Chapter 30

3.2K 73 2
                                    

Chapter 30: I'm beginning..





Dinala ako ni Blaise sa isang park kung saan tahimik at masarap ang simoy ng hangin. Kita namin sa lugar na kinatatayuan namin ang mga ilaw ng bawat buildings at bahay. Parang mga Christmas lights lang, nakakaaliwalas sa mata. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapatitig ako kay Blaise, mukha talaga kaming tumakas sa isang party sa mga soot namin.


"Why?" tanong niya ng mapansin akong nakangiti.


"Natatawa lang ako sa mga soot natin."


"Bakit naman? Mukha nga tayong nagde-date e." ngumisi siya. Kita niya ang pag-irap ko kaya natawa siya ng kaunti.


"Wait, wear this, it's getting cold." napatingin ako sakanya habang inaalis niya ang soot nyang coat tuxedo. Ipinatong niya ito sakin at ngumiti.


"T-Thanks.." sagot ko.


Sandali kaming natahimik. Nakatitig lang ako sa tanawin habang iniisip ang gagawin kong pagre-resign sa trabaho bukas. Pagkatapos ng nangyari, wala na akong interes na magbigay ng serbisyo ulit sa store na yun. Panahon na siguro para isuko ko ito at maghanap ng ibang trabaho na hindi ko magagawang isikreto. Ayoko na sa sitwasyong ganito, yung tipong ginagamit ng mga tao ang kahinaan ko para mahawakan ako sa leeg.


"I thought, you dated that Logan earlier. That's why I came there to see you... But then I heard him talking to his fucking friends, nagkamali ako." nakatingin lang sya sa mga buildings habang nagsasalita.


"I can't stand there, knowing your in that kind of situation kaya nilapitan na kita. Kahit na alam kong may posibilidad na tanggihan mo ko, pipilitin pa rin kita." nilingon niya ko.


"I told you Claire, I don't want you to be with anyone else.. I want you just for myself." napailing ako.


"No Blaise.." I know he's teasing me again.


"I know.." bumuntong hininga siya. Nilingon niyang muli ang ibang direksyon. "I know you won't agree. But I want you in any way just to get you." kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Inis ba tong nararamdaman ko? Hindi ko alam.


"I've liked you since I met you, Claire." magsasalita na sana ako ng unahan niya na naman ako.


"But everything has changed. I'm starting to like you less." hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit pakiramdam ko may kung anong tumusok sa puso ko? Para akong nadismaya sa sinabi niya. Hinarap niya akong muli sabay hawak sa mga kamay ko.


"Because I'm beginning to love you more, Claire." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Direkta nya itong sinabi sa harap ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang paniwalaan. Paano kung isa lang to sa mga pakulo niya para mapasama ako sa isa sa mga babae niya? Paano kung masaktan lang rin ako tulad ng kung paano nasaktan si mama ng iwan siya ni papa?


"I-I don't belive you, Blaise."


"Why?"


"Kilala kita. Alam kong playboy ka at marami ka ng babaeng napaiyak. Hindi pwedeng ganun ganon na lang na bigla mo kong minahal.." hindi ko alam kung tama bang ganon ang sinabi ko. Kita ko ang paglungkot ng mga mata niya. Pakiramdam ko tuloy na-offend sya.


"Even though I'm a playboy... I still can change, Claire." mahinahon niyang sagot. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at huminga ng malalim. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Para akong tinatraydor ng puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.


"Then prove it.." saad ko ng hindi siya nililingon. Nabigla ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso at iniharap sakanya. Halos lumuwa ang mata ko ng maramdamam ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Holy crap!!! Nag-init bigla ang mukha ko! He kissed me again! I can see his eyes closed while my heart beats were racing so fast!


"I will." saad niya matapos niya akong nakawan ng halik. Nakangisi pa ang mokong na parang completely satisfied sa ginawa niya. Letche! Ngayon alam ko na, inis nga ang nararamdaman ko sakanya!


"I didn't tell you to kiss me, you stupid perverted playboy!!" hinahampas hampas ko na siya sa sobrang inis. Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mukha ko. Inaapoy na ata ako sa sobrang galit. Ugh!


"I'm not sorry at all, just so you know." natatawa niya pang sabi habang iniiwasan ang bawat paghampas ko.


"Bwisit ka talaga!" bulyaw ko tsaka siya tinalikuran. The heck with this guy. He's getting into my nerves!


"Come on, Claire. It's already late. We need to go home." minasamaan ko siya ng tingin. Nakairita siya, nakukuha niya pang ngumiti kahit naiinis na ako sakanya.


Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad. Hindi ko alam na mahihirapan pala ako sa pagbaba. Mataas kasi ang pinanggalingan namin kanina. Nakasoot pa man din ako ng gown. Err!


"Take my hand, Claire." utas niya habang nakalahad ang mga kamay niya. Kahit naiinis ako, hindi ko na talaga kayang magtaas ng pride. Padabog kong inilagay ang kamay ko sakanya. Kita ko pa ang pag-iling at pagngisi niya. Ano bang iniisip ng lalakeng to? Kapikon ah!



---

Cold HeartedWhere stories live. Discover now