Kulang Ako Kung Wala Ka

2K 43 0
                                    

Nag-iisa at hindi mapakali.

Nov 6

@vicegandako: @lizzzuy rescue me!

@lizzzuy: "@vicegandako: @lizzzuy rescue me! ” halika na love!!!! 

"Anong kaartehan yan beks, bakit pinapunta mo pa ko dito sa condo mo? Drama ulit tayo?" sabi ni Liz habang papaupo siya sa sofa ko. Tulala naman akong nakatingin sa sahig, gulong-gulo ang isip. "Uh, hello? Earth to Vice?" sabi ni Liz habang winawagayway pa ang kamay niya sa mukha ko. Tinaasan ko sya ng kilay, as if I was saying 'ano yun?' "Ano na? Anong chika?" tanong ni Liz habang kinakalikot ang phone niya. "Si Karylle kasi e." napatingin naman si Liz kay Vice, "Oh? Bago yan ha. Anong meron kay K?" tinignan ni Vice ang kaibigan. "Nafafall na daw sa'kin ang loka." napatawa naman si Liz sa sinabi ni Vice. "So sineryoso mo? Malay mo nagjojoke lang 'yung tao! Jusko." nirub ni Vice ang dalawang kamay nya. "Hindi eh, iba 'to. Iba yung ngayon, hindi na tulad nung biruan." 

Earlier that day...

"Oh K, ikaw na lang andito, 'di ka pa uuwi?" tanong ni Vice sa kaibigan na nag-iisa sa dressing room. "Uh Vice, please. Umalis ka muna dito, mali 'to e." pagtataboy ni Karylle sa kanya. "Huy, Karylle, bakit? May nagawa ba 'ko? Hala sorry." saad ni Vice. "Hindi, hindi, wala kang nagawang masama. Okay lang, naguguluhan lang talaga ako. Mali kasi 'to eh, maling-mali." nagtaka naman si Vice sa mga sinabi ng kaibigan. "Alin K? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang isang upuan at tinabihan siya sa harap ng kanyang vanity mirror. Kasalukuyan nakabaon ang mukha niya sa kanyang mga kamay. "K, baka kailangan mo ng pagsheshare-an, andito lang naman ako wag kang mag-alala." pagcocomfort nito sa kaibigan. "Vice, hindi mo maiintindihan." sagot naman nito sa kanya. "Maiintindihan kita K, kaibigan mo 'ko." "Hindi Vice e, hindi talaga." "Hindi mo pa nga sinasabi sa'kin yung problema mo, sasabihin mo hindi na agad kita maiintindihan. Pareho tayong babae, alam ko ang nararamdaman mo." pagbibiro ko sa kanya. "Yun na nga e, pareho tayong babae. Pareho tayo ng gusto, yung blush on mo times two ng blush on ko, yung mga labi mo minsan mas mapula pa sa labi ko. Mas maharot ka pa nga sa'kin eh! Alam mo ba yon?" nagtaka naman ako sa sinabi niya. May part din sa loob ko na medyo napikon, pero mas pinili kong kumalma at pakinggan siya. "Oh anong issue don?" "Walang issue sa'yo Vice, ako kasi yung may problema. And trust me, you're the last I would like to share that problem with."

Napikon na talaga ako sa sinabi niya. "So ang ibig mong sabihin ako yung problema mo? Ganun ba Karylle? Last person you would like to share with? Edi hahayaan ko na namang magkwento kayo sa iba, tapos kayo hindi niyo ipapaalam sa'kin na ako yung problema niyo? So habang kayo na pinag-uusapan ako,  ako naman 'tong si tanga walang kaalam-alam na napupulaan na naman? Wow Karylle ha! Salamat! Ipinamukha mo talaga sa'king pamilya talaga tayo dito." paalis na dapat ako ng biglang magsalita si Karylle. "Wag na wag mo kong tatalikuran at wag na wag mo kong pagtataasan ng boses dahil hindi mo alam kung anong nararamdaman ko." sagot ni Karylle sa'kin. "Oh 'yun naman pala eh! Edi ipaalam mo! Hindi yung puro ka pasaring d'yan! Nililiguy-ligoy mo pa e, deretsuhin mo ko!" "Mahal kita! Masaya ka na? Nahuhulog na 'yung loob ko sayo!" natahimik ako sa sinabi ni K. "Ha? Pano? Bakit?" "Oh diba? Pati ikaw tinatanong mo sa'kin kung bakit. Ako nga hindi ko alam kung bakit ako nahuhulog eh! Alam ko namang bakla ka e, Vice. Alam ko naman yun pero siguro katangahan lang talaga na naniwala ako sa mga adlib mo sa Sine Mo 'To. Sa mga moments natin na pati ako umaasa narin." Hindi ako makasagot sa mga sinasabi ni Karylle. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin, dahil pati ako naguguluhan na din. "Karylle, I'm sorry." "No, don't be sorry. Umalis ka na muna Vice, kailangan ko lang siguro mapag-isa. Sorry to bother you. I'm sorry, you should go home." sabi ni Karylle habang isinasara ang pinto ng dressing room niya. Dahil gusto ko din namang makapag-isip at masink in yung mga sinabi ni Karylle, hindi ko na ipinilit pa na kausapin siya.

Vice x Karylle : One ShotsWhere stories live. Discover now