Chapter 26 - FORBIDDEN DATE

2.6K 67 7
                                    

Chapter 26

[Jade's POV]

Ilang minutong byahe lang ay nakarating na kami sa isang building kung saan nagtatrabaho si Mom. Hindi naman ganun kataas ang position nya dito, kung tutuusin, average na pamumuhay lang ang meron kami. Kaya hindi ko maintindihan kay Mom kung bakit napakabusy nya, dinaig pa nya yung may-ari ng kumpanya.

"Miss, anong floor ang opisina ni Therese Salazar?" tanong ko agad sa babae sa may reception area.

"Ah, excuse me pero, sino ho sila?"

"Importante pa ba yun? I need to talk to her."

"Yes importante yun dahil working hours ngayon. At isa pa, hindi kami basta nagpapapasok dito. So, kung gusto nyo talaga syang makausap, pwede ko naman syang pababain dito. Hindi kasi pwedeng maistorbo ang mga employee, lalo na ang mga employers dito dahil nga as I've said earlier, working hours ngayon at madaming on going important meetings sa iba't-ibang bahagi ng building na to."

"Fine. Paki sabi na lang na nandito ang anak nya, Jade Salazar." naghintay na lang kami sa lobby pero kahit pinapakalma ako ni Brandon, hindi ako mapakali dahil mas lalong uminit ang ulo ko dun sa receptionist na yun.

"Yes Ma'am, andun po sila." narinig kong sabi nung receptionist kaya napalingon na ako at bumungad sakin ang gulat na ekspresyon ni Mom. Nginitian nya yung babae at nagpasalamat at saka lumakad papunta sakin. Tss, buti pa yang receptionist na yan, buti pa yung mga tao dito, kinakausap nya. Eh ako? Kelan nya ko huling kinausap?

"Jade, what are you doing here?" tanong nya. "Are you alone? Tsaka tapos na ba ang klase mo?"

"No Ma'am, kasama nya po ako." napalingon sya kay Brandon na hindi nya yata napansin kanina dahil nakafocus sya sakin. Pero parang hangin ang nagsalita dahil hindi nya to pinansin.

"Bakit ka nandito Jade? Diba oras pa ng klase mo?"

"Tss, nanay ba talaga kita? Matagal ng tapos ang klase namin Mom, halos two weeks na, semestral break na namin ngayon. Pero hindi mo napapansin dahil busy ka, as usual."

"Jade wag mo kong kausapin ng ganyan. Diretsuhin mo na lang ako kung ano ba talaga ang pinunta mo dito. Madami akong ginagawa."

"Wow, what a great mother. Mas uunahin mo pa din yung trabaho mo kesa sakin?? Kaya hindi mo na alam ang mga nangyayari sakin eh."

"Jade uulitin ko, wag mo kong kausapin ng ganyan, ayusin mo ang pananalita mo. At isa pa, bakit magkasama kayo nito ni Brandon? Wag mong sabihing nagkabali---"

"Oo Mom! Kami na at hindi naman kami nagbreak. Pero muntik-muntikan na dahil sa'yo. Alam mo bang sya na lang yung maituturing kong pamilya bukod sa mga kaibigan ko pero muntik pang mawala dahil sa mga walang kwentang batayan mo??"

"Ano bang sinasabi mo??"

"Ha, akala mo Mom hindi ko alam?? Alam kong kaya ka tumutol sa planong pagpopropose ni Brandon ay dahil nakikita nyo saming dalawa yung dating kayo ni Dad! Hindi ka pa ba nakakalimot dun Mom?? Try to move on! Hindi naman kasalanan ni Dad---"

"Shut up Jade, shut up."

"Pero Mom totoo naman diba?? Hindi naman ginusto ni Dad na---" natigil ako nang bigla nya na lang akong hilain dahil pinagtitinginan na kami nung mga tao dito. Kaya hinila nya ko papasok sa isang maliit na meeting room at sumunod na lang samin si Brandon.

BHACNCK 2: The Beginning of the End [COMPLETED]Where stories live. Discover now