"Wala. Gusto mo pahiram ko nalang itong suot ko? Dala ko naman yung lenses na binigay ni Ate Yoona."
"Wag!"
"Eh? Kala ko ba kelangan mo ng salamin?"
"Oo pero wag mo tatanggalin yung glasses mo. Okay na siguro to. Mag-cacap nalang ako hanggang maka-uwi ako."
"Bahala ka. Aalis na ko. May meeting pa ko."
"Meeting?"
"'Diba? For the upcoming foundation day. Tinawagan mo pa nga ako para sabihin sa akin na kailangan ko mag-formulate ng idea according kay Prof. Ryan."
"Ay oo nga pala. So ano naisip mo?"
"School play."
Pumunta na ko sa meeting ko with Prof. Ryan. Nasabi ko na yung about sa idea ko. Sabi naman niya sakin okay daw yun. Kaso kelangan original yung story para naman hindi daw predictive. Kasi kung puro Romeo and Juliet nalang daw masyado ng common.
"Okay Sir I will take note of that."
"Wait, why don't you make the script Ms. Takamari? I know you have the skills and I know you love wrtting."
Ay patay na. Pano ako tatanggi? Bahala na. Script lang naman gagawin ko. Kaya yan! "Sure. No problem. I can make the script in no time."
"I need it after 3 weeks kasi I know na since next week ay Midterm exams na you need to review syempre."
Napaka-considerate talaga ni Prof. Ryan. "Okay sir. Thank you."
(Sa bahay)
Naku, naku, naku!!! What to do? What to do??? Okay may 3 weeks ka pa Miyu. Midterms na next week! Bakit naman kasi hindi ko tinanggihan yung offer ni Prof Ryan? Habang eto ako nasisiraan na ng bait kung anong unang gagawin ko kung mag-rereview ba ako or gagawa ng script.
Dumating naman yung kuya ko. Si kuya na napakabait, napakasipag at napakasweet. Hindi na ko magtataka kung bakit naging crush siya ni Laika.
"I'm home Miyu!"
"Kuya!!!" Lumapit naman ako sakanya.
"I missed you so much Miyu." Sabay yakap siya sakin.
"Kuya naman akala mo naman nangibang bansa ka. Ilang araw ka lang naman hindi nakauwi ah?"
"Eh? Di di mo ko na miss? May dala pa naman ako na takoyaki dito." Nalungkot na sabi ni Kuya.
Did he say takoyaki??? "Ha? Syempre na-miss kita kuya! Ikaw naman oh."
"Oh baka naman yung takoyaki lang yung gusto mo kaya nag papakabait ka sakin ngayon?"
"Hindi noh. Ikaw talaga kuya. Na-miss talaga kita kuya!"
"Oo na sige na. Ito na yung takoyaki mo."
"Yes!"
"Hay naku Miyu. Kahit kelan pag umuuwi ako mas gusto mo yung mga pasalubong na dala ko. Hindi ko naman nararamdaman na excited ka na umuwi ako." Naku si Kuya nag-ddrama. Nilapag ko naman yung takoyaki sa mesa tapos lumapit ako sa kanya.
"Sus. Di bagay sayo maging drama actor kuya."
"Nang-asar pa." Sabi ni kuya sabay upo sa sofa naming kulay blue.
"Hindi ka na mabiro."
"Buti pa kapag everytime na tumatawag ako sayo through cellphone ang sweet-sweet mo. Pero iba talaga in person."
YOU ARE READING
Once Upon A Time
Teen FictionMahilig ako sa fairy tales tulad ng iba. Yung tipong darating yung knight and shining armor ko para iligtas ako mula sa isang evil witch ay isa sa mga pinapangarap ko. Tapos hindi lang ‘yun. Gusto ko din na dalhin niya ko sa kastilyo nya and then we...
Chapter 8: The Script
Start from the beginning
