makukuha din natin yung whereabouts ng mga bwisit natin na kamag-anak."

"I hope so. I really hope so." Bigla ko naman naalalala yung script. Nagtanong tuloy ako kay Kuya. "Kuya, anong magandang script ang gawin para sa foundation day?"

"Yung tragic para hindi naman laging happy ending."

"Hindi pwede Romeo and Juliet."

"Porket tragic Romeo and Juliet kagad? Hindi ba pwedeng iba?"

Oo nga naman. Ha ha ha. "Eh ano nga?"

"I can give you an idea."

"Sige, sige, Ano yun?"

"Let me ask you something. What is your ideal man?"

"Eh? Ideal man?"

"Oo."

"Uhh, ikaw?"

"Wag mo kong tanungin hindi ako bading."

"I mean ikaw ideal man ko kuya. Mabait ka kasi tapos nakasipag at napakasweet. Spoiled na spoiled nga ako sa'yo eh." Bigla ko naman naisip si Kaito. Ay ano ba? Bakit naman bigla-biglang sumasagi sa utak ko yung loko na 'yun?

"Ha ha. Ikaw talaga Miyu you are so cute." Kinurot tuloy ako bigla ni Kuya. Aray ah. "Hindi na nga kita tatanungin pa. Basta think of something that will make your script interesting. I really suggest na gumawa ka ng tragic na love story kung gusto mo medyo epic para hindi makaka-move on kaagad yung magiging viewers ng play niyo."

"Hmm. May point ka kuya. Sige gagawa muna ako ng draft. Salamat. Kahit kailan talaga kuya napakagaling mo."

"Makapambola. Yung takoyaki mo kainin mo na nga nalang!"

"Opo Kuya eto na. Gusto mo?"

"Hay nako alam kong kulang pa yan sa'yo."

"Pag pumunta ako ng Japan uuwian kita ng sangkatutak na ganyan."

"Talaga??? Kelan ka pupunta Kuya???"

"Talagang pasalubong lang talaga gusto mo."

"Ay kuya ang kulit. Hindi nga."

"Teka kuya bading ka ba? Di nga? Yung totoo?" Di pa kasi siya nagkaka-girlfriend. Di kaya???

"Oi kanina ka pa Miyu! Hindi nga ako bading okay? Wala akong time para magka-girlfriend."

"Weh?"

"Oo nga. Tsaka pag may girlfriend na ko mawawalan ka ng supply ng takoyaki mula sakin. Gusto mo ba nun?"

"Grabe naman Kuya!"

"Mukhang ayaw mo ng takoyaki ah. Sige hahanap na ko ng girlfriend bukas na bukas din."

"Ha??? Wag. Kuya naman di ka na mabiro."

"Sus ayaw mo lang mawalan ng supply ng takoyaki."

"He he. Isa na din yung sa mga dahilan ko."

"Sabi na nga ba."


Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now