Chapter 28 - REVEALED

2.7K 83 14
                                    

Chapter 28

[Marjorie's POV]

Maliwanag na nang makarating ako sa bahay. Ewan ko kung saan ba ko napadpad at inabot ako ng ganun katagal bago makauwi.

Nakatungo ako habang naglalakad at parang wala ako sa sarili ko. Hanggang sa may mabunggo akong lalaki.

"J-john?" akmang lalapitan ko na sya pero biglang nag-iba ang itsura nya.

"Tss, ano bang sinasabi mo Miss? Mag-ingat ka naman sa paglalakad at tignan mo ang dinadaanan mo." sagot nya at saka umalis.

Tsk, naghahallucinate na ko. Kanina ko pa nakikita ang mukha ni John. Kahit yung stoplight sa kanto, mukha ni John ang nakita ko =_=

Pilit kong inayos ang sarili ko bago magdoorbell sa tapat ng bahay namin. "Okay Marjorie, walang nangyari kahapon. Namasyal ka mag-isa, pumunta ka sa hotel mag-isa dahil na stranded ka mag-isa. Yan ang isipin mo Marjorie kasi---"

"Oh ate? Kinakausap mo gate natin?" halos mapatalon ako nang may biglang sumulpot sa likod ko.

"Aish Macey! Hay nako ka, aatakihin ako sa'yo! Oo kausap ko yung gate =_="

"Ah, K." nilagpasan nya na lang ako at gamit yung susi ay binuksan nya na yung gate. "Alam kong magtatanong ka, wala sila Mama. Umalis sila kahapon pero mamaya babalik na din sila."

Fine, nasabi nya na, edi hindi na magtatanong. Pero buti na lang pala wala sila Mama, hindi ko na kailangang magpaliwanag kung sang lupalop ako nagpunta at natulog kahapon.

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko pero nagsalita na naman si Macey.

"Ate, nga pala, dumaan dito kanina si Raffy, tinatanong kung umuwi ka na daw ba. Syempre sabi ko hindi pa. Ang kulit kulit nung taong yun. Kagabi din dumaan yun dito at tinanong kung umuwi ka na, mga bandang 8 pm yata? Tapos bumalik ng mga 10. Tapos nanawa sigurong bumalik dito, kaya tinext na lang ako ng bandang... 1am? Tss, ang kulit ng lahi nya forever. San ka ba kasi nagpunta? Mag-isa lang tuloy ako dito kagabi."

"H-ha? Ano, wala, dyan lang sa tabi-tabi."

"Ah, K. Susumbong kita kay Papa, sasabihin kong nagpunta sa tabi-tabi at hindi ka dito natulog kaga---"

"Aish Macey naman! Utang na loob, ako ng bahala dun, wag ka ng mangialam okay??"

"Tss, init ulo? First day mo ate?"

"Arrgh! Macey!"

"Eyy, oo na! Hindi mabiro! Matulog ka na nga Marjorie, mukha ka ng panda dyan sa eyebags mo =_=" tinalikuran ko na lang sya at dumiretso na ako sa kwarto ko. Pero napaisip ako sa sinabi nya. Hinahanap ako ni Raffy at tinatanong kung nakauwi na ko?

Agad kong kinuha sa bag ko yung phone pero ni isang tawag o text, wala namang galing kay Raffy. Tss, bakit kaya?

"Baka namiss lang ako nun." bulong ko at eto na naman ako, kinokonsensya na naman, aish.

Nagpalit na ko ng damit at dumiretso ng higa sa kama ko. Nakipagtitigan lang ako sa kisame dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit konting antok. Tumingin ako sa relo ko at saktong 7 am pa lang pala.

"Haay, uminom kaya ako ng sampung sleeping pills, makakatulog na kaya ako?" nagpaikot ikot na ko sa kama ko pero pagtingin ko sa relo, 7:02 pa lang. "Ano baaa, bakit ang bagal ng oras?? Nakakainip nam--- aack-- Ano ba tong---" nang kapain ko ang leeg ko dahil para kong nasasakal, naalala kong suot ko nga pala yung kwintas. "Yeah right, Marj. Sisimulan mo na naman bang magdrama? Tss." ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko. Naglaro ako ng jackstone, cards, kinalaban ko ang sarili ko sa chess at ang galing ko dahil nanalo ako, tapos naglaro din ako ng jack en poy mag-isa, tapos... UTANG NA LOOB! NABABALIW NA KO!! I-admit ko na lang kaya ang sarili ko sa mental? T_T

BHACNCK 2: The Beginning of the End [COMPLETED]Where stories live. Discover now