Chapter Three

10.6K 286 20
                                    


Naglalakad patungong likod ng paaralan si Jaim. Alam nitong dito madalas nagkikita sina Winter at ang kaibigan nitong si Kalvin na tiga-kabilang syudad. Hindi man magkalapit ang tahanan ng dalawang binata ay hindi ito naging hadlang sa pagiging matalik nitong magkaibigan. Nakilala ni Jaim si Kalvin dahil sa kanyang tiyo na si Leo at sa kuya niya.

Si Kalvin ay may pagkakatulad kay Winter. Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-aaral, marami nang kumikilala ng kanilang talino at talento at dahil dito, naging matunog na ang kanilang pangalan sa nakatataas kung kaya ay madalas na silang ipanapatawag upang sumali sa mga imbestigasyon. Sinasalang na sila sa totoong imbestigasyon upang mas mapabuti pa ang kanilang galing.

Papalapit na si Jaim sa malaking puno nang makita niya ang kuya niya at ang kaibigan nitong si Kalvin na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Maraming beses nang napagsabihan si Jaim na huwag makikinig sa usapan ng iba ngunit hindi pa rin ata ito rumerehistro sa utak niya ang mga bilin.

"Akala ko ba hindi tayo pwedeng makisali sa imbestigasyon na 'yun?"

"Hindi ba't natanggap mo naman 'yung letter? Huwag mong sabihin na hindi mo pa nababasa 'yun kaya hindi mo alam? Kaya nga ako pumunta dito dahil akala ko ay alam mo na. Isang magandang oportunidad na 'to, Winter. Kapag pumirma na tayo ng kasunduan, mas mapapadali ang pagpasok natin sa team."

"Hindi ba't nagdadalawang-isip sila dahil wala silang tiwala sa atin at bata ang tingin sa atin?"

Malamang ay pinag-uusapan nila ang sulat na napasama sa mga love letters na nakuha ni Jaim sa kanilang mailbox. Isa pala talaga itong pribadong sulat na hindi basta-basta pwedeng basahin ng kung sino man.

"Muntik nang mabasa ni Jaim 'yung sulat na 'yun. Alam kong umiiwas sila sa internet pero hindi ba dapat maingat ang pagpapadala ng sulat?"

Nakasandal si Jaim sa malaking puno na malapit kila Winter habang ang mga braso ay naka-krus at ang mga mata niya ay nagbibigay ng malamig na mga tingin. Gusto niyang makinig, gusto niya pang may malaman kahit alam niyang hindi magandang asal iyon. Napatingala siya at nakita ang isang binata na nakatingin sa kanya.

'Isn't this easier? Makinig at may malaman nang hindi naghihirap?'

'Right? Everyone has secrets, including you. Wala naman tayo pakialam kung may makaalam, diba? May sikreto rin sila ngunit hindi sila marunong mag-ingat.'

Ang mga tinig na iyon ay tila mga taong nag-uusap sa loob niya. Kinukumbinsi na hindi naman sinasadya na makinig ng usapan ng iba lalo na't ng mga hindi marunong mag-ingat. Wala nang laban si Jaim sa sarili niya, wala na siyang paki kung mahuhuli man siya dahil alam niya kung paano gumawa ng magandang rason upang makaligtas sa mga ito.

Sa building C kung saan tanaw ang gate na pinagtatambayan nila Winter ay napatigil ang naglalakad na si Zike, ang isa pang kaibigan ni Jaim, nang matanaw ang dalawang binatang mukhang seryoso ang usapan. Napadako naman siya sa isang babaeng tila natatakpan ng puno kung kaya ay lumipat siya sa isang bintana kung saan natanaw niya ang kanyang kaibigang si Jaim na nakasandal sa malaking puno na nagtatabon sa kanya mula sa kanyang nakatatandang kapatid at sa kasama nito. Naka-krus ang mga braso at pasimpleng nakikinig sa dalawa na parang wala lang.

Napatingin sa pwesto niya si Jaim at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nais man niyang umiwas sa mga tingin ng kaibigan ngunit tila may kakaiba sa mga tingin nito. Hindi ito ang normal na mga mata ni Jaim. Parang ibang Jaim ang nakikita niya. Matagal niya nang pinagmamasdan ang kaibigan, at alam niyang sa likod ng inosenteng mukha ni Jaim ay may nagtatagong isang katauhan na hindi niya malaman ngunit sa ilang taong pagkakaibigan ay ito ang unang pagkakataon na nagpakita ito nang ganitong ekspresyon.

WHITE [On-going]On viuen les histories. Descobreix ara