Walang Iba II

1.5K 47 2
                                    

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano, ikaw pa rin ang gusto ko. 

Katatapos lang ng Showtime kaya nakatambay sa lounge ang ViceRylle pati na rin ang kanilang mga co-hosts, except kay Kuya Kim na kinailangan mauna dahil may emergency sa kanila. Magkalayo ang dalawa at simula kanina ay hindi pa nagpapansinan. "Brad, anong meron? Away ulit?" tanong ni Vhong na kasalukuyang nasa tabi ni Vice at nagsscroll ng Instagram niya. "Nagalit eh." sagot ni Vice at huminga ng malalim. "Nagalit? Eh parang nung isang araw lang ang sweet sweet niyo." sagot ni Vhong na parang nagtataka kung bakit magkagalit ang dalawa. "Di ka na nasanay, alam mo naman 'yang dalawa. Ginawa na atang hobby ang pag-aaway." sabi ni Billy na nakikinig pala sa usapan ng dalawa. "Ano bang nangyari?" tanong ni Vhong sa kaibigan niya. 

//

It was a day after Karylle and Vice's general cleaning. Nasa dressing room si Vice at lalabas na dapat when he felt his phone vibrate. 

Text message from: Wifey 

Wakla uso pakita, di mo ba ako namimiss? 

Text message to: Wifey 

I don't love you anymore! 

Text message from: Wifey

GANYAN!! Hahaha, wala kang payugyog?

Text message to: Wifey

Wala, di pwede, may magagalit. Charot! Haha.

Text message from: Wifey

Sinong bagong boylet? Di ako updated, kakatampo.

Text message to: Wifey 

Merlat teh. Si Karylle, tagal na namin, di mo alam?

Text message from: Wifey

SERYOSOOOO? Tagal na pala talaga nating 'di nagkikita! 

Text message to: Wifey

Catch up tayo some other time, ha? Be right back wifey, miss you too by the way, mwa!

Text message from: Wifey

Sure, see you when I see you. Mwaaa!

Itinago na ni Vice ang phone sa bulsa at nagpunta sa lounge. Si Jugs pa lang ang nandoon at si Karylle. Karylle was busy eating lumpia with her usual sawsawan at ngumiti ito ng makita niya si Vice. Napafacepalm naman si Vice dahil alam niya ang consequence ng pagkain ni Karyle-- ang kanyang breath. Napatawa naman si Karylle sa ginawa ni Vice dahil alam niya na ayaw talaga ng boyfriend niya na kumakain siya ng ganito, dahil nga sa outcome ng hininga niya. Tumabi si Vice sa girlfriend niya. Ngumanga siya at sinubuan naman siya ni Karylle ng kinakain niyang lumpia. Nagvibrate naman muli ang phone ni Vice kaya inilabas niya ito to check kung sino ang nagtext. 

Text message from: Wifey

Love, pasingit lang ulit, may pauga ako this week, hindi pwedeng wala ka dun! Iloveyou and imissyou!

Napangiti naman si Vice at itinago na ang phone. Not knowing na nabasa pala ni Karylle ang text ng kaibigan niya, at ever since ay pinagseselosan niya na simula pa lang ng maging sila ni Vice. Hindi naman muna kumibo si Karylle at nagmaang-maangan na wala siyang nabasa. "Sino yun?" tanong ni Karylle. "Ha? Anong sino?" tanong ni Vice absent-mindedly. "Yung nagtext sayo. Kung makangiti ka, wagas ha." naramdaman naman ni Vice na nagpapasaring si Karylle. Inilabas niya ang phone at pinindot ang conversation nila ni Liz. "Ayan, si Wifey. Si Liz, alam mo namang close lang kami talaga niyan." sabi ni Vice at iniabot kay K ang phone niya. K was scrolling their conversation. Hindi man ipakita ni Karylle ang pagseselos, bakas sa mukha niya ang halong inis at lungkot. Alam naman niyang wala siyang dapat ipagselos, pero feeling niya ay sasabog siya anytime. 

Vice x Karylle : One ShotsWhere stories live. Discover now