Chapter 47

2.8K 58 3
                                    

Chapter 47: Takot





Badtrip akong pumasok ng school. Bakit? Kasi napuyat ako. Halos tatlong oras lang ata ang tulog ko kagabi e. At bakit ako napuyat? Naghintay lang naman ako sa tawag ni Blaise na hindi nya tinupad. May nalalaman pa syang "call you later" pero hindi naman nya ginawa. Sana hindi na lang nya sinabi yun para hindi ako umasa.


Pero mas badtrip talaga ako sa sarili ko, porket hindi na nakapagtext or call si Blaise, galit na galit nako. Kung siguro noon, masasabi kong hindi ako magagalit sakanya, baka nga tuwang tuwa pa ako dahil walang nangungulit sakin e. Pero ngayon...ay ewan! Kaimbyerna talaga!


Dahil sa pagkabored ko, nakuha kong mag-stalk sa facebook ni Blaise. Unang bumungad sakin ang pictures nila ng pamilya niya na naka-tag galing kay Scarlett. Eto yung pictures nung sembreak nila galing France at Greece. Todo ngiti pa si Scarlett sa mga pictures, habang si Blaise naman ay formal lang ang ngiti. Mukha syang maamong anghel dito.


"Teka, sino naman to?" tanong ko sa sarili ko ng makita ang isang babae na kasama ni Blaise sa isang picture. Nagtatawanan sila. Halatang masaya. Stolen lang ang pagkakuha sakanila dahil nagse-selfie si Scarlett, saktong nakuhanan lang sila sa likod. Nag-iba tuloy ang pakiramdam ko.


Dahil sa pagtataka, hindi ko maiwasang maghanap ng iilan pang impormasyon. Sa pagso-scroll ko ng mga comments, naagaw ng atensyon ko ang isang pangalan.


Lucy Andrada: thanks for the time. See you soon!


Ramdam ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Para akong hindi makahinga ng maayos. Pakiramdam ko nasasaktan ako. Nakasama pala ni Blaise si Lucy, ang first love nya. Paano? Bakit wala syang nakwento? Hindi dapat big deal sakin to. Pero yung alam kong siya lang naman ang pinakasineryoso at minahal noon ni Blaise, para na akong mababaliw.


Inopen ko yung facebook ni Lucy Andrada. Mas lalo akong nasaktan ng makita ko kung gaano siya kaganda. Kung gaano sya nakahihigit sakin. Fashionista siya samantalang ako...simple lang. Naagaw ang pansin ko sa isang status nya na;


Lucy Andrada
Oct 29 at 5:45 PM •public
Being with him was the best.


Pinost nya yun sa araw ng pagpunta nila Blaise sa France. Kumpirmado, maaaring nagkamabutihan ang dalawa. Baka nga nagkaaminan ulit sila na mahal nila ang isa't isa. Pero bakit naman sasabihin ni Blaise na mahal niya ako kung may nangyaring ganon? Hindi ba masyado lang akong napaparanoid? Pero hindi e... para akong naloko sa nakita ko.


Mag-e-exit na sana ako sa account ni Lucy ng makita ko ang isang bagong post nyang;


Lucy Andrada
10 mins ago •public
The next time I will see him, I'm going to tell how much I love him.


The heck! Parang nainis ako sa post nya ah? Pakiramdam ko kasi, si Blaise talaga ang tinutukoy nya sa mga sweet status nya. Bigla tuloy akong natakot sa posibilidad na magkita sila. Paano kung umamin nga itong si Lucy kay Blaise? Ano na lang ang magiging reaksyon ni Blaise? Paano kung marealize ni Blaise na mahal niya pa pala ang ex niya? Ibig sabihin, magkakabalikan sila. Ibig sabihin, matatapos na kung anong meron saming dalawa ni Blaise. Wala namang kami, pero takot akong mawala siya.. Sht!


Pero hindi ba dapat mas matakot ako sa posibilidad na masasaktan ako ng sobra? Masasaktan ko ang sarili ko dahil sa pagmamahal ko sakanya..



Naisipan kong lumabas na ng Art club room para makauwi na rin. Mas gusto kong magmukmok ngayon sa bahay kesa dito. Baka kasi dumating pa si Blaise at mahalata ako sa kilos ko.


"Claire!" Blaise... sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


"Dylan.." siya pala.. nagkamali ako. Halatang kagagaling lang niya sa practice nila dahil sa soot nyang jersey.


"Uuwi ka na ba?" tanong nya habang patungo sakin.


"Uh, oo.."


"Hatid na kita?" tsaka siya napangiti. Napatingin ako sa paligid. Umaasang may Blaise na darating...pero wala.


"Hindi na, nakakahiya--"


"Please Claire?" bigla kong naisip, siguro pagbibigyan ko na lang rin sya, susubukan kong makalimot sa nararamdaman ko kay Blaise. Mali man na gawin kong panakip butas si Dylan, pero siguro makakatulong to para mabawasan ang pangangambang nararamdaman ko. Susubukan kong ibalik ang pagkagusto ko kay Dylan noon.


"Osige.." sagot ko.



---

Cold HeartedWhere stories live. Discover now