W.I.L. - number 52. He missed her !

Start from the beginning
                                    

 Pinapasok nila ako sa loob ng selda at pumasok naman din ako!

Nang na-iwan na kaming dalawa roon... Kina-usap ko yung lalaki na nakaupo sa may gilid..

"Anong pangalan mo? Makakalabas ba tayo rito ?"

"Oo."

"Paano?"

"KUng papalabasin nila tayo." Nonsense.

"Ako nga pala si Erry." Hindi ko na sinabi na Prince Erry dahil mukhang sa sitwasyon ngayon... pareho pareho ang antas namin sa buhay.

"Ako nga pala si Leon."

"Bakit ikaw lang ang nakakulong dito mag-isa ? Bakit yung iba may kasama?"

"Hindi ba kita kasama ?"

"Hindi. Ang ibig~~"

"Dito niya ako ikinulong !"

"Sinong siya ?"

"Si yunice ! Alam niya kasi ang kapangyarihan ko kapag sumama ako sa ibang mga bilanggo."

"Bakit kailangan mong mapahiwalay? Ano bang kapangyarihan mo?!" nang bigla siyang magbago ng anyo...


"hu-WOW... You can do that ?" naging batang babae siya. Kaya pala ayaw siyang ihalo ni Yunice sa iba dahil alam nito na hindi niya makikilala ang taong to once na isama niya sa ibang bilanggo!

"Oo." bumalik na siya sa dati nang magsalita siya.

"Bakit ka kinulong ni Yunice dito ? Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Oo. Ang totoo niyang matagal ko na siyang gusto. At lahat ng bagay na hilingin niya ... sinusunod ko. "

"Tulad naman ng ano?"

"Ako ang nagpapanggap na siya kapag busy siya sa mga bagay bagay.."

"HUh? Talaga... e di nakakapasok ka sa loob ng Academy ?"

"Oo. Kaya masyado akong naging maingat sa bawat kilos ko baka kasi may makahalata..."

"Ahh ganun ba."

"Pero ang lagi niyang sinasabi sa akin... maging masungit daw dapat ako sa isang estudyante ."

"Anong pangalan?"

"Sophie."

"HUh? Talaga? Bakit naman?"

"HIndi ko alam pero laging kumukulo ang dugo niya sa babaeng iyon. At marahil nang dahil sa iyo."

"Ha? Ako?" pagtatakang tanong ko sa kanya!

"Oo. Ikaw si Erry, diba ? Ang matagal ng gusto ni Yunice." napayuko nalang ako at napakamot sa buhok ko. Nahihiya ako, muntik pa sanang magpanggap ako na wala talagang alam... pero alam naman  pala  niya talaga.

"............ Pero bakit ka nakakulong ?"

"Pinipigilan ko kasi siya sa mga masasamang balak niya kaya iyon, napagdesisyunan niyang ikulong ako."

"Talaga lang ha ..." napa-isip ako bigla...

"Gusto mo bang maka-alis dito?"

"Oo naman."

"Pwede bang magpanggap ka na ako?"

"Anong ibig mong sabihin?" ipinakita ko sa kanya ang susi...

"Sigurado akong hindi ka sasaktan ni Yunice... Kaya kung ikaw magpapanggap na ako, makakaalis ako rito mamaya upang iligtas ang iba pa!" sabay pinakita ko sa kanya yung susi. IYon ang balak kong gamitin upang makatakas kung sakaling maiwan na ako na mag-isa.

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Where stories live. Discover now