Till Death Do Us Part

3.2K 52 3
                                    

Eto na naman ako, paulit-ulit na lang. Tinry ko na ata lahat ng pwesto para makahanap ng pwesto para makaborlog ako, kaso useless. Nagplay na ko ng kung anu-anong music, ni isa walang nagpaantok sakin. Ganun ba talaga kalakas ang epekto sakin ni Kur--, wala pala. Nakalimutan mo na sya, diba? Diba? Okay ka na sa buhay mo ngayon, diba? Pero bakit ganon, mahal na mahal ko pa din siya. Ikaw pa rin ang itinitibok ng puso ko, ang isinisigaw ng damdamin ko. Miss na miss na miss ko na siya, Kurba akin ka na lang ulit. 

Madami pang tanong ang naiwan sa isip ko. . . Bakit mo ko iniwan non? Bakit bigla kang nawala after you broke up with me? Bakit pumunta ka ng America ng hindi man lang nagpapaalam samin? Nawala kang bigla, iniwan mo ko ng hindi ko alam  ang dahilan. Bakit? Ramdam ko pa rin ang huling dampi ng mga labi mo sa labi ko, nababaliw na ata ako. Hahahaha, ang lakas ng epekto mo sakin Kurba.  

Anim na buwan, walong araw, at labindalawang oras nung huli kitang nasilayan. Nung huli kong nakita ung matatamis mong ngiti, ang mga magaganda mong mata. 

Pumasok ako ng Showtime at nakita kong mukhang wala pang tao. Mali pala, nasa dressing room lang pala ni Anne silang lahat. May chika na naman siguro tong si Ngangabu kaya mukhang may miting de avance sa dressing room nya. Inilipag ko ang gamit ko sa dressing room ko at dumeretso sa dressing room ni Anne. 

"Bumalik na pala siya. ." i heard Billy told Anne and the rest of the hosts before I enter. 

"Sinong bumalik?" sabi ko sabay pasok sa dressing room ni Anne. Nanlaki lahat ang mga mata nila at nagtinginan sa isa't isa as if nag-uusap sila using their eyes. 

"Should we tell him?" sabi ni Ngangabu kaya nagtaka na ko. 

"Tell me what?" sabi ko naman sa kanila. Tinignan ni Anne si Billy at tinanguan lang sya nito. Vhong did the same as well. 

"Vice, K's back. . ." i was shocked, but i managed to hide my emotion. Natuwa ako, pero baka pag nakita nila yun eh sabihin nilang hindi pa rin ako nakakamove-on. 

"Ah. Maigi yun." i said and nodded to them. Kinuha ko ang phone ko at nagkunwari na nagchecheck for messages. 

"So ganun na lang yun?! Di ka man lang concern kung kamusta sya after 6 months?!" sabi ni Anne sakin. Miss na miss ko na sya, Anne. Sana alam mo yon. Natatakot lang ako na baka ipagtabuyan niya ko. 

"She doesn't need me, so what for?" sabi ko naman at ibinalik ko ang atensyon ko sa phone. 

"What the--! Hindi mo ba alam kung bakit siya pumuntang America?! Ha?! She went there for her treat--" hindi natuloy ung sasabihin ni Ngangabu dahil tinakpan ni Billy at Vhong ang bibig niya. 

"Treat what? Anong alam nyong hindi ko alam, ha Anne? Billy? Vhong? Kayong lahat? Sabihin niyo nga sakin!" i felt anger. Hindi ko alam kung bakit, pero ung tibok ng puso ko bumilis. Ung mga balahibo ko nagtayuan, as if there is something wrong. 

"Why should you bother knowing it? E pangangamusta nga lang hindi mo magawa! ANG MANHID MO NAMAN VICE!" sigaw ni Anne sakin. Meron talaga silang alam na hindi nila sinasabi sakin.

"Anne, Vice. Stop. Sabihin mo na, he needs to know." Vhong said at napabuntong hininga na lang si Anne. 

"K has cancer, Vice. That's why she left Showtime and went to America. She had her treatment there for 6 months, pero umayaw na sya magpachemo. She has a month to live, Vice. And she went back here for you, for us. She went back para satin, kasi gusto nyang mawala sa mundo ng kasama tayo in her last days." gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Anne. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Si K? May cancer? Ang hirap naman tanggapin non. Sana naman may 1 year before notice na magkakacancer sya.

Vice x Karylle : One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon