Chapter 8: The Script
("I hope fairy tales do exist.")
Monday na! Hindi ako nakatulog na maayos. Iniisip ko pa rin yung nangyari nung Sabado. Yung ano yung accidental kiss namin ni Kaito. Ano ba Miyu? Wag mo masyado isipin yan! Aksidente yun. Aksidente! Habang naglalakad ako papunta sa classroom. May narinig akong tumatawag ng pangalan ko sa malayo. Paglingon ko si Laika pala. Mukhang blooming ang peg. Ano nanaman kaya ang nangyari sa kaniya? Siguradong mag-kkwento to.
"Miyu!!!"
"Oh Laika. Ikaw pala. Huhulaan ko kung anong sasabihin mo."
"Sige nga."
"Nakita mo nanaman yung bago mo na crush noh?"
"Paano mo nalaman? Ikaw ah. Nag-ppraktis ka siguro para maging manghuhula."
Obvious naman kasi kung anong sasabihin ng bestfriend ko lalo na kapag ganyan kataas ang energy niya. "So ano naman nangyari sayo ngayon?"
"Nakita ko siya!"
"Sure."
"Eh? Mood killer ka talaga minsan. Bitter?"
"Hindi noh." Hindi ko kasi masabi sa kanya yung nangyari sakin sa bahay ni Kaito. Hirap talaga mag-antay ng timing kapag si Laika na nagsasalita.
"This time bhest hindi ko lang siya basta nakita. Nahawakan ko pa kamay niya!"
"Nako iba na talaga kapag nangmomolestiya ka ng crush mo."
"Hindi ko siya pinilit hawakan kamay ko noh! Nadapa kasi ako kanina. Ang likot-likot kasi nung mga kaklase ko. Hindi ko naman inaakala na siya na yung nasa harapan ko. My gosh!!! Parang akong Cinderella kanina!!!"
"Ikaw na mahaba ang hair."
"Hindi lang yun. Nagkatitigan pa kami. This time nalaman ko na light brown color ng eyes niya. Parang si Edward Cullen lang ng twilight yung mata niya. Raaawr!"
"Kung maka-twilight ka naman. Ano yun? Ikaw si Bella?"
"Pwede na rin. Kung isa talaga siyang bampira papakagat kagaad ako."
"Kahit kelan ang landi mo talaga noh bhest?"
"Hindi ito basta lang kalandian. Mararanasan mo din ito kapag na-inlove ka."
*BUZZ BUZZ BUZZ*
"Hala yung first bell!"
"Kita nalang tayo kapag nagkita tayo."
"Grabe ah? Pasensya na po Miyu at ako naman ang naging busy."
"Ha ha. Ikaw talaga puro biro."
Natapos na ang klase namin. Si Kaito naman tahimik lang hanggang matapos yung klase naming napaka-boring na dahil nag hahabaol ng lesson yung iba naming professors. Midterms na next week! Kaso may napansin ako sa kanya. Nasan yung glasses niya? Napansin ko din na buong klase hawak lang ng yung noo niya. Masakit kaya ulo niya? Maya-maya naman ay bigla siyang nagsuot ng cap. Kinausap ko tuloy siya.
"Oi!"
"Ha?! Ah oh?" Gulat na sabi ni Kaito.
"Kala ko ba nag didisguise ka? Bakit wala yung eyeglasses mo?"
"Yun nga eh. Na-misplace ko."
"Ayan. Nagiging makakalimutin ka na."
"Shhhh. May extra glasses ka ba dyan?"
YOU ARE READING
Once Upon A Time
Teen FictionMahilig ako sa fairy tales tulad ng iba. Yung tipong darating yung knight and shining armor ko para iligtas ako mula sa isang evil witch ay isa sa mga pinapangarap ko. Tapos hindi lang ‘yun. Gusto ko din na dalhin niya ko sa kastilyo nya and then we...
